Palinga-linga ang binata sa paligid dahil kaslaukuyan silang nasa harap ng mataas na pader na humahati sa pamamahay ng gurong si Ms. Bragend. Maging si MaCa’y labis ang kaba dahil sa kanilang gagawin ngunit kinakailngan nilang malaman ang kalagayan ng prinsesa ng Burgandia. Hindi man matanggap ng dalaga ang katotohanan ngunit sa dami nang kababalagahan na nangyari sa kaniya sa loob ng ilang buwan ay masasabi niyang maaaring tama nga ang mga ito. Hindi man alam ng dalaga ang maaaring mangyari kung sakaling makuha ng prinsesa ang bato’y hindi rin makakaya ng konsensiya ng babaeng wala siyang gagawin kung sakali. “Did you check the other side? Baka mayroong mga taong dumadaan?” putol ni Clyde sa malalim na pag-iisip ni MaCa. “It seems that there’s no people around. Bilisan na lamang nat

