KABANATA 19 MATAGAL NA NAKATINGIN ANG DALAGA sa hanay ng mga nag-audition. Makikita ang pag-asa sa kanilang mga mukha ngunit halos mapangiwi ang babae dahil wala man lamang siyang napili hanggang sa matawag ni MaCa ang pinakahuli sa pila. Tumayo ang babaeng nakasuot ng kakaibang kasuotan bilang props niya, kaya’t nagkatinginan sina MaCa at Shelly sa babaeng nasa harap nila. ‘What’s with this peculiar outfit which will relatable to cheerleading competition?’ Pamilyar sa dalaga ang ganitong bihisan ngunit ayaw niyang pag-isipan ang babae na nasa kaniyang harapan na ito si Pinkie at talagang nag-balatkayo lamang upang kahit paano ay mapalapit parin sa kaniya. Marahang bumuntong-hininga ang dalaga saka naramdaman ang paghawak ni Shelly sa kaniyang kamay na napatong sa pahabang mesa. N

