KABANATA 18 Dumiretso ang dalaga palayo kay Precious at ipinagpatuloy ang pagpapaskil sa ibang mga bulletin board sa campus. Wala nang natatanging paraan para maipagpatuloy niya ang pagpipresenta ng Lillian University sa regional division ng kompetisyon. Maraming mga mata ang nakatutok sa babae at maging ang ilan ay natatawa sa kaniyang mga ipinapaskil. Mayroong tumapik sa balikat ni MaCa habang ginagawa ang ganoong bagay, saka mabilis napalingon ang babae sa kung sino. “Shelly? What do you want?” tanong ng dalaga ngunit lumuwang ang ngiti nito saka kumuha ng ilang hawak niyang papel. “What are you doing?” “I’ll help you,” masisigurong desidido ang dalaga base sa kaniyang tono. “P-Pero—“ “Saan ko banda ipapaskil ang mga ito?” tila walang narinig si Shelly at sadyang pinutol ang

