Halos lumalim ang gitla sa noo ni MaCa ng marinig ang mga tanong ni Ricky. Hindi niya maisip kung saan nanggaling ang mga ideyang yaon, lalo’t ang bata ay nasa elemetarya pa lamang? Hindi kaya mayroong nagtutulak sa kaniya o nagsisiksik sa bata ng mga ganitong klaseng konsepto? Mukhang hindi nakabubuti sa nakababatang kapatid ang kung sino mang nakakausap nito. “Paano mo nasasabing hindi ako tao? Anong klaseng nilalang ako kung gano’n?” sinakyan ng dalaga ang kuwento ng bata upang makahalungkat pa siya ng ilang impormasyon kung saan nanggagaling ang mga iyon. “Hindi ko alam ate,” saad nito saka akmang tatalikod subalit hindi pumayag ang dalaga at muling kinulit ang kapatid. “Sinong nagsasabi sa’yo ng mga ganiyang bagay?” Biglang nagkaroon ng mabilis na tugon ang bata animo kababaka

