HINDI NAKAKIBO ang binata animo walang makapang salita sa mga sinasabi ng dalaga. Parang mayroon siyang alam ngunit ayaw nitong magsalita ukol sa mga bagay na nararananasan. Umiwas ang mga mata ni Clyde at tahimik na tinalikuran ang babae saka binuksan ang double doors kaya’t hindi sinasadyang maitulak ang dalawang kaibigan ni MaCa. “Ayy, shitty fudge!” gulat na gulat si Yana habang si Myrtle ay inosenteng napasipol sa gilid. “Hi, Mr. Sungit este C-Clyde? How’s your day with, M-MaCa?” masiglang bati ni Myrtle. Hindi man lamang pinansin ng binata ang mga kaibigan ng dalaga saka suwabeng lumayo sa mga ito. Hinarap naman ni MaCa ang dalawa at pinameywangan dahil sa kanilang pakikinig sa maaaring pinag-uusapan nila. “What the heck are the two of you doing here?” anang dalaga. “I

