MARAMI ANG nakapalibot na estudyante sa quadrangle ng Lillian University. Iyon ay araw ng Sabado kung saan ang natatanging pinakahihintay ng lahat lalo ang mga kasamahan ni MaCa: ang preliminary competition sa cheerleading. Kasalukuyang nasa gymnasium ang buong grupo ng dalaga at paulit-ulit ginagawa ang special moves na kinakailangan sa mas malaking puntos, halos kakikitaan ng kumpinyansa at kaunting kaba ang mga mukha nina Yana at Mrytle habang panay ang ayos sa kanilang mga naka-ponytail na buhok. Samantala, kanina pa nag-stretch ang dalaga at pabalik-balik sa harapan nila animo kakakitaan ng kaba sa kaniyang mukha. “Are you okay, MaCa?” tanong ni Yana sa babae. “I’m just a little bit nervours.” “Dati naman natin ‘tong ginagawa. Don’t be too nervous, we’ll eventually get victory.”

