Napabalikwas nang higa si MaCa dahil sa kaniyang mga kakaibang panaginip na madalas dumalaw magmula ng tumuntong siya nang ika-labing walong taon ng kaarawan. Hindi niya kailanman binabanggit ang mga misteryong nangyayari sa kaniya. Iisa lamang ang nagiging kahihinatnan ng mga iyon, ang tunog na parang mayroong nabasag na kung ano saka siya magigising na parang pawis na pawis at hingal na hingal. Nagiging mas madalas ang mga eksenang pumapasok sa utak ni MaCa nitong mga nakaraang buwan, lalo’t hindi na lamang sa panaginip ngunit maging kahit anong kaniyang mga ginagawa o nasa eskwelahan. Ilang ulit nangyari ang magulong pangitain no’ng nagkaklase sa metaphysic subject at kung minsan ay kapag nasa library siya at nag-iisa.
Kinusot ni MaCa ang kaniyang mga mata at tinignan ang orasan sa tabi ng kama, halos mag-aalas nuwebe pa lamang ng gabi ngunit parang medaling araw na para sa dalaga animo nahipnotismo si MaCa sa bilog na buwan na matatanaw sa siwang ng kaniyang sariling silid. Tumayo ang babae at tumungo sa terasa at doon ay dumungaw si MaCa upang mas masilayan ang bilog na buwan. Maya-maya’y nakuha ng isang bulto ang paningin ng dalaga.
‘Anong ginagwa ni Manong Pilo sa pool?’
Malalim ang iniisip ng ginoo at nakatingala rin sa madilim na kalangitan. Kung minsan ay nahihiwagaan rin si Maca sa kanilang bagong driver ngunit isinasawalang bahala na lamang ng dalaga sapagkat naniniwala siyang mayroong kani-kaniyang ka-weirduhan ang bawat nilalang ngunit kung ang pagbabasehan ay ang mga serye ng panaginip niya, masasabi ng dalagang nakakaalarma ang mga ito.
Muli siyang pumasok sa silid at nahiga sa malawak na kama, sumagi ang mga engkuwentrong namagitan sa kanila ng bagong saltang estudyante sa Lillian University.
“Hindi maaaring ‘di makabawi sa pamamahiyang ginawa niya sa’kin,” litanya sa sarili saka awtomatikong nalukot ang mukha ng dalaga bago pinilit muling matulog.
Maaga ang routine ni MaCa sa pagtulog dahil kinakailngan niyang bumawi kinabukasan sapagkat bukas ang unang araw ng kanilang pag-eensayo. Hindi maaaring makupad at mas dapat maging maaga sa kanilang lugar na gaganapan ng naturang activities.
KINABUKASAN, maagang nagpaalam ang dalaga sa mga tao sa kanilang pamamahay saka dumiretso sa unibersidad. Kipkip ng babae ang kaniyang gym bag kung saan nakapaloob ang mga extra shirts at ilang gamit sa kanilang pag-eensayo ng mga sayaw na gagawin nila sa regional cheering tournament. Ilang lingo na lamang ang nalalabi bago nila gawin ang naturang turning tornado moves na sinasabing pinaka-epikong galaw sa larangan ng cheering competition. Ang galaw na iyon ay halos kalahati ng puntos sa mga hurado. Bahagyang mahirap at komplikado ang gusting mangyari ni MaCa, dahilan upang maging mas aligaga ang mga miyembro na kinabibilangan ng dalaga.
Patakbong tumutungo sa direksiyon ng gymnasium ang dalaga sapagkat nais niyang manguna at maging role model sa mga nasasakupan. Nang paliko ang dalaga sa pinakadulo bago ang gymanasium ay hindi sinasadyang mabunggo ng dalaga ang kung sino rason upang tumilapon ang ilang dalang tumbler at towel. Samantala, nagkalat ang aklat ang ilang index card na marahil hawak ng kaniyang nakabunggo, napatingin si MaCa sa taong nasalubong niya, natigilan sandal animo natulala ang dalaga nang makita ang kaniyang guro sa metaphysics. Hindi malaman ng dalaga kung anong misteryo ang bumabalot sa mga mata ng matandang babae subalit pilit niyang isinasantabi ang mga iyon.
“Ma’am, I’m really sorry if I haven’t notice you. I was in a hurry to go to the gym—“
“It’s fine. No worries, Marie Catherine.”
“Paanong niyo po nalaman ang buo kong pangalan---“ nagtatakang saad sa ginang.
“Dahil dito?” itinaas ni Ms. Bragend ang index card na nagkalat sa mismong sahig.
Nakaramdam ng bahagyang pagkapahiya ang dalaga dahil sa mga iniisip nab aka psychotic ang kaniyang guro. Hindi malaman ni MaCa kung bakit mayroon siyang kakaibang nararamdaman ay parang magaan ang loob ng dalaga sa matanda.
“O-oo nga pala, Ma’am. Pasensiya na po ulit, maauna na po ako.” saad ng dalaga matapos malikom ang kaniyang mga gamit at magalang na i-abot ang mga ito sa matanda.
“Malapit mo na’rin namang malaman ang katotohanan,” saad nito kaya’t napakunot-noo ang dalaga.
“Anong katotohanan po?”
Makahulugang ngumiti ang ginang ngunit para kay MaCa ay masyadong creepy ang ikinikilos ng kaniyang guro, kaya’t tahimik na tumango ang dalaga at nagmamadaling lumayo dahil habang tumatagal na kinakausap ng babae si Ms. Bragend ay tumataas ang kaniyang mga balahibo.
Nang makarating ang dalaga sa loob ng gymnasium ay namataan niya ang mga kasamahang nakaupo sa bleachers at hindi maipinta ang mga mukha. Kumunot-noo ang babae saka lumapit sa kaniyang mga kaibigan.
“Bakit ganiyan ang mga mukha ninyo? Hindi maipinta ni Vincent Van Gogh?” sita ni MaCa.
“Paanong hindi magkakaganito, girl? Hindi mo ba alam kung bakit kami hindi nagsisimulang mag-ensayo?” ani Yana na kakakitaan ng kakaibang inis sa mukha.
“Nag-away na naman kayo ng boyfriend mo? Hindi ba sinabi ko sa’yo, iwasan mo na ‘yang lalaking ‘yan?” natawa si MaCa habang sinasabi ang mga iyon.
Mariing umiling ang kaibigan saka ngumuso sa bahaging kaliwa ng gymnasium animo makikitaan ng pagkapikon sa ekspresyon.
“Anong ibig mong sabihin?”
“Girl, tingnan mo na lamang. Paano tayo makakapag-ensayo kung naagawan na tayo ng puwesto?”
Nilibot ng dalaga ang mga mata sa kaniyang mga kasamahan bago inosenteng tumitig sa kabilang bahagi ng gymnasium.
‘s**t!’
Naroroon ang kanilang katunggali at tila kanina pa nag-eensayo base sa kanilang pawisang katawan. Hindi mapigilang mapatiim-bagang ng dalaga dahil sa ginawang kalokohan nina Precious. Galit na galit ang babae nang lumapit sa lider ng kabilang grupo saka tumayo sa harap ng dalagang kasalukuyang nagsasayaw. Hindi tumagil ang babae sa kakasayaw habang matiim na nakatingin sa dalaga animo nang-aasar ang ekspresyon ng mukha, rason upang madagdagan ang inis na lumalarawan sa mukha ni MaCa.
“Alright, guys let’s have some breaks for a minute!” sigaw ni Precious sa mga kasamahan.
Hindi natinag ang dalaga sa pagkakameywang at talagang hinintay na makaalpas ang mga kasamahan nito bago tuluyang lumapit sa babaeng mahadera.
“Hindi naman nananadya ‘no? You know that this is my spot!” giit ni MaCa.
“Easy girl, I’m not doing anything wrong. You didn’t buy all the rights of this place. Sino ka para angkinin?” saad ni Precious dahilan upang lalong tumaas ang dugo sa ulo ni MaCa dahil talagang sinasagad ng babae ang kaniyang pasensiya.
“Really? Let’s see…” halos hindi maipinta ang mukha ni MaCa maging hanggang magsimula ang naturang kanilang ensayo, ngunit mas lalong mahahalata ang literal na pang-inis na ekspresyon ng babae, hindi makaalis ang dalaga ngunit kinakailangan niyang umalis doon dahil nagmumukha siyang tanga.
Nang makabalik si MaCa sa kaniyang mga miyembro ay hindi niya alam kung paano ang i-aakto o sasabihin sa kanilang hindi matutuloy dahil sa kagagawan ng walanghiyang babaeng inggitera.
“So what now?” ani Myrtle.
“I don’t know what to do!” nag-aalburuto ang dalaga.
Sandali silang nag-isip kung anong maaaring gawin nang makaisip si MaCa ng kaniyang gagawin, kinuha ng dalaga ang Bluetooth speaker hanggang sa pinatugtog ng malakas at nalito ang mga ka-miyembro ngunit nang makuha nila ang nais ni MaCa kaya napangiti ang dalawa saka sumunod ang mga ito.
Sinabayan siya ng mga kasamahan kaya’t nakuha ang atensiyon ng kabilang kampo, animo nagulat sa kanilang kilos ngunit imbis magkaroon ng pagkatakot ay mas lalong lumakas ang kumpiyansa ni MaCa. Hindi kasi maipinta ang mukha ni Precious dahil parang nalilito ang babae kung anong susunod na step dahil sinasabayan niya ang mga sigaw ng babae.
“Ten, nine, eight, seven, six, five… turn around girls!” sigaw ni MaCa.
“Turn left!” singhal ni Precious.
“Turn side by side…” sinabay ng dalaga kaya’t napangisi ito nang nalito ang kabilang bahagi.
Sinunod nila ang sinabi ng dalaga kaya’t natawa si MaCa dahil halos hindi makasunod ang mga ka-miyembro nina Precious, rason upang ihinto ng babae at halos sumugod sa puwesto nina MaCa.
“Are you really pissing me off?”
“No, I’m not, we’re just getting our moves, straight and perfectly executed,”
“Hindi mo ba nakitang nauna kami rito?”
“Oh well, I apologize for being so pushy!”
Inutusan niya ang kasamahang palakasan pa ang kanilang tugtugin at kung anong ginawa ni Precious sa kanina’y ginawa niya rin dito. Mas binuyo ang dalaga lalo’t pinaikot ni MaCa ng malala ang balakang animo sinasabing tumabi ang babae sapagkat nag-eensayo sila. Walang nagawa si Precious kundi bumalik sa mga kasamahan at lalong nakipagsabayan ngunit dahil malala ang pagkalitong nangyayari sa mga kasamahan nito’y napilitang huminto ng babae at literal na umalis ng gymnasium na sinundan lamang ng mga kasama nito.
Nang makaalis ang mga kasamaha ni Precious ay nagtawanan sina MaCa maging sina Yana na sadyang nakipag-high five sa dalaga, dahil napaalis nila sa teritoryo ang mga asungot.
“You’re really bad, Marie Catherine Sta. Maria,” saad ni Yana.
“Well, that’s life. Kung maldita siya mas maldita ako, duh?”
Lalong nagtawanan ang kaniyang pack kaya’t nakisama rin ang babae ngunit napahinto si MaCa ng mahagip ng kaniyang mata ang lalaking kinaiinisan na nakaupo sa dulo ng bleachers at naka-hoodie naman ngayon ng itim habang nakasalpak ang airpods nito.
“Kunwari pa, ‘to! Nanonood din naman pala sa mga practice ko.” anas sa sarili.
Doon lumakas ang loob ni MaCa na lapitan ang lalaki saka kausapin animo malapit sila sa isa’t –isa.
“So you love what you’re seeing, right now?” kumpiyansang saad ni MaCa ngunit imbis sagutin ng lalaki ay tumayo si Clyde at halos hindi siya pinansin.
“Masyado kang feeling, miss. Inistorbo mo pa ang pamamahinga ko.” walang emosyong saad nito.
“What did you just say?” hindi makapaniwalang saad ng dalaga ngunit imbis na sumagot ay basta na lamang siyang nilayasan.
‘Bastos talaga!’