KABANATA 2.2

2098 Words
Matapos ang masalimuot na tagpo sa pagitan ni MaCa at nang bagong saltang binata sa Lillian University ay mas naging maugong ang labanan lalo’t nabalitaan ng ilang mga mag-aaral na hindi lamang simpleng tunggalian sa titulo ang pinag-aagawan maging ang atensiyon ni Leon Clyde Villa. Mariing itinatanggi ng dalagang kabilang siya sa mga kababaihan sa campus na halos halikan ang inaapakan ng transferee guy na sadyang hindi kagandahan ang ugali at ang palaging tingin sa sarili ay sinasamba ng halos kalahati ng populasyon ng mga mag-aaral sa naturang unibersidad. Hindi maintindihan ni MaCa kung bakit iniisip ni Precious na magiging kaagaw sa lalaki gayong hindi kailanman nagustuhan ng dalaga ang pag-uugali ng binata lalo na nang magkakilala sila sa unang pagkakataon. Kasalukuyang nasa library ang dalaga upang asikasuhin ang kanilang mga diskursong tatapusin sa pagsisimula sa thesis. Kagrupo ni MaCa sina Yana at Myrtle ngunit nagpaalam ang dalawa na mayroong klase sa ibang subject kung kaya naiwan siyang nag-iisa sa loob ng silid-aklatan. “Metaphysics and geothermal heat will surely pain in my a*s!” usal sa sarili ng makita ang kabuuang mga aklat na kakailanganin sa pagsasaliksik. Tumungo ang dalaga sa pinakadulo upang suriin ang ilang mga librong kakailanganin habang naghihintay sa dalawa niyang kagrupo. Nang makarating sa dulo ay sumilip ng bahagya ang dalaga sa sulok upang abutin ang aklat ngunit akmang aabutin ang mga iyon ay halos mapaigtad sa gulat ang dalaga ng mamataan ang bulto ng isang lalaki na nakatalukbong ang kabuuang ulo ng kaniyang suot na kulay pulang hoodie. Kung ang pagbabasehan ay ang puwesto ng binata’y masasabing nagsi-siesta ito. ‘Paano ko makukuha ang books na kailangan ko? Bakit kasi dito naisipang matulog? Wala bang kuwarto sa pamamahay ng taong ‘to?’ reklamo sa sarili. Dahan-dahan ang kaniyang hakbang upang hindi makakuha ng atensiyon sa lalaking nakasandal sa mga dibisyon ng aklatan. Pilit inaabot ni MaCa ang mga aklat hanggang sa mapangiti ang dalaga ng matagumpay niyang makuha ang isa. Parang naglalaro sa marathon ang babae dahil umaaktong nagwa-warm up ng mga daliri bago muling sinubukang kunin ang panghuling aklat, subalit nawalan ng balanse si MaCa dahil nakatingkayad ito, rason upang tuluyang mahulog ang kaniyang buong bigat sa mga bisig ng binatang natutulog. Halos manlaki ang mga mata ng dalaga ng mamasdan ang pamilyar na bultio ng nakapikit na lalaki. “No freakin’ way!” nagmamadali siyang lumayo subalit huli na nang dumilat ito. “Kailangan ba talagang sa’kin ka magpapasalo para lamang mapansin ka?” walang emosyong saad nito. “What the heck are you trying to say?” Di halos pumasok sa isip ng dalagang gano’n parin ang ayos nilang dalawa habang nagkakaroon sila ng malalang argumento sa isa’t-isa. “What am I trying to say is, you’re voluntarly doing this to get my attention. Noong una, sa upuan ko ngayon naman ako na mismo ang inupuan mo.” “Aba’t ang kapal naman ng apog mo no!” Sobrang lapit ng kanilang mga mukha na halos gapulgada na lamang ngunit masyadong abala ang dalaga sa nararamdamang galit para sa binata kaya’t hindi niya makita ang malaswang ayos ng kanilang puwesto. Kitang-kita na tumaas ang sulok ng labi ni Clyde animo may naiisip na kalokohan sa mga oras na yaon ngunit hindi man lamang sumagi sa dalagang kinakailangan na niyang lumayo rito bago pa mayroong makakita sa kanila. “Mukhang nagugustuhan mo na yata sa piling ko Marie Catherine Sta. Maria…” “A-anong pinagsasabi mo?!” nanlaki ang butas ng ilong ng dalaga sa mga narinig sa binata subalit hindi parin niya nakukuha ang ibig sabihin nito. Natiglan silang dalawa nang mayroong sumilip mula sa dibisyong nakaharang sa kinaroroonan. Doon lamang natauhan ang dalaga lalo’t halos manlaki ang mga mata ng estudyanteng nakakita sa kanila. TIyak na iba ang iniisip ng mga ito sa kanilang mga naabutang ayos nina MaCa at Clyde. Mabilis silang nag-hiwalay upang hindi na mas lumawig ang maling haka-haka ukol sa kanila. “Napakawalang hiya mo talaga! Baka matsismis pa ‘ko sa mga nangyari!” singhal ni MaCa. “Hindi ko kasalanan kung lampa ka, miss,” anas nito saka pinagpagan ang kasuotan at mabilis tumindig. Naiwang nakasalampak ang dalaga at hindi malaman kung kalian maibabalik ang kumpiyansa matapos walang paalam na iniwan ng binata. Paniguradong malaking balita ang kanilang naging engkuwentro sa buong campus, ngunit sa isang banda’y napangiti ang babae dahil tiyak na magkakaroon na naman ng matinding inis ang katunggaling si Precious lalo’t kung malaman niyang nagkaroon si MaCa ng bahagyang “moment” sa ultimate crush ng babae. ‘Pwe!’ Lumabas ng mayroong pilyang ngiti sa labi ang dalaga kahit kitang-kita ang bulungan sa kaniyang paligid sapagkat hindi rin naman pala naging sayang ang mga sandaling tumambay sa bisig ng aroganteng binatang ‘yon. Samantala, napangiti ang babae dahil nakita niyang kumakaway ang mga kaibigan at tila patungo sa kaniyang puwesto hanggang sa tuluyang nakalapit ang dalawa. “Gosh! I feel so exhausted to the extent that it’s just our first subject.” “I know. How are you MaCa?” “Oh! I’m totally good tho’. Tara punta muna tayong canteen,” anas ng dalaga. Nagkatinginan ang dalawa animo hindi makapaniwala na una siyang nag-imbita dahil ang pagkakaalam nila’y istrikto ang dalaga pagdating sa kaniyang hubog at pangangatawan. Nang makarating sa loob ng canteen ay halos ang mga mata ay nakatutok sa kanila ngunit nalilito ang mga kaibigan niya kung bakit nagbubulungan ang naroroon sa kanilang paligid. “A-anong nangyayari? Bakit halos lahat sila’y nakatingin sa’tin?” kuryosong saad ni Yana ngunit imbis sumagot ng maayos ay kumibit balikat na lamang ang dalaga ngunit maalis-alis ang pilyang ngiti. “Hey, MaCa! Why is everyone glaring at us?” “I have no freakin idea!” Maya-maya’y lumapit ang grupo ni Precious kasama ang ilang kababaihan sa kinatatayuan ng mga kasama ni MaCa,tumaas ang kilay animo mas mataas pa sa kanilang mga grado. “You’re such a flirt girl. Gusto mo lahat na lamang sa’yo! Anong tingin mo, papansinin ka ni Clyde?” sarkastikong saad ni Precious ngunit imbis matinag ay ngumiti lamang ang dalaga animo nambubuyo. “Wala akong ginagawang masama. Hindi rin ako interesado sa lalaking nagugustuhan mo. Sayong-sayo na gusto mo i-gift wrap ko pa?” Nagtawanan sina Yana at Mrytle dahil sa mga sinasabi ni MaCa dahil animo walang pakialam sa pag-aalburuto ni Precious. “Woah! Kung wala kang interes bakit ikaw mismo ang lumalapit sa kaniya? Akala mo hindi namin malalaman na ikaw mismo ang lumalapit sa kaniya?” Literal na tumaas ang kilay ni MaCa dahil sa mga salitang lumalabas sa bibig ni Precious dahil inaakala talaga nilang ang babae mismo ang lumapit kay Clyde. “Wala akong dapat ipaliwanag sa inyong lahat, dahil kung gusto man ako ng iniidolo ninyo. Hindi ko na kasalanan ‘yon!” singhal ni MaCa sa mga babaeng kinukuyog siya dahil sa binata. “Let’s go girls!” saad ng dalaga subalit natigilan si MaCa ng makitang nakatayo mismo ang binata malapit sa kinatatayuan niya. “I never said I like you.” ani Clyde saka tahimik na kinuha ang tray mula sa harap ng buffet sa canteen kaya gano’n na lamang ang pahiyang naramdaman ng dalaga kahit mahina lamang ang pagkakabigkas ng naturang binata. Bahagyang tumingin ang dalaga kina Precious na halos maging katatawanan sa paningin ng mga ito dahil sa narinig mula sa binata. Walang sabi-sabing nag-walk out na lamang rason upang mas umugong ang kakaibang bulungan. Kapagkadaka’y sumunod na lamang ang kaniyang dalawang kaibigan kung saan siya tutungo. Hindi makalimutan ni MaCa ang kahihiyang natamasa sa kamay ng lalaking arogante, ito lamang naman ang kauna-unahang pagkapahiyang naranasan niya sa tanang buhay at ang salarin ay walang iba kundi si Leon Clyde Villa. Nasa quadrangle sila ng unibersidad at walang tigil sa kakalakad ng pabalik-balik ang dalaga tila hindi niya matanggap ang mga nangyari. Hind rin mapakali ang dalawang kaibigan at halatang nag-aalala sa ikinikilos niya. “Maaari ka na sigurong maupo, MaCa. Kaninang-kanina pa kami nahihilo sa pabalik-balik na paglalakad mo sa harap naming ni Yana!” ani Mrytle. Imbis na magsalita’y ginulo ng dalaga ang kaniyang buhok animo asar na asar magpasahanggang ngayon. “Ang kapal talaga ng mukha nang lalaking iyon! Sino siya para pagsabihan ako ng mga gano’ng salita, ha? Transferee lamang siya rito!” “Baka naman kasi tama siya MaCa, masyado ka naman yatang naging assuming sa mga ikinilos o sinabi mo kay Precious.” kumpirma ni Yana habang kipkip ng maigi ang mga aklat. Kaagad napalingon si MaCa sa kaibigan matapos marinig ang mga saloobin nito sa nangyari, animo hindi sang-ayon sa kung anong sinasabi ng dalaga. Dinunggol ni Myrtle si Yana animo sinasaway sa kaniyang mga nasabi sa dalaga dahil kakikitaan ng pagkainis ang buong ekspresyon ng mukha nito. “He’s not my type and will never be my type, Yana!” “Okay fine. Chill! I’m just stating my opinion.” Pinutol na mismo ni MaCa ang kanilang pag-uusap sapagkat dadalo pa ang babae sa kaniyang susunod na klase. Hindi maaaring lumiban ang dalaga dahil nagsisimula pa lamang ng taon at kailangan niyang mapataas ang grado dahil isa sa mga kwalipikasyon upang mapanatili ang kaniyang titulo ay mataas na marka. Hindi rin uubra sa ama kung sakaling makita na bumagsak miski isa sa mga subjects ng dalaga. Nagpaalam siya sa mga kaibigan bago tumungo mag-isa sa pasilyo, ngunit biglang nakaramdam ng kakaibang awra sa nakasabay na ginang. Naka-postura ang matanda at mayroong hawak na mga aklat patungo rin yata sa direksiyon na tinatahak niya. Hindi malaman kung aatras ba si MaCa o makikisabay sa b ang babae subalit iisa lamang ang nasa isip niya ng mga oras na iyon. Ang matapos ang buong araw at makauwi nang sa gayon ay makapagpahingan ang isip bago sumabak sa pag-eensayo ng kanilang mga galaw sa arena at darating na kompetisyon. “Saan ka tutungo, hija?” “Sa ikalawang silid po sa dulo, ma’am.” Hindi na kumibo ang ginang kung kaya nanguna ang dalaga sa paglalakad patungo sa nakalaang silid. Bahagyang natigilan ang mga naroroon ng makita siya sa hamba ng pinto, tila hindi parin mabura sa isip ng mga ito ang nangyaring insidente kanina. Lalong nainis ang dalaga ng makita sa sulok ang pamilyar na bulto ng lalaking nakasuot ng kulay pulang hoodie habang nakasalpak ang kaniyang airpods. Walang iba kundi ang mahadero at aroganteng lalaking namahiya sa kaniya kanina. Awtomatikong nanghaba ang nguso ng dalaga bago umupo sa bakanteng upuan malapit pa sa binata tila inaadya ng pagkakataong magkatabi pa sa iisang hanay. “Kung minamalas-malas ka nga naman!” Ni hindi tumitingin ang binata animo mayroong stiff neck kung kaya hindi pinanatili rin ng babae ang kaniyang matigas naekpresiyon, nangako sa sariling hinding-hindi lilingon sa aroganteng binata kahit magunaw pa’ng mundo. Ilang minuto ang nakalipas ng maputol ang pagrereklamo sa utak ng babae dahil sa pumasok na ginang na sadyang kasabayan lamang niya kanina. “Goodmorning everyone! I am Mariana Bragend your metaphysic professor.” pagpapakilala ng matandang babae. Kung pagbabasehan ang itsura ay tila mayroong kakaiba sa babae, ngunit hindi matukoy ni MaCa kung ano. Ang kaniyang pisikal na anyo ay sadyang kahali-halina kahit sabihing maedad na ang babae. “Goodmorning Miss Bragend.” saad ng ilan. Nagsimulang mag-discuss ang ginang ngunit animo nililipad ang utak sa kawalan lalo’t halos nababagdan si MaCa ng presensiya ng bagong guro. Hindi halos maipaliwanag ng dalaga ang kakaibang nararamdaman patungkol sa ginang. “What is metaphyisics, anyone?” anang ginang. Diretsahang tumitigtig ang guro sa gawi ko at tila namagnetong tumingin sa kaniyang mala-tsokolateng mata ngunit kakaibang misteryo ang pumaloob sa dalaga ng mayroong sumaging mabilis na ekena sa utak kung saan nabasag ang bato at kulay lilang likido ay tumilamsik sa mukha niya mismo. “Miss, are you with us? I’m asking you if what is metaphysics?” Napabalikwas si MaCa at kaagad kinapa ang kwintas na bigay ng kaniyang ama bago nagmamadaling tumayo upang sagutin ang ginang. “The metaphysics is branch of philosophy that talks about abstract concepts and—“ hindi naituloy ni MaCa dahil siya namang tunog ng bell hudyat na natapos na ang subject . “We’ll gonna have some groupings tomorrow. I’m expecting you to be here.” anang ginang. Hindi maipaliwanag ni MaCa ng muling tumingin ang matanda sa gawi niya tila binabasa kung anong nasa isip ng dalaga kung kaya kaagad nakaramdam ng pagkailang ang babae saka nagmamadaling umalis sa silid. “What’s wrong with her?” tanong sa sarili ngunit imbis na pansinin ay tumalilis na lamang patungo sa paradahan ng sasakyan kung saan naghihintay ang kanilang drayber.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD