IKALAWANG YUGTO
Napabalikwas ng higa si MaCa dahil sa tunog ng kaniyang maingay na alarm clock. Pupungas-pungas na kinapa ng dalaga ang nag-aalburotong relo sa tabi ng kaniyang malawak na kama. Humikab at sadyang nakapikit pa’rin dahil wala pa sa huwisyo ang naturang babae, ni hindi malaman kung anong dapat niyang unahin mula sa pagkakabangon. Tinanggal ang eye sleeping patch at sinuot ang kaniyang bunny sleepers, habang hindi maiwasang humarap sa salamin, kung saan makikita sa repleksiyon ang kaniyang magulong buhok at namumutlang mukha.
“Sandy, turn on the music please?” saad ni MaCa sa kaniyang robotic speaker na nakapatong sa tukador.
Nagsimulang pumailanlang ang tugtuging nangunguna sa kaniyang music list. Matapos magsuklay o mag-ayos nang kaniyang buhok ay dumiretso ng banyo at pinindot ang virtual calendar na nakakabit sa mirror malapit sa bathtub. Nanlaki ang mga mata ni MaCa ng makita ang petsang may karakter ng korona sa tuktok.
“Oh my gosh! Why I haven’t realized the date! Jeez!”
Nagmamadaling kumilos ang dalaga at hindi malaman ang dapat unahin sa mga dapat niyang gagawin ngayong unang araw ng eskwela sa papasukang unibersidad: Lillian University.
Ito ang kaniyang huling taon sa kolehiyo at siya ang senior representative ng kanilang buong eskwela pagdating sa mga paligsahan tulad ng cheering competition. Hindi maikakaila ang kasikatang tinatamasa ng dalaga sa loob ng kanilang unibersidad ngunit dahil din sa ganitong estado ay hindi rin maikakailang marami ang gusto siyang mapabagsak at maging kulelat lalo’t nag-aagawan ang kabilang kampo sa titulo bilang magaling na cheerleader, upang ipambato sa kalabang unibersidad.
Nagmamadali niyang isinuot ang maikling palda at uniporme saka muling tinignan ang relo sa gilid ng mesa saka kinuha ang mamahaling I-phone at maging ang branded na bag. Kung katayuan lamang sa buhay ang pag-uusapan ay sadyang marangya ang pamilyang pinaggalingan ni Marie Catherine Sta. Maria sapagkat ang kaniyang ama ay nagmamay-ari ng ilang chains of jewelry store sa kanilang lugar samantalang ang ina ay mayroon ding ilang maliliit na tindahan ng magagarang damit sa bayan.
Paalis na sana ang dalaga ngunit may pahabol na kinuhang gamit sa kaniyang maliit na aparador, doon ay masusing tinigan ang batong nakadikit sa metal na pilak. Regalo ito nang kaniyang ama sa ikalabing-walong kaarawan ni MaCa. Hindi niya nakalilimutang suutin sapagkat nagiging mas magaan ang pakiramdam ng dalaga kapag nasa leeg niya ang naturang regalo ng ama.
Napangiti ang dalaga matapos niyang sipatin sa salamin ang kulay lilang bato sa gitna, saka pa lamang siya kumilos upang pumanaog pababa ng kuwarto. Naabutan ng dalaga ang nakababatang kapatid na si Ricky na nasa elementarya pa lamang kung tutuusin, subalit kung magsalita ay matatas animo marami nang alam sa buhay.
“Ate, late ka na naman! Paano panay kasi ang pakikipag-usap mo sa boyfriend mo.” bungad nito sa hapag habang nakaharap sa mga magulang.
Pinanlakihan ni MaCa ng mata ang batang lalaki dahil sa katabilan ng bibig nito.
“Tama ba ang mga sinasabi ng kapatid mo Marie Catherine?” istriktong saad ng ama.
“Dad, that’s not true! This freaking little brute is just imagining things!” pahayag sa ginoo saka inirapan ang bata.
Tumatawa at napapailing lamang ang kanilang ina habang umaaktong nandidila ang bata tila inaasar lamang ang dalaga.
“Mom, pagsabihan niyo nga ‘yang si Ricky! He’s disrespecting me, can’t you see?” naiinis na saad ng dalaga.
“Spare your little brother, hija. He’s just playful indeed.” sabad ni Matilda sa kaniyang babaeng anak.
“Love kasi ako ni mommy at daddy, ikaw kasi hindi.”
Umirap lamang ang dalaga saka nagmamadaling tinapos ang kaniyang agahan saka nagpaalam na aalis ngunit bago makaalpas ay muling tinawag ni Ricky si MaCa.
“Ate!”
“What do you want? Huwag ngayon Ricky, I’m really in a hurry! I won’t buy your naughty gesture today!”
“I just want to give you this.”
Inilahad ni Ricky ang kaniyang palad at ibinigay ang lunchbox niya.
“What’s this?”
“Baon ko, give ko sayo para hindi ka na bumili sa school mo.”
Hindi man palaging nagkakasundo ngunit alam ni MaCa na malambing ang kaniyang kapatid dahil sa mga treatsat candies na minsan ay palihim nitong inilalagay sa kaniyang kuwarto.
“Aww, thank you little brother!” litanya ng dalaga saka kinurot ang pisngi ng bata.
Binuksan nito ang lunchbox saka binigay sa kaniya ang mayroong bawas na sandwich.
“Ano ‘to Ricky?” nanlalaki ang mata ng babae dahil mukhang nang-titrip lamang pala ang nakababatang kapatid. Sumenyas ng peace sign si Ricky saka muling lumayo sa kaniyang ate dahil tiyak na papatulan nito ang nagawang kalokohan.
“Peace ate, nagutom kasi ako kanina. Naisipan kong itira na lamang sa’yo…”
“Ricky!!!!”
“Sorry ate!” saad nito saka kumaripas ng takbo pataas ng ikalawang palapag upang hindi maabutan ng nakatatandang kapatid, ngunit marirnig sa bata ang malutong na higikgik.
“Mom! Dad! Si Ricky po! Aish. Lagot ka talaga sa’kin kapag naabutan kita! Pasalamat ka huli na ‘ko sa klaseng bata ka!”
“Bye ate!”
Hindi na lamang pinansin ang kapilyuhan ng kapatid at nagmamadaling lumulan sa loob ng nakaparadang sasakyan. Kaagad nirikisan ni MaCa kung ilang mensahe galing sa kaniyang pack ang natanggap. Natigilan ang dalaga ng tumunog ang phone sa gamit ang rumehistro ang pangalan ng isa sa mga itinuturing niyang kaibigan sa unibersidad.
“Ngl (not gonna lie) MaCa, the university is actually having some intensity breaks right now!” eksaheradang saad ni Yana pagkasagot pa lamang sa kaniyang I-phone.
“What do you mean? Sabihin mo na nga nang diretso, Yanz.”
“Mayroong bagong salta kanina sa registration quarter. Galing pa yata sa ibang de kalibreng eskwelahan sa Maynila.”
“Tapos?”
“Anong tapos? Magiging kaklase yata natin siya.”
“Then?”
“My gosh, Marie Catherine Sta. Maria! Hindi mo ba nakukuha ang mga sinasabi ko sa’yo ngayon?” nakikini-kinita na ni MaCa kung anong reaksiyon ng kaibigan habang nililitanya ang mga ganitong salita.
Nagkaroon pa nang kaunting huntahan bago pinatay ang phone. Ano man ang sinasabi ng kaklase ay wala roon ang konsentrasyon dahil tiyak na magiging mahigpit ang labanan na magaganap sa pagitan nila Precious, ayaw niyang maging kampante lalo’t noong isang taon ay nagbanta ang dalagang babawi siya at titiyaking maagaw ang puwesto mula sa pagiging darling cheerleader of Lillian ngayon taon. Ayaw niyang magtapos na hindi napapanatili ang posisyon sa loob ng eskwelahan.
Dating kaibigan ni MaCa ang babae ngunit dahil sa inggit at pagiging ganid ay nagtayo siya nang sariling grupo ng mananayaw, at ang karamihan sa mga miyembro ay mayroong pansariling problema kay MaCa. Iisa ang kanilang layunin, iyon ay mapabagsaka at manguna sa unibersidad na pinapasukan.
“Ms. Marie, narito na po tayo.” magalang na saad ng kanilang masugid na drayber.
Lumingon ang lalaki na mayroong kakaibang awra dahil sa pilat na mayroon sa kaniyang mukha ngunit masasabi naman ni MaCa na mapagkakatiwalaan si Manong Pilo dahil magmula ng namasukan ang matanda’y wala pa namang naging kahit anong problema rito. Hindi nga lamang alam ng dalaga kung mayroong pamilyang inuuwian ang ginoo dahil magmula ng namasukan ang lalaki’y hindi pa kailanman ito umuuwi sa kanilang probinsiya.
“Salamat, Manong Pilo. Sunduin niyo na lamang ako sa gate nang bandang ala-sais.”
Bahagyang tumango ang matanda bago siya umalpas palabas ng sasakyan. Awtomatikong nakakuha ng pansin ang dalaga matapos niyang lumakad palapit sa gusaling kanilang papasukan. Mayroong mangilan-ngilang umiismid ngunit hindi alintana ni MaCa ang kanilang mga pamimintas dahil mas kilala niya ang sarili. Mayroon din namang mga masiglang bumabati hanggang sa napahinto siya sa kalagitnaan ng hallway dahil masasalubong ni MaCa ang kaniyang mortal na katunggali.
Naglalakad ang babae kasama ang kaniyang dalawang alipores sa gilid at nakasuot ng revealing micro skirt kaya’t hindi maikakailang marami ang mga lalaking naglalaway at maririnig ang pagsipol. Umikot ang mga mata ni MaCa dahil tiyak na ibibilang na naman ng babae ang mga ganitong eksena kung saan pinagkakaguluhan siya kuno’ ng mga kalalakihan sa Lillian University.
Nang magkatapatan sila ay kaagad tumaas ang kilay ng dalaga habang ang tatlong kababihan ay sarkastikong ngumiti bago humarap sa kaniya. Patamad na inayos ng dalaga ang dala-dalang mga gamit tila ipinapakitang wala sa kanila ang interes ng babae.
“Hi Marie, long time no see! Did you miss me?”
“Oh, I apologize if I haven’t realized that you’re still existing…” saad ni MaCa dahilan upang ang ilan ay sadyang humiyaw na tila nambubuyo sa tatlong kababaihan.
Lumukot ang mukha ng dalaga sa sinabi nito, saka hindi mapigilang magalit sa pagigng prangka ng dalaga patungkol sa kaniya.
“How dare you say that!”
“Shall I go now?” kalmadong tanong ng dalaga.
“May araw Karin sa’kin. Huwag mong kalilimutan na maagaw ko ang mayroon ka, Marie Catherine Sta. Maria.”
“I smell jealousy and insecurities, Precious. I’m waiting for that day tho’ it won’t happen ever.”
Pagak na tumawa lamang ang babae saka tiningnan ang kaniyang mga kasamahan bago muling nagsalita sa huling pagkakataon.
“Let see…”
Nagkibit balikat lamang si MaCa saka dinaanan ang tatlong mahadera, bago dumiretso san aka-assign na kuwarto, ngunit sa kamalas malasan ay roon din ang tungo ng tatlo. Iisa lamang ang ibig sabihin ng mga ikinilos ni Precious, determinado talaga ang babaeng masungkit ang kaniyang titulo ngunit hindi makapapayag si MaCa dahil iyon ay kaniyang pangako sa sarili.
Magkapanabay silang pumasok ni Precious sa pinto ngunit walang nais magbigay kung sinong mauunang pumasok kaya’t kahit magbanggaang ang kanilang mga braso ay hindi alintana ng dalawa kaya’t natahimik ang buong klase.
Dumiretso kaagad si MaCa sa kaniyang mga itinuturing na kaibigan habang si Precious ay tumungo sa kabilang bahagi ng classroom.
“Akala ko magigiba na yung pinto, frennie.” bungad ni Myrtle.
“True!” ani Yana.
Natatawa na lamang ang dalawa pa nilang ka-miyembro sa cheering squad na si Alyssa at Shelly.
“Ang kapal talaga ng apog nang babaeng ‘yan!” ani MaCa dahil sa tinding inis na bumabalot sa kaniyang emosyon.
Inilapag ng dalaga ang kaniyang mga gamit sa mesa malapit sa bintana. Padaskol niyang inilipat ang bag na nakasalansan sa kabilang desk ngunit naging kakaiba ang naging reaksiyon ng mga kaibigan sa mga ikinilos nito.
“Why? What’s wrong? Bakit ganiyan kayo makatingin?”
“Uhm, MaCa, my dear… ano kasi… ‘yang inuupuan mo ngayon---“
“Hey, I’m always putting my stuffs near at the window. Buong taon ko sa kolehiyo alam ninyong mas gusto ko sa bintana! Anong pinagsasabi ninyo?”
Napakamot na lamang sa ulo si Yana matapos magreklamo ng dalaga dahil sa kung sinong umaagaw sa kaniyang puwesto malapit sa naturang bahagi ng silid.
“Someone already occupied it, frennie…” susog ni Myrtle dahil natahimik ang isa niyang kaibigan.
“And who the hell is he or she? This is my place---“
“Me.”
Natigilan ang babae sa kaniyang matinding pagra-rant ng marinig ang baritonong boses mula sa likuran, maging ang mga kaibigan ay talagang nahipnotismo yata ng lalaking hindi pa nakikita ang kabuuan dahil tanging boses lamang ang narinig.
“I think, it’s better to ask permission before putting someone’s stuffs somewhere. Hindi ba naituro sa eskwelahang ito kung anong ibig sabihin ng respect at values?” diretsahang saad ng lalaki mula sa likuran dahilan upang mag-init ang kaniyang bunbunan dahil sa maanghang na salitang narinig mula rito.
“At sino ka para pagsabihan ako na parang ikaw ang may-ari nang---“ ani MaCa bago humarap sa lalaking pangahas.
Halos tumigil ang mundo ng dalaga ng makita ang mala-anghel na mukha ng lalaki, mahahabang pilik-mata at kulay tsokolateng kulay ng mata. Bahagyang malaki ang katawan at matikas ang tindig nito. Namumutok ang katawan sa suot niyang unipormeat hindi matatawaran ang mapulang labi at mala-perpektong tabas ng buhok.
“May-ari ng Lillian University…” dugtong niya sa naputol na salitang pakakawalan sana rito, subalit alam niyang nawalan ng kapangyarihan o otoridad ang panghuling salitang binitiwan.
“No, I’m not the owner, I’m just a poor newbie but I know the rules, miss.” hindi na hinintay ng lalaking makapagsalita si MaCa dahil dinaanan siya nang binata at mariing tinanggal ang kaniyang gamit sa desk saka muling ibinalik ang mga gamit nito.
Umirap si MaCa saka padaskol niyang kinuha ang bag at inilagak sa unahang bahagi ng silid na malapit pa rin sa bintana, habang hindi mapakali sa kakahimas ang kaniyang mga kaibigan tila inaalo ang dalaga ngunit imbis gumaan ang damdamin ay mas lalo siyang nairita kaya’t tinigil na lamang nila Yana ang ginagawa.
Muli siyang lumingon sa lalaking kasalukuyang nakasalpak ang airpods at tila walang pakialam sa mundo. Hindi man lamang kakikitaan ng kahit anong emosyon ang maganda nitong mata. Mariing binura ni MaCa ang kakaibang nararamdaman para bagong kaklase dahil bukod sa boring ay mukhang masama rin ang ugali.
“I hate this day…” usal ni MaCa sa sarili.
Ilang minuto ang lumipas ay naging abala na’ng lahat dahil sa mga aktibidades na ipinagagawa ng kanilang mga guro sa unang araw ng klase.