KABANATA 30.1

1680 Words
KABANATA 30 BURGANDIA- Doryang Hilaga Dahan-dahan ang ginawang hakbang ni Maria malapit sa hinihigaan ng binatang halos himbing sa pagtulog. Hindi alam ng dalaga kung paano kikilos subalit kinakailangan niyang maging matapang sa mga pagkakataong tulad nito. Ilang mili-segundo nang makalapit ang prinsesa sa kinapupwestuhan ng naturang Elixir ay sinubukan niyang hawakan ang bato ngunit nababalutan ito nang berdeng usok animo nagsisilbing proteksiyon ng Elixir. Unti-unting inilapit ng dalaga ang kaniyang kamay sa mismong Elixir ngunit nakaramdam ng kakaibang malakas na puwersa dahilan upang ilayo niya ang kamay ng mabilisan. Mala-asidong tumingin ang prinsesa sa natutulog na lalaki dahil sa ginawa nitong hakbang ukol sa bato. “Hindi ako makapapayag na hindi makuha ang puso ng Emerit sa mga kamay mo…” mariing bulong ni Maria. Muli niyang sinubukang hawakan subalit makailang-ulit siyang napaso hanggang sa naisipang ilabas ang susing nakuha sa lubid. ‘Hindi kaya marapat na gamitin ito kahit may proteksiyon ni Juantorio?” tanong sa sarili. May pagmamadaling inilapat ang susi sa mismong Elixir subalit bago pa man mangyari ang lahat ay naramdaman ni Maria ang matigas na kamay ng sino man. “Anong kapangahasan ang iyong binabalak?” matigas ang boses ni Juantorio. Nagulantang prinsesa dahilan upang mapagtad, hindi naging hadlang ang mga iyon upang ipagpatuloy ng dalaga ang nais. Tumayo si Juantorio at nakipag-agawan sa susi, halos sakalin ng hari ang prinsesa ngunit patuloy si Maria sa pakikipag-agawan rito. “Ahh, Kahit anong gawin mo, hinding-hindi mo na mababawi sa mga kamay ko ang puso ng Emerit!” singhal nito. “Kailangan muna akong mawala sa landas mo, bago mo masolo ang Elixir! Nangako ako kina ina at ama!” Tinulak ni Maria ang lalaki saka nagmamadaling idinikit ang makapangyarihang susi sa Ellixir na nababalutan ng maitim na kapangyarihan. Nang maipasok ang naturang bagay ay unti-unting lumiwanag ang bato kung saan napuno ang kuwarto ng hindi maipaliwanag na kinang. Dumiretso ang liwanag sa direksiyon ng Hantala. Padarag na tinulak ni Juantorio ang dalaga palayo sa bato kaya napasandal ang prinsesa sa gilid ng malawak na kama. Hindi akalain ni Maria na mas magiging mapusok ang binata kaya’t nang makita niyang muling tatanggalin ni Juantorio ang susi ay kaagad siyang dumaluhong sa lalaki. “Hindi maaari!!!!!” BURGANDIA- Doryang Hilaga Kasa-kasama ni Leopoldo ang bagong dama ni Maria at patungo sila sa entrada upang makatakas sa mga malulupit na kawal ng Galgotha na siyang naging bahagi ng Burgandia. Hindi maalis sa binata ang mag-alala sa kaligtasan ng prinsesa lalo’t nagpaiwan ito upang isakatuparan ang kaniyang misyon sa Elixir. “Narito na po tayp , Prinsipe Leopoldo. Kailangan po nating magmadaling makaalpas sa lagusan dahil baka mahuli ng mga kawal na inilagay ni Haring Leon,” nag-aalalang saad ng Dama habang hindi matigil ang kakamasid sa paligid. Mahigpit na nagtulungan ang dalawa upang phitin ang magkahugpong na bato sa sekretong lagusan na ang tanging may alam lamang ay si Maria. “Mauna na po kayo sa paglalakad, Prinsipe Leopoldo. Sadyang hindi ko kabisado ang ating tatahakin sa ngayon.” Makikita ang pagdadalawang isip sa mga mata ng binata kaya’t halos nagtagal din nang ilang mili-segundong nakatigil lamang sa entrada ang binata hanggang sa binasag nito ang kaniyang nabuong pasiya. “Dama, tumungo ka sa palasyo ng Harandia at sabihin mo ang mga nangyayaring kapangahasan sa pamumuno ni Juantorio. Pakisabi sa’king mga magulang na ako’y ligtas at kinakailangan ako ni Prinsesa Maria sa ngayon.” “A-anong ibig ninyong sabihin?” “Tumungo ka nang mag-isa roon. Tutulungan ko si Maria sa kaniyang misyon.” “P-pero Prinsipe Leopoldo…” “Sige na, humayo ka! Diretsong daan lamang ang lagusang ito. sa ilong ni Haraya ay mayroong kakaibang daan upang mas maging madali ang iyong paglalakbay patungo sa aming palasyo. Aasahan ko ang iyong maiging kooperasyon sa panahong ito. “ Hindi nakakibo ang dama saka nagmamadaling lumusot sa pinakalagusan ng naturang daan at makikita ang tapang sa kaniyang mukha tila hindi papatinag dahil sa mga salitang narinig mula sa prinsipe. Mabilis sinara ng prinsipe ang lagusan matapos mawala sa paningin ang dama. Nagtago sa mga gilid ng pader ang binata nang makarinig ng yabag, saka siya sumuot sa kabilang dako ng palasyo subalit natigilan ang binata ng makita ang tumatagos na liwanag sa silid kung saan malapit sa kaniyang kinaroroonan. “Saan nanggagaling ang liwanag na yaon?” Sinundan ni Leopoldo ang nakitang kakaibang pangyayari hanggang sa mamasdan ang dalawang aninong animo nagpapambuno malapit sa liwanag na tumatama sa Hantala. “Nasa panganib ang mahal na prinsesa?” Mabilis na tumungo ang binata paakyat sa mga baging na nakapalibot sa sinas at hindi alintana ang kung ano mang sakit sa kaniyang katawan dahil sa mga p**********p na naranasan sa kamay ng mga kawal. Kitang-kita niya ang mga nangyayaring karahasan sa kamay ni Juantorio maging ang pagtulak nito sa prinsesakung kaya naging mabilis ang kilosa ng binataat tinawid ang natitirang espasyo sa terasa at nang punong kaniyang kinapupwestuhan. Nakatalikod si Juantorio kaya’t mabilis niyang dinamba ang binata rason upang matumba at mapahiga ito. “Walanghiya ka! Anong ginagawa mo sa prinsesa?” “Paano ka nakawala? Hindi kayo magtatagumpay na makuha ang elixir!” singhal nito. Nagkaroon ng marahas na kumosyon sa dalawang lalaki habang sandaling napatulala ang dalaga. Kitang-kita niya ang paggulong ng dalawa habang panay ang unday sa isa’t isa. Hinugot ni Leopoldo ang nakasukbit na maliit na espada sa kaniyang sulsi saka akmang itatarak sa lalaki ngunit napigilan ni Juantorio at sadyang naagaw sa binata. “Mamamatay ka na! Magpaalam ka na sa iyong pinakamamahal na prinsesa…” “H-Hindi ako makapapayag!” nahihirapang saad ng binata habang nakasalag ang kaniyang dalawang kamay sa espadang nakaturok sa kaniyang leeg. Mas idiniin n Juantorio ang kaniyang espada kay’t halos gapulgada na lamang ang layo nito sa leeg ni Leopodo, nakadikit na ang matulis na bahagi ng espada sa naturang leeg ng binata. “P-prinsesa Maria…gawin mo na!” GALGOTHA- Doryang Timog Tumalsik ang lilang dugo sa mukha ng isang kawal matapos saksakin ng kawal nang Galgotha ang maliit na kawal ng Hilagang Galadia, hindi maikakailang m****o ang naging labanan sa pagitan ng mga kawal na mayroong de-kalibreng armas kaysa sa mga maliliit na kawal nina Diwtano. Panay ang pagbato ng maitim na usok ni Ulna mula sa ere kaya maging ang maliliit na Emeritian ay apektado sa labanang nagaganap. “Lumikas na kayo, Datuwana…” saad ni Pinkie. “Ngunit kinakailangan nating tulungan ang ibang elemento!” anang pinaka pinunong si Diwatano. Walang nagawa ang munting diwata sa pagtulong at nais na pananatili ng kaniyang mga kalahi kahit napakadelikado ng kanilang pakikipagtunggali sa mga ito. Maririnig ang hiyawan at sigawan ng mga ilang mumunting Emeritian, mayroong mga nakahandusayat ang ilan ay pilit na gumagapang sa mga halamanan upang iligtas ang mga sarili nila. Sadyang hindi maikakaila ang nahihirapang mukha at kilos ng mga ilang sumama sa pagtulong upang mailigtas ang kanilang mga kalahi. Sa pinakamalaking usok na gawa ni Ulna ay talagang nabahala maging si Datuwana sapagkat maaaring maging sanhi ito nang pagkaubos ng halos kalahati ng mga naninirahan sa Galadia ngunit nang akmang ibabato ng manggagaway ang naturang kapangyarihan ay kaagad tumigil ang lahat ng mga kaguluhan dahil nagkaroon ng dibisyon ang lahat dahil sa protektadong payong na inilabas ni Haraya. Nailigtas ang mga maliliit na nilalang dahil sa agarang ginawa ng bantay-talon. Nakahinga ng maluwang ang mga elemento. Hindi mapakali si Pinkie kahit sabihing nakaligtas sila, naramdaman na lamang niya ang mahigpit na hawak ni Diwatano sa kaniyang mga kamay. “Kinakailangan na nating lumikas kasama ng ilang mga nasugatan o nasawi sa digmaang ito. Bahagyang tumango ang munting diwata at tinipon ang ilang mga natirang kawal sa hanay ng prinsipe. Samantala, panay ang pagbato ni Ulna sa kaniyang maitim na usok ngunit sadyang matibay ang binuong proteksiyon ni Haraya. “Ahhh! Bakit hindi tumatalab ang aking kapangyarihan?” anas ni Ulna sa sarili. “Kahit anong gawin mo hindi kailanman nananalo ang kasamaan sa mga mabubuting nilalang.” saad ni Haraya habang panay ang iwas sa mga maiitim nausok na pinapakawalan sa kaniyang palad. Ang huling kilos na ginawa ni Ulna ay halos magwarak sa payong na binuo ni Haraya kung kaya nabahala ang bantay-talon. Lumarawan ang sarkastikong ngisi sa labi nito nang makita ang maliit na lamat sa proteksiyon, hanggang sa sinunod-sunod ni Ulna ang kaniyang pagbato ng maitim na usok dahilan upang unti-unting nabiyak ang proteksiyon. Ilang mili-segundo ang nakalipas ng tuluyang sumabog ang payong ngunit ang mga piraso ay nanatiling nakalutang sa ere tila ang lahat ay tumigil maging ang mga Emeritian, sina Pinkie at halos lahat ng mga naroroong elemento… “A-anong nangyayari sa’tin?” nahihirapang litanya ni Pinkie nang makitang tila nauupos silang abo maging ang parte ng kanilang mga katawan. Ang buong paligid ay parang nababalutan ng kulay abong tag-tuyot, ang mga sinas, damorkiyaat ilang Galaxia ay unti-unting tumitiklop at nalalanta. Hindi maigalaw ang kanilang mga katawan animo parang unti-unting gumuguho na parang abo ang bawat sulok ng palasyo at mga kawal. BURGANDIA- Doryang Hilaga Nang marinig ni Maria ang pagmamakaawa sa boses ng binata ay tumakbo ang dalaga at mayroong pagmamadaling idiniin lalo ang susi sa Elixir. Lalong lumiwanag ang kinang nito at tumama sa pinakasentro ng Hantala hanggang sa unti-unting kumalat ang kulay lilang makinang sa paligid at doon ay sadyang unti-unting nababalutan ng makinang na ginto. Nagulantang ang dalaga nang dinunggol ni Juantorio ang Elixir rason upang malaglag ang bato. Halos mapahiyaw ang dalaga ng makitang mababasag ang puso kaya’t wala sa huwisyong hinawakan ni Maria ang bato ngunit imbis na mailigtas ay halos magkawatak-watak ang piraso nito kasunod ng kakaibang kadilimang kaniyang naramdaman. Parang nahati ang kung ano sa kaniyang pagkatao, ni hindi matarok ni Maria kung anong pangyayari ang lumukob sa buong Emerit. Tanging si Emeritus na lamang ang nakakaalam kung anong posibleng kahihinatnan ng buong Emerit. Hindi rin maipaliwanag ni Maria kung bakit para siyang nakalutang sa aksis ng kanilang mundo matapos mabasag ng Elixir at kaniyang mahawakan. “Ama, ina…” ang tanging huling maririnig sa bibig ng prinsesa bago naglaho at tila nalubog sa dilim ang lahat ng kaniyang ala-ala.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD