BURGANDIA- Doryang Hilaga
Matagumpay na nakatakas ang dalawa sa mga kamay nina Kumando. Pinaghahanap kasi ng mga kawal ang gumawa ng naturang pagtatangka sa bantay-kanlurang bahagi ng Burgandia.
“A-anong gagawin natin? Mahigpit ang bantay nina ama?” nagkukubli silang dalawa sa malaking puno ng sinas malapit sa paanan ng kaniyang tapat na silid.
“Huwag kang mag-alala, Prinsesa Maria tayo rito.”
“Paano?”
Hinawakan ni Leopoldo ang kamay ng dalaga saka naglakad sa mismong mga kawal na nakapulutong sa entrada dahil nag-iimbestiga sa nangyaring insidente sa palasyo ukol sa natulog na taga-bantay.
Saan mo dadalhin ang prinsesa?” tanong ng isang kawal kaya napahinto ang dalawa.
“Ihahatid ko na siya sa kaniyang silid. Ito ay mahigpit na utos ni Haring Buendia.”
Matagal na tinignan ng mga kawal ngunit bago pa magbigay ng reaksiyon ay tumikhim ang prinsesa.
“Nais ko nang magpahinga at ayokong maghintay pa kung mayroon kayong sasabihin.”
Nahiya ang mga naroroon at kaagad nagbigay ng daan sa dalawa. Walang kiming pumasok sa entrada sina Maria, patungo sa pinakaloob ng palasyo. Panandaliang nagpanggap ang dalaga na tuluyang mapag-isa sa mismong gilid ng hagdanan.
“Prinsesa Maria, saan tayo tutungo?” bulong na saad nito.
“Shh. Sumunod ka na lamang sa’kin.”
Nangunot-noo ang prinsipe hanggang sa hinawakan ng mahigpit ni Maria ang kaniyang kamay saka kumubli sa madilim na bahagi ng palasyo,subalit tahimik lamang na sumusunod ang binata hanggang sa makarating sila sa isang lagusan na mayroong kahoy na pintuan na may nakapulupot na baging.
“Paano mo nalamang ang lagusang ito?”
“Dito kami dumaraan ni Pinkie sa tuwing tutungo ng ordinaryong pamilihan subalit kinakailangang pahiran ang buong katawan ng dagta ng Galaxia.”
“Pinabaunan ako ni Pinkie ng kaniyang mga salamangkang nanggaling sa dahon ng mga Galadia.”
Lumuwang ang ngiti sa bibig ng dalaga saka matamang ibinigay ng binata ang kinakailangang dahon upang tuluyang makawala sa palasyo. Kapagkadaka’y pinahid ng dalaga ang mga dagta kani-kanilang mga katawan at doon nagsimulang buksan ang lagusan na nababalutan ng baging. Walang mili-segundo ng biglang lumuwang ang magkabilang hugpungan ng pintuan.
“Nakamamangha ang mga salamangka o kapangyarihan sa Galdia.” anas ni Leopoldo.
“Wala nang panahon, Prinsipe Leopoldo. Kailangan kong tumungo sa sinasabi ni Questas sa mahiwagang kakahuyan.”
Tumango lamang ang binata at mahigpit na hinawakan ang kamay ni Maria, bago sila sumuot sa mismong halamanan sa direskyong silangan. Nasa puso ni Maria ang pag-asang makuha ang tinutukoy na emblem upang mailigtas ang Burgandia sa masasamang plano ni Juantorio.
GALGOTHA-Doryang Timog
Malakas ang atungal ni Kudyamat ngunit walang nakaririnig sapagkat sinalpakan nina Ricardo ng baging na mayroong kapangyarihan upang mawala ng panandalian ang kaniyang bibig. Tanging ang apat lamang na nilalang ang nakaririnig sa nakaririnding pakiusap ni Kudyamat na pakawalan siya mula sa pagkakagapos sa Damortis.
“Kahit na anong gawin mong sigaw ay hindi ka maririnig ng walanghiyang hari ng Galgotha. Hindi ma kami makapapayag na basta na lamang mapasakamay ng panginoon mo ang buong Emerit.” mahabang litanya ni Arnulfo.
Samantala, tahimik na nakaupo si Diwatano sa tuktok ng batuhan habang si Ricardo ay panay ang abot ng mga bunga nang sinas sa bandang dulo ng Silangang teritoryo. Naputol ang pagmumuni-muni ng prinsipeng diwata ng umupo sa tabi niya si Pinkie, kipkip ang mga nakuhang bunga sa kung saan saka inilahad sa harapan ng diwatang prinsipe.
“ Tiyak kong gutom kana. Kumuha ako ng bunga galing sa mga nalalaglag na prutas ni Prinsipe Ricardo.”
“Ayoko, hindi ako nagugutom.” aniya saka tinalikuran si Pinkie, rason upang magtaka ang diwata sa Silangan.
“Hindi ko maintindihan kung bakit galit na galit ka sa’kin, Prinsipe Diwatano,” saad nito.
“Hindi ako galit. Wala akong dapat ikagalit lalo’t hindi naman magtatagal ay ‘di rin naman na kita makikita.”
Pagkagalit ang nabagdan na reaksiyon sa mukha ng diwata dahilan upang lakas loob na tinukoy ang nararamdamang pagdududa sa mga ikinikilos ni Prinsipe Diwatano.
“Kung hindi ko lamang kilala ang Prinsipe ng Hilaga sa ilang pagkakataong nakasama sa paglalakbay, iispin kong nagseselos ka…”
Kitang-kita ang pamumula sa mukha ni Diwatano ngunit imbis bigyang linaw ang hinuha ni Pinkie ay walang kibong lumipad palayo ang prinsipe ng Hilaga. Hindi mapigilang makaramdam ng inis ang munting diwata sa dalang pagkalito sa mga kakaibang pag-uugali nito.
“PAKAWALAN NINYO AKO RITO!” malakas na singhal ni Kudyamat na sadyang nakakuha ng atensiyon ni Pinkie ngunit imbis pansinin ay umirap lamang ang diwata at padabog na umalis sa tuktok ng bato na sadyang pinag-iwanan sa kaniya ni Diwatano.
“Manahimik ka, emeligno! Walang tutulong sa’yo! Isa kang lapastangan na kumakalaban sa buong Emeritian.”
Sumimangot ang naturang elemento ngunit ngumisi ng nakaloloko, matapos mayroong tumakbo na kalokohan sa kaniyang isip.
“Hindi rin naman magtatagal ang inyong paghahari sapagkat magtatagumpay ang aking panginoon laban sa inyo.” anito kalaunan’ ay tumawan ng mayroong pambubuyo.
Tumiim-bagang si Ricardo sa kaniyang narinig mula rito, dahilan upang lumapit ang batang prinsipe kay Kudyamat rason para lalong mang-asar ang elemento. Natigilan lamang siya nang sinalpakan ng sinas ang kaniyang magkabilang bibig ngunit dahil sa pagkakagapos ay hirap na hirap siyang umiwas sa ginagawa ng mga ito.
“Ahh, oohh, ahhh…” hindi maintindihang saad nito.
Nagtawanan naman ang dalawa dahil sa ginawa ng pinakabatang prinsipe maliban nga lamang kay Diwatano’ng nasa isang sulok at nagmumukmok animo mayroong dinadalang mabigat sa kaniyang puso.
BURGANDIA- Doryang Hilaga
Kasalukuyang nasa terasa ang hari ng Burgandia bago pa maganap ang insidente sa loob ng palasyo ukol sa kawal ng kanlurang bahagi ng palasyo. Maingat na lumapit si Prinsipe Leon sa hari ngunit ni walang reaksiyong matatamo sa mismong ginoo. Nakakalokong ngumisi ang prinsipe dahil talab na talab sa hari ng kaniyang mga mahikang nanggaling kay Ulna. Umpisa pa lamang ng kanilang paligsahan ay paunti-unti na niyang nilalagyang ng lilang likido ang bawat pagkaing inihahanda sa hari.
“Haring Buendia, anong marapat mong gawin sa ika-siyam na Hantala?” mariin niyang iniabot ang kopitang mayroong alak na galing sa sinas.
Napapansin kasi ng prinsipeng panandaliang natitigilan ang hari, marahil humihina ang bisa ng salamangka ni Ulna, kung kaya kinakailngan niyang bigyan ulit ang matandang Emeritian upang sa gayon ay tuluyan nang malason ang isip nito.
Nakatulala ang hari at walang emosyong iniinom ang laman ng kopita hanggang sa makitang kuminang ng kulay berde ang mata ni Haring Buendia. Ibig sabihin lamang nang ganitong pangitain ay unti-unting tumatalab ang makihang nilikha para rito.
“Uulitin ko, ano ang marapat mong gawin sa ika-siyam ng Hantala?”
“Hihirangin kong hari ng Burgandia si Prinsipe Leon. Ibibigay ko ang puso ng Emerit kay Prinsipe Leon…”
“Magaling, hari ng Burgandia…” ngumisi ang binata saka sinalat ang baba ng ginoo bilang pang-iinsulto sa hari.
“Hihirangin ko ang hari ng Burgandia na si Prinsipe Leon..” muling pahayag ni Haring Buendia na lalong nagpalakas sa halakhan ni Prinsipe Leon.
“Ngayon, gisingin ninyo ang prinsesa upang makisalo sa hapag at ipaalam sa kaniya ang ginawa ng mga kawal sa pobreng sastre ng inyong kaharian.”
“Ipatatatawag ko si Maria Crex sa kaniyang silid at sasabihin sa kaniyang ikinulong ang sastre…” walang emosyong saad ni Haring Buendia.
Nagsimulang maglakad ng wala sa isip ang ginoo pababa sa naturang palasyo upang walang malay na sundin ang kagustuhan ni Juantorio.
“Mukhang hindi ako mabibigo sa inyong mga binabalak, mahal na hari.” bulong ni Prinsipe Leon.
Nasalubong ng dalawa ang esposo ng hari na mayroong inasikaso sa loob ng kumedor. Doon ay nagunot-noo ang ginang ng makita silang naglalakad sa direksiyon ng kusina.
“Mahal, saan ang inyong tungo ni Prinsipe Leon?” tanong nito.
“Pupuntahan si Maria, upang sabihing ikakasal siya sa magiting na prinsipe ng Astramos.”
“Ngunit mahal, ikaw na’ng nagsabing hindi mababali ang iyong desisyon kaya’t hindi mo na kailanagang ulit-ulitin sa iyong nag-iisang anak.”
Nagkunwaring malungkot ang mukha ni Prinsipe Leon bago humarap sa reyna at makuha man lamang ang simpatya ng ginang.
“Ikinalulungkot ko man ngunit kinakailangan yatang ipaalala sa mahal na prinsesa ang akniyang obligasyon sa Burgandia at sa kaniyang magiging kabiyak. Narinig ko mismo mula sa labi ni Maria na gagawa siya ng paraan upang hindi lamang matuloy ang pag-iisang dibdib. Labis ang aking kalungkutan kung magkagayon man.”
Inalo lamang ni Reyna Crexia ang binata at ayon sa kagustuhan ng prinsipe ay tinawag nga ang dalagang Emeritian upang ipaalam ang nangyaring pagpaparusa sa sastre. Isa lamang patunay na walang makahahadlang sa ano mang binabalak nito. Mailalarawan ang pagkadisgusto sa mukha ng dalaga matapos ihayag ng hari ang ginawang kasamaan sa ilalim ng manipulasyo’ng ginagawad ni Prinsipe Leon.
Matapos hayagang tumutol ang prinsesa ay muli siyang tumungo sa kaniyang silid habang ang prinsipe at hari ay naiwan sa loob ng kumedor habang hindi mapigilan ni Reyna Crexia na sumunod sa anak.
“Anong marapat mong gawin sa mga tututol sa plano ni Prinsipe Leon?” tanong ni Juantorio sa nakatulalang hari.
“Dudurugin at hahadlangan ang mga Emeritian na sadyang tututol sa’yong plano Panginoon.”
Walang katapusan ang malakas na pagtawa ng prinsipe habang takot na takot ang mga dama’ng naiwan sa hapag, subalit nananatiling tikom ang kanilang bibig dahil maaari silang mapabilang sa bilangguang Burgandia.
GALADIA- Doryang Silangan
Hindi maidilat ni Maria ang kaniyang mga mata sa malakas na hanging sinasagupa patungo sa mhiwagang lubid na magbibigay proteksiyon sa Elixir.
“Prinsesa Maria, tila masyadong delikado ang tinatahak nating daan…nakasisiguro ka bang itutuloy natin ang ating paglalakbay sa gawing ito?” nahihirapang litanya ng prinsipe.
“Ito ang natatanging daan ayon kay Questas…”
Mahigpit na humawak sa mga batuhan si Maria upang makarating sa nakalutang na lubid kung saan natatamaan nang kinang ng Hantala. Kinailangan niyang makarating bago kuminang ng ika-siyam sapagkat mawawala ang lubid kung sakaling tuluyang umangat ang naturang natural na liwanag sa buong Emerit.
Kinapa ni Maria ang mga damuhan malapit sa malakas na hangin hanggang sa makarating sa dulo ng lubid. Hindi na nasundan ni Prinsipe Leopoldo ang prinsesa hanggang sa makatuntong si Maria sa kumikinang na tali. Nagsimulang humakbang ang prinsesa habang todo ang paalala ng binatang mag-ingat.
Tanaw na tanaw ng prinsesa ang medyo may kaliitang susi sab bandang gitna ng lubid subalit sa tindi ng hangin ay bahagyang umuuga ang bawat magkabilang dulo nito.
“Maria, kailangan mong humakbang ng dahan-dahan upang makarating sa gitna. Para Burgandia, para sa buong Emerit!” pampapalakas loob sa sarili.
Muling humakbang ng may pag-iingat ang dalaga hanggang sa sunud-sunod ang naging hakbang niya ngunit muntik madulas ng magkamali ng hakbang kaya’t muntik mahulog kung hindi mahigpit na nakakakapit.
“Prinsesa Maria, kumapit ka ng maigi. Malapit na sa gitnang bahagi…” saad ni Leopoldo upang iimporma sa dalaga ang kaniyang kalagayan.
Hindi kumikibo ang dalaga at matamang tinitignan ang susing nakasabit sa gitna ng lubid. Determinadong bumalik mula sa pagkakakapit sa tali at matapang na inisang hakbang ang kalagitnaang lubid. Doon ay pilit inaabot ni Maria ang susi kahit halos tumagaktak ang butil ng pawis sa kaniyang noo.
“Maria, kaunting tiis pa…”
Muling lumambitin si Maria kahit hirap na hirap sa kaniyang kasuotan at pilit inaabot ang susi hanggang sa nanlaki ang mata ng mahulog ang naturang gamit ngunit sa pagiging mabilis ang kilos ay nasalo ni Maria.
“Salamat, Emeritus…”tanging naging usal ni Prinsesa Maria.
Kagat-kagat niya ang susi habang naglalambitin sa tali na galing sa liwanag ng Hantala.
“Prinsesa Maria, ‘wag kang titigil. Malapit ka na sa dulong bahagi!” sigaw ni Prinsipe Leopoldo.
Bahagyang tumango ang dalaga at lalong nilakasan ang loob upang makarating sa kabilang dulo. Ilang mili-segundo ang nagdaan ng matagumpay na nakatawid ang babae sa dulo ng lubid. Doon pa lamang eksaktong tumapat ang ika-siyam na pagkinang ng Hantala. Namasdan ng dalawa ang pagkawal ng kumikinang na lubid sa gitna ng ilog ni Haraya.
“Tutungo ako sa kabilang dulo, Prinsesa Maria. Nawa’y hintayin mo ‘ko!”
Tumango lamang ang dalaga at masiglang tumungo ang prinsipe sa kabilang dulo kung saan hindi masyadong pumapailanlang ang malakas na hangin. Nang makarating ang prinsipe sa kabilang dulo’y mahigpit nitong niyakap si Maria kung kaya’ hindi maiwasang mahiya ang dalaga. Parehas namula ang kanilang pisngi matapos mapagtanto ang ikinilos at kaagad tumikhim upang mawala ang pagkailang sa kanilang pagitan.
“K-kinakailangan na nating makabalik sa palasyo upang mailigtas ang buong Burgandia.”
“Kailangang bigyan ng hudyat ang buong Harandia upang makatulong kung sakaling magkaroon ng tunggalian sa pagitan ng Emeritian at ng mga taga-Galgotha.” imporma ni Prinsipe Leopoldo.
Tumango lamang bilang pagsang-ayon at nagsimulang tumulak palayo sa naturang kakahuyan. Desidido si Maria na kuhanin ang Elixir bago ang itinakda ng hari tungkol sa kanilang pag-iisang dibdib.
‘Hinding-hindi magtatagumpay ang mga balakin mo Juantorio Gladi. Ang Emerit ay para lamang sa mga Emertians!’ matapang na mga salitang namumutawi sa balintataw ng prinsesa.