Tuwang-tuwa si Jasmine dshil madami silang naiuwing itlog ng itik. Halos mapuno ng itlog ang mga basket nila. Agad niyang tinawagan si Kuya Lindon niya para ikwento ito. Mabilis naman sinagot ng kapatid. "Ang saya-saya po, Kuya! Napakaraming itlog kaming naiuwi," masiglang niyang kwento, at agad na lumabas patungong terrace ng kanyang kwarto. "Kailan ka kasi sunod dito ha?" "Malapit na, Little Sunshine," masigla sabi ng kapatid. "Bakit hindi ka ba inaasikaso ni Martin?" Napanguso siya. "Hindi eh. Busy siya sa girlfriend niya. Ni hindi na nga kami nag-uusap. Puro si Ate Janice at Kuya Kulas na lang ang umaasikaso sa akin!" "Sinong girlfriend? Wala siyang girlfriend!" "Mayroon po. I'm sure girlfriend niya iyon. I saw them kissing with my own eyes," giit niyang wika. "Ah, Olga yata a

