Nang nalaman ni Jasmine na magpapakain si Janice ng mga alagang hayop ay pinakiusapan niya ito na isama siya. "Ay, 'wag na Señorita, baka madumihan pa kayo. Saka baka pagalitan pa ako ni Señorito Martin," sabi ni Janice sa nag-aalanganin na boses. "Hindi iyon magagalit. Sige na po, Ate Janice. Please isama ninyo po ako. Gusto ko kasing maranasan kung paano magpakain ng mga itik. Saka ano naman kung madumihan ako, carry lang iyon," sabi ni Jasmine, at nginitian siya nito nang pagkatamis-tamis at with matching beautiful eyes pa. Napakamot na lang sa ulo si Janice. Hindi niya alam kung matatawa ba siya o hindi sa inakto ng dalagita. "Sige... pero pag nagalit sa akin si Señorito Martin na hindi ka na makauulit ha." Mabilis siyang niyakap ni Jasmine. "Thank you po, Ate. Wait po ha at

