Maagang nagising si Jasmine para tulungan si Janice sa kusina at para ipagluto na din ang kanyang kapatid. She really misses her Kuya Lindon kaya halos hindi na yata siya nakatulog ng maayos nang nagsabi ito na parating na ito at kasama angp mama ni Martin. "Ang aga natin ah," nakangiting tudyo sa kanya ni Janice. Nagbabalat ito ng saba at inilalagay ito sa pinggan. Sa unang tingin pa lang ay alam niya ang iluluto. Maliban green peas at patatas na nakahiwa na, may giniling at itlog din na nakalagay sa mesa. "Mukhang magluluto kayo ng Arroz ala Cubana?" pasimpleng tanong niya, at ngumiti. "Hindi ako magluluto si Kuya Kulas," sabi ni Janice, at saglit na itinigil ang pagbalat ng saba. "Hindi mo naitatanong, frustrated Chef iyang si Kuya Kulas mo. Hindi nakapagtapos ng pag-aaral kasi

