Nakaramdam ng awa si Jasmine kay Olga, lalo't nasaksihan niya ang lahat. Hindi niita tuloy maiwasan na itanong sa saliri kung ang Martin na nakilala niya ay ang Martin na nasa harap niya. Nakakatakot siya tuloy na ipagkatiwala ang kanyang puso. Napasulyap si Kuya Lindon niya sa kanya. Marahil ay nahalata nito ang kanyang pag-alinlangan habang nakatingin siya sa kay Martin. "Usap tayo mamaya," sabi ng kapatid na ko kumuha ng pansin niya. Napatingin siya sa kay Kuya Lindon niya. "I said, we need to talk after this." Napatango na lang siya. Ano man ang kanilang pag-uusapan ay tuyak niyang tungkol ito sa kay Martin. "Kumain ka pa, Iha," nakangiting wika ni Amalia sa kanya. "Don't be shy. Kailangan sanayin mo na ang saliri mo na kasama kami sa hapag-kainan. You are after all,. going to be

