Tahimik na lumuluha si Jasmine habang tinatahak nila ang daan patungo sa mansyon. Nang papasok na siya ng sala ay agad na napansin ng ina ni Martin ang pag-daloy ng kanyang luha. "Wait! Are you crying?" "Napuwing lang po ako," pagsisinungaling niyang sabi pero hindi ito pinaniwalaan ng ginang. "Umiiyak ka alam ko," diretsahang sa nito, at hinawakan siya sa braso para pigilin. "Why are you in tears? Nag- away ba kayo ni Martin? Tell me what really happened? At sino ang nagpaiyak sa dalaga ko?" tanong sa kanya ni Tita Amalia niya. Hindi siya nakaimik ng una sa takot na maaaring mangyari sa ginag kapag nalaman ang buong pangyayari. Ngunit sadyang nagpupumilit si Amalia kaya ng kinilaroan ay napilitan na din siyang sabihin. "Nadatnan kami ni kuya na naghahalikan, Tita. Nabigla siya at na

