Masamang tinignan ni Martin ang kaibigan. Bakas sa mukha nito ang galit at pagkadismaya. "Bakit ka ba nagagalit? Natupad na ang gusto mo. Naging malapit na kami ng kapatid mo. Hindi ba't dapat na maging masaya ka na?" "I told you to gain her trust, not her heart, Martin, magkaiba iyon," medyo pagalit na sabi ni Lindon, at umupo sa may damuhan. "She's very precious to me. At ayaw kong makita siya isang araw na umiiyak at nasasaktan dahil lamang sa 'yo." Napaupo na din si Martin habang pinagmamasdan ang malungkot na mukha ng kaibigan. "Naunawaan kita pero sana unawain mo din ako lalo na't ikaw mismo ang pumilit sa akin na pahalagahan at alagaan si Jasmine. Na kahit sa ayaw ko sa umpisa pero pinilit mo pa rin ako. And because of your condition, napa-Oo mo ako. At ngayon na nangyari na ma

