Masayang-masaya si Jasmine dahil sa wakas ay nagka-ayos na din sila ni Kuya Lindon niya. Sabagay ganoon naman silang dalawa, magkakaroon ng tampuhan pero hindi naman nagtatagal. Lagi naman nilang inaayos na dalawa. Maybe because she can't stay mad at him at mukhang gayon din ang Kuya Lindon niya sa kanya. "I love you, Kuya..." wika niya, at bahagyang niyakap ang kanyang kapatid. "I'm sorry kung naging pasaway ako. Kung binigyan kita ng alalahanin." Napangiti na lang si Lindon. "I love you too, Sunshine. Nothing can change that," he said, and kisses her hair. "Medyo nasagi lang ang pagiging protective brother card ko nang makita ko kayong naghahalikan ni Martin. Aaminin ko nagulat din ako kaya ayon sinuntok ko siya para maintindihan niya na hindi porke't matalik ko siyang kaibigan ay ba

