Hindi ko alam na ma-e-enjoy ko talaga ang gala namin ni Demetrius sa park. Kung alam ko lang sana, edi next week ulit. Ang saya! Kahit para akong maatake sa puso sa taas ng presyo ng mga pagkain. Mabuti na lang sagot ni Demetrius lahat. Nakakabuhay ng dugo ang mga rides kahit bwisit na bwisit ako kay kupal noong una. Pero akalain mo ‘yon? May alam pala sa mga amusement park si Demetrius? Hindi pala charot-charot lang ‘yung sinabi niyang aware siya sa nangyayari sa labas ng Crescent? Ang bobo ko rin, eh. Hindi ko man lang tinanong kay Drusilla o Lilith ang tungkol sa bagay na ‘yon. Nah! Nangyari na. Ang mahalaga hindi ko na makikita si Drusilla at pati ang side witch niya na si Lilith. Anyway, back to kupal. Sa buong duration ng break namin sa school, lagi lang siyang pumupunta sa apartm

