ANG GALING. Ang galing talaga ng lalaking ‘to! Kaya pala ako inayang makipag-movie marathon ay para maaya akong gumala kasama siya. Ako naman si tanga, oo lang nang oo. Imbes tuloy na sinusulit ko ang break namin sa campus, nandito ako ngayon sa amusement park. Magkasalubong ang mga kilay kong pinanood ang mga nagtitiliang mga tao na nakasakay sa mini-roller coaster. Badtrip na itsura ko pero itong katabi ko ngiting-ngiti pa. Inagaw ko sa kanya ang hawak niyang bote na may lamang buko at crushed ice. Ang init! Takte! Pakiramdam ko ay niluluto na ako dahil sa init pero itong lalaking 'to, parang wala lang. Although, nakasuot siya ng black cap para takpan ang mukha niya. Naka-expose pa rin ang mga braso niya dahil naka-itim na t-shirt lang siya. Ang cute niya nga sa suot niya. White snea

