"Hello Darling, when are you coming back here? When will I see you again? It's been a while since we did'nt see each other". Sabi sa kabilang linya. Parang bang excited ang boses nito.
"Sorry, Babe. I was asked by the company to work here for a while. I will update you soon on when I will be coming back". Sabi ni Amir na para bang lumiwanag ang mukha. Napangiti ito ng bahagya dahil sa tawag sa kanya.
Ang babae sa kabilang linya ay si Kassandra. Isa siyang magandang babae. Morena, matangkad at mabait. Malayong malayo sa hitsura ni Sukan. Pero pareho sila na hindi makabasag pinggan at malumanay. Magkaiba man ang ganda nila pero pareho ito ng pag uugali. Magkababata sila ni Amir.
Mula pagkabata hanggang lumaki sila, magdalaga at magbinata ay magka kilala na sila. Nagdesisyon ang mga magulang nila ng bagay na ayaw nila. Alam nila sa sarili nila na hindi nila gusto ang isa't isa. Naisipan lang nila gamitin ang mga terms of endearment na iyon para pagbigyan ang mga magulang nila.
Para magmukhang magkasintahan sila sa harapan ng mga magulang nila. Masaya din sila sa estado nila bilang magkaibigan. Si kassandra lang ang tanging nakakapagpangiti kay Amir. Ngunit lingid sa kaalaman nila na naisaayos na pala ang lahat para sa kanila ng mga magulang nila. May date na rin kung kelan magaganap ang engrandeng kasalan.
Mula sa pagdadausan nito hanggang sa mga bisita, mga susuotin nila at mga dekorasyon para sa Kasal. Nagtakda ng date ang magulang ni Amir kung kelan siya dapat umuwi at ang hindi niya alam ay may pinaplano pala ang mga magulang niya. Tumunog ulit ang cellphone ni Amir. After ng call ni Kassandra ay mom naman ni Amir ang nag call sa kanya.
"Hello Son, How are you? Your Dad and I miss you so much! I want you to come over here on January 26. You probably can file leave for a month and stay with us for a while, right?". Sabi ng mom ni Amir na excited na sa pagdating ng kanilang anak. Masaya ito para sa anak niya dahil mabait na tao si Amir at magalang. Masunurin din ito sa kanila.
"Mom?! You know that the company asked me to work here. But I will try my best to do what you said, okay?". Amir said. Hindi naman sa tumatanggi si Amir kung hindi talaga lang na pagdating sa trabaho ay seryoso siya at ayaw niyang may maiiwan na trabaho.
Pinag isipan mabuti ni Amir ang tungkol sa pag uwi sa bansa niya. Pero naisip niya, since matagal na matagal naman na siyang hindi nakakauwi, why not pag bigyan niya ang mga magulang niya namimiss na din naman niya ang mga ito. Sa kabilang banda naalala niya na isama si Sukan para maipakilala na din niya ito sa mga magulang niya kahit na alam niya na nais ng mga magulang niya na makatuluyan niya si Kassandra.
Pinagkasundo sila ng mga magulang nila. Ngunit nangako rin ang mga ito na maghihintay sila na mainlove ang isa't isa at kung hindi naman magwork ay malaya silang makapili ng mamahalin nila. Nangako din siya sa magulang niya na susubukan niyang mahalin si Kassandra. Pero never talaga siyang nag effort na mainlove kay Kassandra at ganoon din naman si Kassandra sa pagkakaalam niya.
Yan ang pangako nila sa magulang nila, ngunit alam na alam nila na ang pangakong iyon ay kasinungalingan lang sapagkat botong boto sila kay kassandra at nais nilang ito ang maging kabiyak ng kanilang anak. Kaya lingid sa kaalaman ng mga ito ang itinakdang kasalan.
Sa may pantry, narinig pala ni Sukan ang tawag na natanggap ni Amir. Hindi niya maintindihan ang kanyang nararamdaman. Hindi niya alam kung lalapitan ba niya si Amir or maghihintay siya na makaalis si Amir bago siya lumabas. Bigla nalang tumulo ang luha niya ng hindi niya namamalayan. Sa isip niya naglalaro ang mga katagang "Sorry Babe I was asked by the company to work here for a while. I will update you soon on when I will be coming back".
Sino si Babe? Bakit babe ang tawag sa kanya? Pinaaasa lang ba niya ako? Nanaig pa din kay Sukan ang sama ng nararamdaman niya kaya hinintay na lamang niya na makaalis si Amir bago ito lumabas.
Nakaalis na si Amir ng hindi niya napansin man lang na nandoon si Sukan. Lingid din sa kaalaman ni Amir na kahit hindi siya nag effort na mainlove kay Kassandra ay nahulog na pala ang loob ni kassandra sa kanya. Nais na nitong siya ay makatuluyan at maging kabiyak. Pabor na siya sa arrangement nila ng mga magulang niya.
Ang terms of endearment nila na Darling at Babe at tunay para kay Kassandra. Hindi din alam ni Kassandra ang plano ng mga magulang nila pero may sarili siyang plano pag balik ni Amir. Magtatapat na siya dito at sasabihin ang tunay niyang nararamdaman.
"Ngunit huli na ba ang lahat? Mga bata pa lang kami ni Amir nagsasabihan na kami ng mga sikreto sa isa't isa at wala bagay na hindi ako alam na alam niya. Matagal na din ng umalis siya, ganoon padin kaya siya sa akin? Wala pa kaya siyang nakikitang mamahalin niya?" Iyan ang sumagi sa isipan ni kassandra matapos ang overseas call na ginawa niya. Excited na kasi siya makita si Amir pero nagwoworry siya baka taken na ito.
Sa Pantry...
"Oh Sukan, anong ginagawa mo diyan? Bakit namamaga mga mata mo?" sabi Kyla kay Sukan na nakatulala at mukhang kakaiyak lang.
"Si Amir kasi... narinig ko kanina ng hindi sinasadya... may kausap siyang babae sa phone. At tinawag niya itong babe". Malungkot na sabi ni Sukan kay Kyla habang nangingilid na naman ang luha nito.
"Baka naman friend niya or family niya. Alam mo naman sa bansa nila normal lang ang word na Babe pag may kausap sila na girl". sabi ni Kyla kay Sukan para hindi ito mag alala pa. Pinahid niya ang luha ni Sukan at tinapik tapik sa likod para mawala ang nararamdaman niyang lungkot.
"Baka nga... Sana nga..." sabi ni Sukan na parang may doubt padin sa puso niya. Malakas naman talaga ang instinct ng mga babae lalo na kung ikaw ang involve sa situation.
Naisip ni Sukan na baka nga kapatid na babae niya ito or friend. Naipakilala na din naman ni Amir si Sukan sa Sister niya dati and super close na sila nito. Minsan tinawag na din niya itong babe. Nakababatang kapatid ni Amir ay si Ailene. Pero wala rin idea si Ailene sa plano ng mga magulang nila para sa Kuya niya. Kaya kahit palagi kausap ni Sukan si Ailene ay wala silang napag uusapan na babae. Kilala ni Ailene si Kassandra bilang kababata ng kuya niya at matalik na kaibigan.
Natapos ang oras ng trabaho na hindi nag usap sila Sukan at Amir. Busy din naman kasi ang client sa business meetings niya at medyo hectic ang schedule niya ng araw na iyon na tanging lunch break lang ang pahinga niya. Nagkataon din na hindi sila magkasabay na maglunch ni Sukan dahil inimbita si Sukan ng Boss niya na mag lunch.
Nakauwi ng bahay si Sukan nang hindi niya namamalayan. Hindi din niya masyado nakausap sila Kyla at Benj kasi naman tulala siya. Hinayaan nalang din siya nina Kyla at Benj makapag isip isip. Tulala pa din siya sa bahay at yakap yakap si Kokkiri...
Hindi mawala sa isip niya ang mga salitang binitawan ng Boss niyang si Boss Go. Isang Chinese na akala mo matinong tao at decent. Di mo makikitaan ng unprofessionalism. Kapag kausap mo siya ay matinong kausap at magalang sa babae. Mali pala... May lihim pala itong kamanyakan sa sarili.
"I like you... I'm always thinking about you. Can I go with you when you go back to Thailand for vacation?" Sabi ni Boss Go.
Hindi nakaimik si Sukan at tahimik lang. Ganon din, hindi siya tinigilan ng Boss niya na tawagan at padalahan ng message sa chat. Gusto na nga niya magpalit ng numero pero hindi niya magawa kasi ibibigay at ibibigay pa din niya ito dahil kailangan sa opisina. Araw araw simula nung nag aasikaso siya ng papeles niya para maging legal siyang manggagawa sa bansang ito ay nagpapadala na ng mensahe ang Boss niya.
Simula kasi ng mexpired ang spouse visa niya ay hindi na ito na renew dahil divorce na sila ng asawa niya at kailangan na niyang mag process ng working visa. Mukhang ito naman ang naging pagkakataon ng manyak niyang Boss para kausapin siya at kulitin.
"Why are you not answering my call? I am worried about you..." sabi ni Boss Go sa chat.
Hindi nalang muna nag open ng w******p si Sukan para maiwasan ang Boss niya at hindi niya din sinasagot ang tawag nito. Malungkot na malungkot si Sukan dahil sa nagyayari. Mula sa sikreto ni Amir hanggang sa manyak na Boss, si Boss Go.