YB Chapter 11

1394 Words
"Mom, confirmed na po ang flight ko. Nabook ko na yung ticket. I will be there on January 26 and will stay for a month as you wish". Masayang sabi ni Amir sa mom niya. "That's great then! see you here soon son! You're dad will also be glad to know". sabi ng Mom ni Amir na sobrang saya na para bang tumatalon sa kabilang linya at nag sasabing sa wakas magaganap na ang lahat ng plano namin ng Dad mo for you. Naibooked na ni Amir ang ticket for two. Buo na ang isip niya, Isasama niya si Sukan sa kanila. Ipakikilala na niya ito sa mga magulang niya at ready na siyang planuhin ang buhay niya kasama ang mga magulang niya. Pumayag naman si Sukan na sumama sa kanya, sa isiping maliliwananagan na ang lahat kung sino si Babe. Masayang bumyahe ang dalawa. Magkahawak pa sila ng kamay habang sabay na nakikinig ng music. Pinayagan naman si Sukan na mag leave dahil sa Boss niyang manyak na gusto ibigay ang lahat sa kanya sa kabila ng may asawa na ito at apat na anak. Naalala niya tuloy ng minsan itong pumasok sa office nila at may iniabot na sulat. Akala niya ay para sa pagprocess ng papeles niya ayun pala ay para ayain siya magdinner ng silang dalawa lang. Pumasok siya sa opisina nito at nagsabi na hindi siya pwede dahil may lakad siya. Pero ang totoo ay ayaw niya lamang ito pagbigyan dahil alam niya ang layunin nito. Sa galit nito ay hinablot ang papel, kinuyumos nito ang papel at itinapon sa trash bin. Nagulat si Sukan sa ginawa nito at kinabahan kaya dali dali siyang lumabas ng opisina. Bumalik siya sa katauhan niya ng kinausap siya ni Amir. Tapos na pala ang music at wala na din siyang earphone. "Sukan, I'm so happy na sumama ka sa akin, akala ko hindi ka sasama at tatanggi ka. These past few days ay naging busy ako at less attention na lang ang naibigay ko sayo. I hope hindi ka nagdamdam". Masayang sabi ni Amir kay Sukan. " Syempre naman Amir basta para sa iyo. Alam na alam mo naman ang laman ng puso ko. Excited na din naman ako na makilala sina tito at tita." sabi ni Sukan na may konting guilt na naramdaman dahil may ibang agenda din siya sa pagsama bukod sa gusto niyang makasama si Amir at makilala ang mga magulang nito. Paglapag nila ng eroplano, biglang kinabahan si Sukan. Habang naglalakad sila palabas ng immigration ay napahawak siya sa dibdib niya habang hawak naman ni Amir ang kabilang kamay niya. Hindi niya alam bakit ang lakas ng kaba sa dibdib niya. Pero hindi niya pinahalata kay Amir. Kumuha siya ng panyo para punasan ang mukha niyang parang nanlagkit sa pawis kahit na may AC naman. Sa hindi kalayuan ay nakita ni Amir si Kassandra at nakita din naman siya nito. Ibinaba ni Amir ang luggage niya at inalis ang kamay na nakahawak kay Sukan para salubungin si Kassandra. Tumakbo naman si Kassandra papalapit kay Amir na may halong excitement. Laking gulat na lamang ni Amir sa ginawa ni Kassandra sa kanya. Natulala rin si Sukan pagtayo niya at paglingon kay Amir. Kasalukuyang kasing pinupulot ni Sukan ang kanyang panyo na nahulog pag bitiw ni Amir sa kamay niya. Lalong nanlalamig si Sukan. Hindi niya alam ang gagawin niya. Kung tatakbo ba siya palayo or aawayin niya ang babae. Pero nahimasmasan siya at bigla niyang naisip nasa bansa pala siya ni Amir at wala siyang ibang kakilala doon maliban sa kapatid ni Amir na sa video chat niya lang din naman nakikita. Mas lalong sumakit ang puso ni Sukan na parang tinutusok-tusok sa sakit nang marinig niyang mag salita ang babaeng humalik sa kanyang minamahal. "Darling, you're back! Sabi mo sasabihan mo ako kapag babalik kana dito, pero kay Tita ko pa nalaman na uuwi ka pla ngayon, Kaya nagmadali ako pumunta dito sabi ko ako na lang ang susundo sayo". Sabi ni Kassandra. Gulat na gulat pa din si Amir sa nangyari. Nagtataka siya kung bakit siya hinalikan ni Kassandra. Hindi siya makapagsalita sa gulat. Naalala niya lang na mula nung huling umalis siya sa bansa niya ang pure friendship ang naiwan niya at hindi ganito. Kinalma niya ang sarili niya at sa wakas nakapag-salita rin siya mula sa pagkakagulat niya. "Sorry Babe, Hindi na kita nasabihan biglaan din kasi nang ma-approved ang leave namin ni Sukan. Siya nga pala si Sukan, Girlfriend ko..." sabi Amir. Proud na proud niyang ipinakilala kay Kassandra si Sukan. "Owh! I see...". Shocked na sabi ni Kassandra na medyo nahihiya sa ikinilos niya. Nawala ang pagkasabik niya sa pagdating ni Amir dahil sa sinabi nito. Nanahimik na lang ito matapos ang tipid na ngiti na ibinigay niya kay Sukan. "Sukan, This is Kassandra ang kababata ko". sabi ni Amir kay Sukan. " Hi, nice to meet you!" sabi ni Sukan kay Kassandra. Ngunit sa puso at isip ni Sukan ay nagtatalo ang katagang nice to meet you my face. Wala kasi siyang nagawa at ibang nasabi kung hindi ay iyon lang. Sa sobrang shock na naramdaman niya, nanahimik nalang siya at ngumiti. Sabay-sabay silang umalis sa sasakyan. Tahimik ang lahat at walang nagsasalita. Habang si Sukan naman ay sa malayo nakatingin. Sa labas ng bintana ng sasakyan habang papunta sila sa hotel. "Babe, bakit dito tayo pumunta hindi sa bahay?" Walang halong malisya na sabi nito kay Kassandra. Hindi man lang nailang na banggitin ang babe sa harap ni Sukan. "I also don't know Darling, Sabi nila Tita ay rito raw kita dalhin after kita kunin from airport and I think nandito rin sila. I need to go now and prepare. Tita told me to prepare for laters dinner and put on my beautiful dress". Sabi ni Kassandra. "Hmm Mom is into something I guess... Okay then. See you later. We will rest first and go there." sabi ni Alvin. Nagpaalam na si Kassandra kay Amir at ganoon din sina Sukan at Amir sa knya. Mamayang gabi ay pupuntahan nila ang dinner na ni-set ng parents niya. Naisip din ni Amir na ito na ang perfect timing para makilala nila si Sukan dahil kompleto silang pamilya. Pumasok na sila sa kwarto na ini-book ng parents ni Amir. Although isa lang ang kama ay hindi na sila nag-isip pa na maghanap ng ibang unit dahil sandali lang naman sila roon at wala namang idea ang parents niya na may kasama siya. Nag-shower na si Amir. Naalala niya ang kaganapan sa airport kanina. Nagtataka pa rin siya kung bakit nagawa ni Kassandra iyon na alam naman niyang nagpapanggap lang sila na magkasintahan sa harap ng magulang nila at never na may nangyari sa kanila. Na-guilty naman siya bigla para kay Sukan. Hindi siya nakapag-react nang halikan siya ni Kassandra sa kabila ng kasama at katabi naman niya si Sukan kanina. "Sukan… siya nga pala… about sa kanina sa airport..." Hindi niya maituloy ang gusto niyang sabihin kay Sukan. Tila bigla na lamang umurong ang dila niya. "Amir, matagal ko na ngang gustong itanong sa’yo... Last time… before tayo pumunta rito ay narinig kita sa pantry na may kausap sa telepono. Hindi ko naman sinasadya na marinig kayong nag-uusap…” sabi ni Sukan saka huminto saglit. At pagkatapos ay muling nagsalita. “Siya ba ‘yon? Ano mo ba talaga siya? Bakit ginawa niya iyon?". hindi napigilang tanong ni Sukan habang tumutulo ang luha niya. Hindi napigilan ni Sukan na umiyak dahil kahit sino naman ang makikita at maka experience ng ganon ay ganoon din ang mararamdaman. Halikan ba naman ng ibang tao ang mahal mo at hindi lang basta halik. Tapos ipapakilala sa’yo na kababata mo lang? Pero bakit may ganoon kung kababata lang? "Magkababata kami ni Kassandra. Magkakilala na kami simula nang mga bata pa kami. Magkasama na kami palagi sa school at sa lahat ng bagay. Maganda ang samahan namin bilang magkaibigan at wala kaming relasyon". Habang pinapahid ang luha sa mga mata ni Susie. Iyon lang ang sinabi ni Amir. Hindi niya nabanggit ang pangako sa magulang niya na susubukan niyang mahalin si Kassandra. Tahimik namang nakinig si Sukan. Matapos ang paliwanagan ay nagdesisyon silang magpahinga. Nakaidlip sila sa pagod sa byahe. Mayamaya ay nagre-ready na sila para sa dinner invitation ng parents niya para sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD