Goodbye, Dindee

208 Words
Kinausap ko si Mommy kanina. Sabi ko, gusto ko nang bumalik sa Manila. Dinahilan ko ang enrollment. Ayaw pa niya sana akong payagan dahil isasama pa niya ako sa alumni homecoming ng high school batch nila. Ipakikilala raw niya ang pogi niyang unico hijo sa mga amigo at amiga niya. "Sus! Maa-out-of-place lang po ako do'n," sabi ko. "Next time na lang po." "Kumusta na kayo ni Dindee?" Nagulat ako sa tanong niya. Si Dindee pa rin pala ang nasa isip niya. Siguro ay pinag-uusapan na nila ako. Arranged marriage? Ayoko nga... Ako ang mamimili ng iibigin ko... Paranoid lang ako. Wala naman sigurong nangyaring ganoon. Hindi ko lang talaga puwedeng mahalin agad si Dindee. Nasa kay Riz na kasi ang puso ko. Mabuti nga't uuwi na ako bukas ng hapon sa Manila. At least, matatapos na ang pangrereto ni Mommy at mga pinsan ko kay Dindee. Magugulat na lang si Dindee, 'pag malaman niyang nakauwi na ako. Ang alam niya, sa weekend pa ako uuwi. Hindi na natuloy ang pag-disco namin. Bahala siya... Kung gusto niya talaga ako, hahayaan niya, na ako ang manligaw sa kanya. Ayoko namang ako ang ligawan. Turn-off para sa akin ang babaeng nagpi-first move. Kaya, goodbye, Dindee! See you, Riz!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD