Si Daddy

274 Words
Bago ako natulog, nagkausap kami ni Daddy sa cellphone. Nabasa raw niya ang post ko sa f*******:, kaya tumawag siya. Natutuwa raw siya dahil nagbibinata na ako. Nami-miss na niya ako. Tinanong niya rin ako, kung kelan ako babalik sa Manila. Nakakatuwa rin si Daddy. Mas excited pa siya sa lovelife ko. Okay lang naman. Sanay na ako sa kanya. Open ako sa lahat ng bagay sa kanya. Siguro nakatulong din ang pagiging mabait at hands-on father ni Daddy sa akin. Hindi siya pabayang ama. Hindi rin naman ako spoiled sa kanya. Paminsan-minsan ay hinihindian niya ako at pinagbabawalan. Nauunawaan ko naman siya. Para sa kabutihan ko naman ang mga ipinagbabawal niya, like bawal magyosi, uminom ng alak, magsugal, at magdroga. 'Di bale raw mambabae. Ayos talaga ang Daddy ko. Gusto pa yatang mamana ko ang pagiging babaero niya. Dapat nga, tinuturuan niya akong maging faithful... Gayunpaman, idol ko siya, dahil kahit babaero siya, responsible father pa rin siya. Lahat ng pangangailangan ko ay prino-provide niya. Minsan nga, naisip ko... mas maasikaso pa siya kesa kay Mommy. Kahit may trabaho silang pareho, si Daddy ay talagang may oras pa para ipagluto at ipaglaba ako. Workaholic masyado si Mommy. Tapos, madalas akong ipasyal ni Daddy. Madalas kaming mag-bonding, kahit simple lang, gaya ng pag-babasketball, pag-swimming sa pool, pagba-biking, paglalaro ng remote control car at helicopter, pamimili ng mga damit sa Divisoria at marami pang iba. Kaya nga, gustong-gusto kong tumira sa kanya. Ayoko kay Mommy kasi sa yaya niya ako inaasa. Hindi ko pa siya makausap. Kapag ganitong may problema ako sa puso, si Daddy ang kailangan ko. Siya ang alam kong makatutulong sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD