Safe

251 Words
Andito na ako sa bahay. Sinundo ako ni Daddy sa pier. Andami ko kasing dala. Andaming ipinadalang pasalubong sina Lolo at Lola. May alimango. May hipon. May puto seko. Para daw sa mga kamag-anak ko sa kanila. Dumating ang mga ninong at ninang ko. Inimbita ni Daddy. Nagmano lang ako sa mga ninong ko at nag-kiss naman sa mga ninang, tapos nagkulong ako sa kuwarto. Gusto ko kasing magpahinga. Hindi naman ako nagkaroon ng maayos na tulog sa barko. Inukopa kasi ni Riz ang isip ko. Ngayon, kalilimutan ko muna siya para makatulog ako. Ilang oras na lang ay maggagabi na, kaya okay lang na makatulog ako. Kahit hindi na ako makakain. Nagmeryenda naman kami ni Daddy sa Chowking nang sinundo niya ako. Sana lang hindi na niya ako gisingin. Tinext ko na lang si Daddy. Sabi ko, huwag na niya akong gisingin para kumain. Pagod at puyat ako, kaya matutulog na lang ako magdamag. Pumayag naman siya. Nanghinayang lang siya sa pagkakataon na makapag-videoke sila ng mga kumpare at kumare niya. Matagal-tagal na rin kasi silang hindi nagsama-sama. Ok lang naman po, sabi ko. Makakatulog na rin po siguro ako. Hindi na raw. Magkukuwentuhan na lang daw sila. Tutal naman daw, malapit na ang birthday niya, doon na lang sila magkantahan. Napakamaunawain talaga ni Daddy. Bago ako pumikit, tinext ko muna si Mommy, na nasa bahay na ako at magpapahinga. Thanks, God daw at safe ako. Na-miss na niya raw ako agad. At sa katapusan na raw siya babalik. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD