Letter B - The Cryptic Knife Justin Hindi pa rin ako makapaniwala sa papel na nakasiksik sa bag ni Kate. Sana mali ang iniisip namin, sana hindi maulit ang nakaraan. Nasa kuwarto ako habang nagche-check ng social acounts ko. Nakita kong nag-mesaage sa 'kin si Febie na mag-aambagan daw kami para sa music video. Magha-hire pa daw kasi kami ng video editor at video director. Gusto raw kasi ni Febie na magkaroon ng magandang project. Tsk. Sakto lang ang allowance ko para sa 'kin, manghihingi nalang ako ng dagdag na pera kay dad. Lumabas na 'ko ng kuwarto at bumaba na ng hagdan. Nakita ko naman si dad na nakaupo sa sofa habang nanonood ng tv, may hawak siyang remote sa kanang kamay at sa kabila naman ay chichirya. Kasama niya rin pala yung kapatid ko. "Ah, dad." napatingin sa 'kin si pap
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


