TEASER Akala ko ay nabunot na ang napakalaking tinik sa 'king dibdib, Akala ko makakahinga na ako ng maluwag, Akala ko payapa na 'kong makakatulog at makaka-idlip, Pero hindi pa pala tapos ang lahat; May mga ngiti pa palang matatalim, May tumatawa pa ng palihim, At may mga mata pang nakamasid. Hindi ko alam, mayroon pa palang mga hinanakit. ******** Letter A - C L U E Kate "Don't forget your performance task," wika ni Prof. habang nakatingin sa aming nakikinig sa kanya. "Yung music video." Tumango naman kami saka nakita namin siyang umalis, nag-bell na rin naman kasi. "May project pa pala." wika ni Justin saka ngumiti ng matamis sa 'kin. In fact, katabi ko siya. "Oo nga e," ngumiti ako ng matipid. Kolehiyo na kaming dalawa ni Justin. Pareho kami ng kinuhang kurso dito

