Letter K- Black Envelope

1018 Words
Letter K- Black Envelope Aira Magkasama na ngayon kaming dalawa ni Kate nang puntahan niya ako dito sa parang monitoring system kung saan puno ng computer at camera. Dito ang naisipan kong puntahan dahil this room is responsible for TV projections. Kaya natural lang na dito rin siya magre-record. Sinimulan na naming lumabas ni Kate para pumasok na sa klase namin, dahil humigit-kumulang mga 20 minutes na lang ay oras na ng klase. Nasa labas na kami ni Kate at papanik na sana sa room nang sinalubong kami ng isa naming babaeng kaklase na papasok na rin siguro. Malungkot ang mukha nito at para bang may malaking iniindang problema. "O bakit?" usisa ko sa kanya at napatingin naman ito sa akin. "S-si Kyle, 'yung best friend ko. W-wala na," wika niya habang nahagulgol, "P-pinatay raw ito dahil sa saksak. Natagpuan 'yung bangkay niya sa talahiban kahapon." Nagitla na lamang ako at bigla kong natandaan sila Sean, Charlize, at Gemryll. Buhay man sila o hindi ay kailangan ko silang puntahan sa library, may kasalanan din ako kung bakit 'yon nangyari sa kanila. Kumaripas agad ako papuntang library at nakita ko namang walang nagawa si Kate at sinundan ako. Nang nasa harap na kami ng library ay kapansin-pansin ang nagkukumpulang mga estudyante na nasa labas dito. Nagbubulong-bulungan ang mga ito na para bang mayroong kung-anong nangyari sa loob. Bahagya akong nag-ubo ubuhan at nakita kong lumingon ang ilang mga estudyante sa 'min. Napako ang kanilang mga paningin sa kwelyo namin at nakita kong binigyan nila kami ng daan para makapasok. Dumiretso naman kami doon papasok sa loob ng library at nakita ko sila Tess, Clarrisse, Spike at si Justin na nakiki-usyoso rin. Nakahilata ang bangkay nina Sean at Gemryll na halos naligo na ng kanilang dugo. Nandoon din ang bangkay ng librarian at no'ng dalawang estudyante na nakasama pa namin kanina. Bigla namang may gumapi sa isip ko na nag-iwan sa akin ng isang katanungan. Nasaan si Charlize? Napatingin ako doon sa dalawa pang silid. Ang pagkakaalam ko ay 'yung isang silid na 'yon ay puno ng mga computers na ginagamit din sa pagri-research at 'yung isa naman ay para lang siyang bodega na puno ng mga lumang bookshelf at mga lumang book reference. Napatingin kaming lahat sa pinto ng restroom ng biglang may lumabas dito, isang babaeng buhaghag ang buhok at may pagkalisik ang mata, halata rin ang ilang pasa't sugat nito sa iba't ibang bahagi ng kanyang katawan. Napabilog na lamang ang aking bibig ng mamukhaan ko kung sino siya, si Charlize. Biglang may kung anong rumehistro sa utak ko ngunit agad ko itong pinigilan, inosente siya. "Buhay ka?" ani Kate na hindi rin makapaniwala. "Oo." isang nakakatakot na oo ang pinakawalan ni Charlize. "Ano bang nangyari?" interesadong tanong ko, kung sakaling inosente siya ay baka makatulong siya sa amin. "W-wala, 'di ko alam." malayo ang tingin nito ngunit wala namang tinatanaw. "Huh?! Nasaan ka ba no'ng pinatay sila Gemryll?" tanong ko muli sa kanya dahil naguguluhan na talaga ako. Parang may kakaiba sa kanya, parang may tinatago. "W-wala," sagot nito. Ano bang nangyayari sa kanya? Hindi niya ba alam ang mga lumalabas sa bibig niya!? "Charlize, h'wag lang matakot kami 'to. Tutulungan ka namin. Ano ba talaga ang nangyari? Sino ang may gawa nito?" si Tess naman ngayon ang sumubok ngunit nanatili lang siyang nakatunganga. "GOSH! Sumagot ka naman ng maayos!" singhal ni Clarrise na mukhang beastmode na. Nanatiling nakatikom lang ang bibig ni Charlize at nagsimula na rin itong pagpawisan. Napayuko lang ito kasabay ang pagsibol ng katahimikan. Mabilis naman itong binasag ni Clarisse. "HEY! Charlize!" bulyaw ni Clarisse, "Kapag ikaw ang pumatay sa kanila, I will kill you too!" Napayuko na lamang si Charlize, bakas sa mukha niya ang takot. Nagulat na lamang ako ng makitang may pumapatak na sa sahig na pinagyukuan ni Charlize. Mukhang umiiyak na ito. "Enough," wika ni Kate at iniwanan ng isang matalim na tingin si Clarisse. Hinagod nito ang likod ni Charlize kasabay ang sunod-sunod na pagbuhos ng luha nito. Natigilan ang lahat dahil sa isang black envelope na nagsu-sway pababa papunta sa gitna namin. Napatingin naman kami doon sa itim na sobre na nasa lapag na. "Wait, there's a note." wika ni Tess kasabay ang pagdampot ng sobre, nilapitan naman namin si Tess para tingnan kung ano 'yung tinutukoy niya. NOTE: Read this after I killed Clarisse. Nanlaki ang mga mata ko sa nabasa, napatingin naman ako kay Clarisse pero parang wala lang itong pakialam. "What a trash!" nakangising wika niya. "Saan naman nanggaling 'yan?" wika ni Spike habang hinahanap 'yung pinanggalingan ng sobre. Sabay-sabay kaming tumingin sa taas, mayroong dingding na may maliit na butas dito na sapat na para magkasya ang sobre. Sa pagkakaalam ko sa silid na ito nakalagay 'yung mga lumang bookshelves at libro. "Don't mind it, guys!" ani Clarisse saka nagpakawala ng isang irap. Palihim ko namang binuksan ang pinto papunta sa loob kung saan nanggaling ang black envelope. "Saan ka pupunta?" tanong ni Tess sa akin kaya napatingin din sa akin sila Kate. Napakamot na lamang ako sa ulo. "M-may titingnan lang," Mukhang gumana naman ang pagsisinungaling ko dahil ibinaling nila ang kanilang paningin sa iba. Malaki kasi ang hinala ko na ang salarin ay narito sa loob, dahil dito nanggaling ang envelope. Napalunok nalang ako ng biglang may kumalampag kung saan man. Sinubukan kong sumilip sa mga ilalim ng bookshelves ngunit wala akong nadatnan, nagulantang nalang ako nang biglang nahagilap ng aking mga mata na parang may gumalaw banda sa ilalim ng isang lumang desk na gawa sa kahoy. Dahan-dahan akong sumilip sa ilalim nito, and I saw it! May nakita akong paa. This time, nagsimula na akong kabahan. Huminga ako ng malalim at maingat akong lumapit sa desk, Marahan kong sinilip ito paibaba. "Fvck!" singhal niya at agad naman siyang naglabas ng spray. Nakakahilo ito at nagsimula ng manlabo ang paligid. And everything went black. Kate Natigil kaming lahat sa mga ginagawa namin nang makarinig kami ng isang kalabog sa kabilang silid. Agad namin itong tiningnan at bumulagta sa amin si Aira at isang lalaki na nakahilata sa sahig. Nanlaki ang aking mga mata nang may nakita akong naka-itim na jacket na lumundag sa bintana. Bukod sa kanya ay nakita ko ang isang lalaki na puro dugo ang katawan, at si Aira na wala man lang galos pero tumba't nakahilata, mukhang nawalan ito ng malay. "John Rey Dela Vega!" asik ni Spike habang nakatingin doon sa lalaki.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD