Letter L - Facade
Kate
Dinala na namin si Aira sa clinic matapos namin siyang makitang nakatumba, sinabihan naman kami ng nurse na okay lang naman daw siya, kailangan lang daw ni Aira ng kaunting pahinga at magkakamalay na muli siya.
Nandito kaming apat nila Clarisse sa upuan at nakaupo. Habang si Justin naman ay pinagninilay-nilayan ang misteryong itinatago ng black envelope. Habang si Tess ay umalis muna upang asikasuhin si John Rey.
From: Tess
Kate, I confirmed na wala na talaga si John Rey. Ako na ang bahala kung paano ko ito sasabihin sa parents niya.
Mabilis kong naipatay ang aking cellphone 'nung mabasa ko 'yung text. Naisapo ko na lamang ang aking palad sa mukha ko, bakit pa ba ako lumipat dito? Masyado akong maging makasarili! Pinahirapan ko pa si mama na mag-ipon ng walang hiyang tuition fee na 'yon! Akala ko kasi magiging buhay mayaman ako dito, hindi pala. Mas masahol pa pala ang magiging buhay ko kaysa sa daga. Pero buti pa nga 'yung daga e, pwede siyang magtago. E kami, wala kaming kawala!
"What's with that face?" ani ni Spike na siyang ikinagulat ko.
"P-patay na raw si John Rey." napayuko na lang ako.
"Nabalitaan ko na alphabet pattern ang ginagamit para patayin tayo," so, alam niya na rin pala, "Then bakit nauna pa patayin si John Rey Dela Vega kaysa kay Charlize Cabanag?"
Napatingin naman siya doon kay Charlize na ngayo'y nakayuko. Binalot din ng katanungan ang isipan ko. Tama siya, bakit kaya?
Isang sigaw ang pumunit sa mahinahon naming pag-uusap ni Spike. As I expect, sigaw iyon ni Clarisse.
"Ano ba?! May nalaman ka ba Charlize? H'wag ka ngang matakot!" naiiritang bulyaw ni Clarisse.
"W-wala," Charlize reply in a flat tone. Ano'ng nangyayari sa kanya?
"Fvck you! Don't bullshit me. Tell me the truth!" napapikit na lang ako no'ng sinabi 'yon ni Clarisse dahil mukhang nagbabadya na naman ang luha sa mga mata ni Charlize.
Binalikwasan ko na lang ng atensiyon si Spike dahil naudlot ang pag-uusap namin. Nangasim naman ang mukha niya no'ng sinabi 'yon ni Clarisse. Bigla ko na lamang naalala ang nangyari kay John Rey saka biglang may katanungan na naman ang gumapi sa isipan ko. Mukhang hindi naman masamang magtanong kay Spike dahil mukhang mabait naman siya.
"Paano ba napunta si John Rey doon sa library?" tanong ko sa kanya, dahil talaga namang nakakapiga ng utak kung iisipin ko ang bagay na 'yon.
"'Yun ba?" pinagmasdan niya ako saka ngumiti ng matamis. Nabalik agad ang diwa ko ng magsalita siya. "Defenitely, he's a bookworm, ganyan ang daily routine niya; gigising siya ng napakaaga at pupunta sa library para magbasa. Buti nalang at 'di nagsasarado ang library, and this university."
Kaya pala siguro hindi namin siya nakita ni Aira kasi umalis kaming dalawa para sa pesteng puzzle na 'yon. Akala namin maliligtas namin ang buong klase sa aming gagawin, 'yun pala mas marami pa ang napahamak.
-
Napatulala nalang ako sa relo ko, at pinagmamasdan ang bawat pintig ng kamay nito.
"6:25 na," singhal ko sa kanila, "And we're late."
Tinitigan naman nila ako at binalikwas din ang tingin. Sa timpla ng kanilang mga mukha ay halatang bagot na ang mga ito. Kasalanan din nila male-late sila, ayaw pa kasi nilang pumunta sa room at mas pinili nilang hintayin si Aira.
Mga ilang minuto pa ang lumipas ay nagising na rin si Aira, tila'y narinig niya ang hinaing namin.
"You're awake," ani Justin at nilapitan niya si Aira. Nagulat na lang ako ng hawakan niya ang kamay ni Aira.
"Gosh! Sa wakas nagising na rin ang pa-sleeping beauty!" wika ni Clarisse, ngunit inirapan lang siya ni Aira at bumangon na.
Someone
"Kill her now! Before our time runs out!" pagmamadali ko.
Sumang-ayon naman sila, napabalikwas ako ng tingin sa kaawa-awang kikitilan namin ng buhay. Ma'am Annie Estacio.
Unti-unti ko siyang nilapitan at pinakawalan ng isang ngisi, nakikita niya ito dahil bukas ang bandang bibig ng maskara na suot ko upang maging klaro ang aking pagsasalita.
Itinapat ko naman ang kutsilyo sa noo niya at naramdaman ko ang malakas na pagpiglas niya ngunit wala siyang nagawa dahil sadyang napakahigpit ng kanyang tali. Habang patuloy naman ang dugong tumatalsik sa mukha ko dahil sa pagsusulat ko sa mukha niya gamit ang paghiwa dito. Ilang sandali lang ay nakasulat na ako ng salitang death sa noo niya.
"Masakit ba?" pagpapanggap na pag-aalala ko sa kanya.
Puro ungol naman ang nakuha kong sagot sa kanya dahil nakabusal ang bibig nito, 'di ko na siya pinatapos sa pagmamaktol dahil nagpakawala na ako ng isang bulyaw sa kanya.
"Shut up! You b***h!" sigaw ko sa kanya, "Hindi makapaghintay?!"
Dahan-dahan kong tinanggal ang busal na nanakalapat sa buong bibig niya. Dinuro ko naman siya ng kutsilyo na siyang ikinatakot niya, nakakatawa siyang tingnan. Mabilis ko naman agad itong ibinaba.
"Who are you!? Ipakita mo 'yang mukha mo!" aniya na para bang nanghahamon. Mukhang ito na ang last wish ng gaga!
"Fine, madali naman akong kausap e." dahan-dahan kong tinanggal ang puting maskara sa mukha ko, at ibinaba ang hood ng jacket ko. Iwinasiwas ko naman ang aking buhok upang makilala niya ako lalo.
Napatulala naman siya no'ng nakita niya ako. Yes it's me!
"Ikaw?! Ikaw ang dahilan ng pagkamatay nila! Ikaw ang-----pjsbyojhxfrkdojsbzoqxvomxihwb." ibinalik ko na ang tape sa madaldal niyang bibig. Masyado siyang maraming sinasabi.
"Tuluyan niyo na nga yan! Baka mamaya e kung ano pang magawa ko diyan!" utos ko sa kanila at ibinalik ko naman ang aking maskara at 'yung hood.
Nilapitan naman ng isa ko pang kasama si Ma'am Estacio at tinapatan ito ng kutsilyo. Tumayo na lamang ang balahibo ko ng makitang tinapat niya ang kutsilyo sa mata ni ma'am at sinimulang dukutin ito gamit ang hawak niya ng kutsilyo.
Mabilis na nagsiritan ang dugo sa kanyang parteng mata ng tuluyan na itong matanggal. I like bloods.
Sunod niyang pinuntirya ang leeg ni ma'am at nagawa itong sugatan. Hindi namin ito natuloy dahil isang sigaw ang pumihit sa amin.
"Ma'am Annie!"