Letter M - Middle

1399 Words
Letter M - Middle Aira Masakit pa ang ulo ko no'ng bumangon ako, nakadagdag siguro sa paggising ko ang mga nakakarinding sigaw ni Clarisse na naging blessing in disguise para sa paggising ko. Mabilis kaming dalawa ni Kate na pumunta sa classroom ngunit sabi ng mga kaklase ko ay kanina pa raw wala doon si ma'am. Kaya nilibot namin ang bawat facilities at nagulat na lamang kami ng nakita namin siya sa bodega na s-in-uggest ni Kate dahil dito raw kadalasang nakikita ang mga nawawala sa school if there's a m******e, at mukhang tama nga ang hinala niya. "Ma'am Annie!" we all shouted in antsy. Halos mabaliw ang utak namin sa nadatnan. Walang naglakas loob sa 'min ni Kate ang pumunta sa kinaroroonan ng mga walang-awang salarin, dahil isang making galaw lang namin ay baka mamatay rin kami. Bigla namang tumakas ang killer gamit ang paglundag sa kalapit na bintana papalayo sa amin. Bukas ang bintana na animo'y pinaghandaan talaga nila. Nang sila'y makaalis na, mabilis naming pinuntahan si Ma'am Annie. Nanlaro sa mga mata ko ang sinapit ng isang mata ni ma'am Annie, wala na ang eyeball nito habang patuloy pa rin ang pag-agos ng dugo nito pababa ng kanyang pisngi. Mayroon ring mga sugat sa kanyang leeg. At ang nakaka-agaw pansin pa rito at ang nakaukit na saliltang Death sa kanyang noo na halatang matalim na bagay ang ginamit sa pag-ukit nito. Fvck it! Only a culprit can do this. Someone Nakalayo na kami doon sa naturang bodega, hindi ko alam kung bakit nila nalaman ang kinaroroonan namin. We're pretty safe now, pero 'di pa rin maalis sa dibdib ko ang ikinukubli nitong kaba. Parang may mali, parang 'di pa namin napatay si ma'am. Halos ilang beses na akong pabalik-balik na naglalakad sa iisang pwesto dahil sa pagdadalawang isip kung patay na ba 'yung babaeng 'yon. I don't know?! And I don't have an idea! Mukhang nahalata naman ng mga kasama ko ang galaw at kilos ko. "Sundan ko?" nagulat ako sa sinabi niya at wala naman akong ibang magawa kundi ang tumango. "Heto," inilatag ko sa palad niya ang baril na naka-silencer. "Be careful," Tumango ito at nagsimula na niya ulit isuot ang maskara at 'yung hood ng jacket, mabilis na rin itong umalis habang tangan-tangan ang isang baril na naka-silencer. Kate Napalapad ang ngiti namin ng unti-unting gumalaw ang kanang kamay in ma'am hudyat na nagkakamalay na ito, thanks God at buhay siya. Tinatanggal na ni Aira ang packing tape na nakadikit sa bibig nito habang inaalis ko sa pagkabuhol ang lasong nakatali sa kamay niya. Sinalubong ni Aira ng isang pag-aalala si ma'am matapos niya matanggal ang tape. "Ma'am?!" "A-aira," ani ma'am na nahihiirapang magsalita. Gumuhit sa mukha namin ang ngiti ng makita itong nagsalita. "Ma'am?" saad ko matapos ko matanggal ang taling nakapulupot sa kamay niya. "Be careful. Not all friends are true, sometimes behind your back, they'll plan to stab you." wika ni ma'am. Tumango kami ni Aira. "Ma'am, sure." "Good," diretsong ani ma'am. Mukhang 'di siya nahihirapang magsalita dahil hindi naman naapektuhan ang kanyang bibig o anumang parte na may koneksiyon sa kanyang pagsasalita. "Who did this?" direktang tanong ni Aira, "Did you see his or her face?" Tumango naman si ma'am sa sinabi ni Aira. "S-si--" napatayo kami nang biglang napalugmok ang ulo ni maam. Ilang sandali lang ay sinundan pa ito ng ilang mahihinang putok. "Ma'am!!!" ani namin ni Aira habang ginigising ito, 'di ko namalayang lumandas na pala ang luha sa pisngi ko, pati na rin si Aira. Lumapit ako sa bintana at sinilip ito. Nahagilap ng mga mata ko ang isang tumatakbong naka-itim na hooded-jacket, nakalaylay din sa kamay niya ang baril na sa hinuha ko ay ito ang ginamit sa pagpatay kay maam. Tiyak nakasilencer iyon kaya 'di ganong kalakas ang tunog ng pagbaril nito. "There's a gunshot here!" napatingin ako kay Aira na nakatingin sa likod ni ma'am, hindi na rin ako nagulat sa binanggit niya. Mabilis naming tinaggal ang ilang mga natitirang nakapulupot na tali sa kamay ni ma'am, at pinagtulungan namin siyang buhatin upang ma-report ang nangyari, ngunit isang bintang ang pumihit sa amin. "Kayo ang pumapatay!?" sabi ni Clarisse. Habang si Justin, Spike, at si Tess naman ay hindi makapaniwala sa nangyayari. "Mga walang hiya kayo!" bulyaw muli ni Clarisse na ikinapintig ng tainga ko. "Is it true?!" ani ni Justin at napagawi siya kay Aira. "Justin! Anong is it true?! Maggising ka nga! Kitang-kita ko naman o!" awat ni Clarisse kay Justin na siyang ikinalungkot ng mukha nito. Nakatingin naman sa akin si Spike saka bahagyang umiling. Sh*t! We need a explanation! We need a solid proof! "Ganito kasi 'yon, pumunta--" natigil ang page-explain ko ng makita kong tumakbo si Aira, kaya walang anu-ano'y sinundan ko siya. Baka mamaya e pagpiyestahan nila ako, baka uuwi akong puro pasa o kaya'y diretso sa kulungan. Nang sinimulan ko ring tumakbo ay naramadaman kong nakasunod sila sa amin. "Hoy! Saan kayo pupunta mga kriminal! Mga mamatay tao!" bulyaw sa amin ni Clarisse habang tumatakbo ito. Tuloy-tuloy pa rin sa pagtakbo si Aira hanggang sa napunta kami sa loob ng isang napakadaming camera. Sa tingin ko'y dito nire-review 'yung mga CCTV's na naka-install sa buong school, tiningnan ko naman ang pinakahuling camera, cam 570. Napakaraming CCTV ngunit wala rin itong saysay kung nakamaskara naman ang hinahanap mong salarin. Natigil naman ako ng matandaan ko ang sinabi sa amin ni ma'am. Nakita niya raw ang mukha ng salarin kaya't possible ring makita namin siya sa CCTV. "Here," wika ni Aira, nilingon ko naman kung sino ang kinakausap niya, sila Clarrise, nariyan na pala. "At ano naman iyan?" kuwestiyon ni Clarrise. "Just watch," nakangisimg saad ni Aira habang may kung anong kinakalikot doon sa computer. Nakita naming c-in-lick niya ang play at sinimulan na naming panuorin ito. Katahimikan. Katahimikan ang bumabalot sa bodega ngayon. May isang babaeng nakagapos sa silya, isang guro. "Si ma'am?" pintig ni Justin habang pinapanood ang footage. "Shhh, manood ka nalang." senyas ni Clarisse sa kanya. Ngunit naputol ang katahimikang ito dahil sa isang estranghero, estranghero na naka-itim na kasuotan na agarang pumasok sa naturang kuwarto. Na posibleng siya ang sanhi sa pagkakadakip sa guro. Agarang gumawa ng aksyon ang estranghero, hiniwa nito ang noo ng guro at nakaguhit ng salitang Death sa ulo nito. "Walang hiya siya!" banggit ni Aira habang pinagmamasdan ang pagkakatuklap ng balat ng noo ng guro. "If I know!" muling buska ni Clarrise. Umirap na lang si Aira at muling ipinagpatuloy ang panunuod. Nagkaroon muli sila ng alitan, alitan na lalong nakapag-init ng kaniyang ulo. Dahilan na nag-udyok sa kanya na ipagpatuloy ang ginagawa nito. Ngunit ilang sandali lang ay tinanggal ng estranhero ang kanyang saplot sa mukha. Ang puting maskara na kumukubli sa pagkakakilanlan nito. Iwinasawas niya ang kanyang mahabang buhok, pati na rin ang kanyang ulo-- The screen went black. Aira Naihampas na lamang ni Tess ang kanyang kamay sa kalapit niyang lamesa dahil biglang namatay ang computer. "What happened?" tanong ni Clarisse. Agaran namang lumapit si Spike sa pinagsasaksakan ng computer. "Look," wika ni Spike at pinakita sa amin ang dulo ng wire na putol--pinutol. Napalinga muli ako, hinuha ko'y ang nakita ko sa library at ang pumutol ng wire at iisa. Sumusulpot siya sa tuwing nasa kalagitnaan kami ng aming pagsusuri. May mga naglalakihang shelves na gawa sa kahoy. Kaya 'di kataka-takang nagtatago siya rito. "Sorry, hindi pala kayo 'yon." Justin say in defeat. "Then who!?" singit ni Clarisse. "We need to investigate more." seryosong ani Tess. - Nandito na ako ngayon sa bench, nakaupo dahil nga wala kaming teacher. Break time na, kasama ko ngayon sina Kate at Evangeline Enrique na kumakain, gusto raw kasi sumama ni Evangeline sa 'min na kumain, dahil wala na raw siyang kasama lagi no'ng mamatay ang best friend niyang si Gemryll. Natigil ako sa pagkain ng hawak kong biscuits nang biglang nag-vibrate ang cellphone ko. May text na naman galing din doon sa nag-text sa akin no'ng nasa library kami para basahin 'yung libro. From: Unknown There's saying, "mamatay ang nasa gitna". Hmmm... is it true? Or also the either sides. Mabilis kong tinignan kung sino ang nasa gitna. Si Evangeline, tama, letra niya na. Napatigil ako sa pagnguya, at tiningnan ko siya ng matagal. Baka ito na rin ang huling tingin na matanggap niya mula sa akin. "A-ano'ng nangyayari? Ano'ng meron?" nagtataka ito kung bakit ko siya tinititigan kaya mabilis akong bumalikwas. Dapat ko siyang iwasan, dapat naming siyang iwasan ni Kate. Dahil 'pag nanatili kaming nakadikit sa kanya, baka madamay kami sa malas ng letra niya. Tumayo na ako at sinimulan ang pag-alis, nagpaalam muna ako kay Evangeline at sinundan na rin ako ni Kate. Nakakailang hakbang na kami ng biglang may narinig kaming pagputok ng isang baril. Sunod-sunod ito na intensyon talaga ang patayin ang binabaril nito. Hindi ito naririnig ng ilang estudyanteng nagkakalase dahil soundproof ang bawat room dito. Sinubukan kong lumingon nang wala nang marinig na putok. Palihim akong sumilip kung nasaan kami kanina at tumambad sa mga mata ko ang nakahilatang bangkay ni Evangeline. Someone Umalis na kami matapos naming mabaril si Evangeline, mukhang kakaunti lang naman ang nakakarinig dahil naka-soundproof ang bawat room at facilities saka naka-silencer pa ang baril na ginamit namin. Tiningnan ako ng kasama ko. "Sino susunod?" tanong nito sa akin habang nakatitig sila sa mga mata ko. "Saka na 'yung sunod, may isang bagay muna tayong gagawin," wika ko saka napaupo sa kalapit naming bench, "Paglalaruan muna natin si Kate."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD