Letter N - Text

806 Words
Letter N - Text Kate Pansamantalang pinauwi muna kami ng principal, dahil walang nagtatangkang teacher na mag-substitute sa klase namin. Isang patay naman ang naitala kanina, si Evangeline. Nagpapasalamat nga ako dahil sinundan ko si Aira. Pinaulanan daw kasi ng bala ng baril si Evangeline, hindi na rin nakakaguat kung madamay kami kung sakaling hindi kami umalis doon sa bench. Nag-commute ako papuntang bahay dahil hindi ko dala ang kotse ko, dahil hiniram ito ni mama dahil sooner at magkakaroon daw sila ng business trip. Binaba na ako ni manong driver at binayaran ko ito, kumaripas na ako ng lakad papuntang bahay at nang nasa tapat na ako nito ay bigla na lamang akong napatigil nang makarinig ng kaluskos kung saan. Lumingon-lingon pa ako upang tingnan ang nasa paligid ko, wala namang tao. Wala akong nakitang kung sino o ano man. Bubuksan ko na sana ang gate ng may sumitsit sa akin. Muli akong napalingon, wala namang tao. Nagsimula na ang mabilis na pagpintig ng puso ko, ito ang kahinaan ko. Nagiging nerbyosa ako tuwing ako lang ang mag-isa ngunit may iba akong kasama na hindi ko nakikita. May pagkamalaki ang bahay namin at maraming malalaking sliding window. Malaki ang hinala ko na may nakatingin sa 'kin, nakangiti't pinagmamasdan ang bawat galaw ko. Dumiretso na ako at pumasok na sa loob ng bahay namin. Napapikit ako ng kaytagal nang biglang nag-vibrate ang  cellphone ko. From: Unknown Hi! I can see you! Bigla akong napalingon, nasaan siya. Totoo kayang nakikita niya ako o kaya nama'y nagsisinungaling lang siya. "Nasaan ka? Lumabas ka diyan!" sigaw ko, sinusubukan kong maging matapang, nararapat na walang puwang ang takot sa dibdib ko. Kung ayaw kong paglamayan bukas kahit na alam kong nilalapit ko rin ang sarili ko sa kapahamakan. Wala namang umimik at sinuklian ako nito ng katahimikan. Bigla ulit may nag-text sa cellphone ko. From: Unknown Hinahanap mo ako? Haha. :D Nanginginig akong napaupo sa may sofa. Lingon ako ng lingon, napapraning na ako. Sinusubukan ko ring pakiramdaman ang paligid upang pakinggan ang bawat nakapalibot sa akin, ngunit tanging pagkabog lang ng aking dibdib ang napapakinggan ko. Nagmamanhid ang pakiramdam ko ngayon, wala akong madama. Mabilis akong napalingon at napabalikwas nang makarinig muli ng kaluskos. Wala muli akong nakita. Nagsimula nang malaglag ang pawis ko. From: Unknown We're watching you, and you like insane! ;) Hindi ko alam kung anong pumasok sa isipan ko at kumaripas ako ng takbo sa kusina upang kumuha ng kutsilyo. From: Unkown HAHAHAHAHA! You're funny! Nasaan siya? Paano niya ako nakikita? Nandito rin kaya siya sa bahay? Puno ng katanungan ang umaalingawngaw sa isipan ko. Sinubukan kong tumakbo palabas ng bahay ngunit sarado ang pinto, hindi ko alam kung paano 'yun nangyari. "Stop it!" hindi ko alam kung saan ako kumukuha ng lakas ng loob para lumabas ang mga ito bibig ko. Para pigilan ang salarin kahit na alam kong hindi naman niya ito susundin. From: Unknown Stop?! Do you mind if I stop your heart to beat? Ramdam ko ang panunubig ng aking mga mata. Hindi ko alam kung ito na ba ang huli kong pag-iyak. Kung ito na ba ang katapusan ko. Sinubukan kong kumalma at mabilis kong pinunasan ang nagbabadyang luha. Sinubukan ko muling makiramdam at mag-isip. Ngunit nagiging blangko ito dahil iba ang rumerehistro sa utak ko; takot. From: Unkown Don't cry out loud! Hahahaha! It's all about fate and my options. Kung nakatadhana ako ngayong mamatay o inilalapit ko lang ang sarili ko sa kapahamakan. And I think it's my option, my choice, na para bang papipiliin ako kung ako ba ay magdudusa o mamatay. At mas mabuti siguro 'yung choice na mamatay kaysa sa walang katapusang pagdususa. My options, napatingin ako doon sa hawak kong cellphone. Nagawi ng paningin ko ang option na nasa gilid. Lumapad naman ang ngiti ko sa ideyang pumasok sa utak ko. And I rather choose to live. Umagos ang ingay ng cellphone na nagri-ring nang i-click ko 'yung call button. Ito'y gawi banda sa bodega. Napaatras nalang ako ng bigla silang nagsilabasan. Wala man lang akong nagawa. Dumiretso sila papalabas ng bahay. Nagmistulang istatwa ako rito habang pinapanood sila dala na rin ng mga katanungan sa isip ko. Nang magising ang diwa ko ay daglian kong binitbit ang kutsilyo at lumabas ng bahay at nadatnan ko silang tumatakbo papalayo. Inangat ko naman ang kutsilyo at humugot ng bwelo. Humakbang ako ng ilang distansya kasabay ang malakas na paghagis ng hawak kong kutsilyo. May pagkamatalas ito kaya talagang magkakaroon malalim na sugat ang matatamaan nito. Tila ba'y naging slow motion ang lahat ng matamaan ko ang isa sa parteng likod nito kasabay ang paglapad ng aking ngiti. Makikilala na rin kita, may malalim na sugat sa likod. Someone Medyo nakalayo na rin kami kila Kate, matapos niya kaming tawagan na mukhang hindi namin napaghandaan. Bigla akong nanghina nang may naramdaman akong tumusok sa likuran ko. Hindi ko namalayang napabagsak na lamang ako sa kinakatayuan ko. Everything gets blurred. Naramdaman ko nalang ang mahihinang tapik sa pisngi ko. Hanggang sa makaramdam ako ng isang bulong na dumadampi sa tainga ko. "Buti nalang at ikaw ang natamaan," Napangiti naman ako, "You're right."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD