Letter O - Wound Mark
Aira
"So you mean na may malalim sugat ang likod ng isa sa killer?" wika ko habang seryosong nakatingin sa kanya, sinusubukan kong tingnan ang kaibuturan ng kanyang mga mata. Puno ito ng lungkot at takot.
"Gano'n na nga," wika niya habang napapalingon-lingon pa.
Ikinwento kasi sa akin ni Kate ang buong pangyayari kagabi. Kung paano siya tinakot ng mga salarin at kung paano niya ito nasaksak sa likod. Nandito kaming dalawa sa loob ng classroom ngunit wala pang magtuturo sa amin dahil na rin sa walang naglalakas loob na guro para turuan kami. Pati na rin 'yung mga sub teachers namin ay iniwanan kami.
"Isa lang ang solusyon na pwede nating gawin, iisa-isahin nating ii-scan ang likod nila para malaman natin kung sino ba 'yung isa sa napatay sa kanila. At kung suswertehin, baka idiin niya rin ang mga kasama niya." wika ko at napatango na lamang si Kate bilang pagsang-ayon. Tutal kumpleto rin naman kami dito sa loob ng room kaya pwede na naming gawin ito.
Makalipas ang ilang minuto, ay isa-isa namin silang pinapila at sinimulang i-check ang mga likuran nila sa pangunguna naming dalawa ni Tess. Dala ko na rin ang Wound scanner na gagamitin namin para malaman kung may sugat ba kung saan mang parte ang nais mong tingnan, magfa-flash nalang sa mini screen nito kung ito'y negative ba o positive. Isa itong imbensyon mula sa eskwelahang ito. Advance kasi ito lagi pagdating sa gadgets and devices, at kung hindi ako nagkakamali, isa ito sa p-in-ropose ng school na ife-feature nila na kanilang imbensiyon.
"This is the last student," ani Tess habang inilalapat ang Wound scanner sa likuran ng kaklase ko.
Kate
"Negative," wika ni Tess saka pinakita sa amin 'yung maliit na screen ng hawak niyang wound scanner. Hindi ako makapaniwala na wala man lang kaming na detect na positive sa kanila. Hindi ko alam kung bunga lang ba ng kaba't ilusyon ang mga nasaksihan ko noong mga oras na iyon. Nakakahiya dahil sinayang ko ang oras nila.
Pinabalik na kami ni Aira sa kani-kanilang upuan. Sakto naman at may biglang gurong pumasok sa loob ng room na nasa middle-aged, sinundan naman ito ng isang mas matanda sa kanya na nakasuot ng magandang suit. Nanlaki na lamang ang mga mata ko ng mamukhaang si Lee Gregorio ito.
Nakita naman naming umi-step forward 'yung guro at daglian itong nagpakilala.
"Hi students! I'm Mr.Ron Xial, and I will be your new teacher, for your whole class." biglang umalingawngaw na naman ang bulong-bulungan matapos ang pagpapakilala ng bago naming guro. Hindi pa ba sila thankful na may gurong naglalakas-loob pang magturo sa amin.
"Quiet," nagsitigilan ang lahat ng biglang nagsaway si Lee Gregorio, kahit na makapangyarihan ang posisyon namin ay wala pa rin kaming panama sa may-ari ng pinapasukan naming unibersidad lalo na't siya ang pinakamayamang tao sa buong Asya, "Nahirapan kaming maghanap ng substitute na guro para sa inyo. So you should respect him. And besides, I will hire detectives in your section, sooner baka makita't makilala niyo na rin sila." sabi ng principal at nagpaalam na sa 'min. Lumabas na siya ng room at hindi na siya naabot pa ng paningin ko.
"Okay class, dahil first day ko palang ngayon. I will declare a free time, para naman maka-adjust ako sa inyo. Dahil pag-aaralan ko muna ang rules niyo dito at mga teaching lectures ng previous teacher niyo, all subjects." wika niya sa amin. Sinimulan niya nang ikutin ang room upang tignan ang mga wall posts and updates at nagbabad na siya ng pagre-resaerch para sa buong subjects namin.
Makalipas lang ang ilan pang oras ay narinig na namin ang pagtunog ng bell. Gaya nga ng sinabi niya, free time ang nangyari sa oras ng klase namin. Napag-alaman ko rin na asawa niya pala 'yung Mrs. Karen Xial na kulong-kulo ang dugo sa akin no'ng first day ng pagpasok ko dito. Pero tingin ko naman ay magkalayo ang ugali nilang dalawa, they have different attitudes and personalities. Saka mukhang mabait naman si sir Xial.
Naglalakad na ako papunta sa parking lot kung saan naka-park ang kotse ko, ngunit isang pamilyar na mukha ang aking nasilayan. Si Spike lang pala, mukha itong balisa habang nakatitig doon sa hawak-hawak niyang papel. Bahagya namang nagkasalubong ang aming mga mata kaya mabilis ko itong iniwas at itinuon ang aking atensiyon sa kotse na pupuntahan ko.
Nilihis ko ang aking tingin at direksiyon. Habang naglalakad ako, ramdam ko ang sumasalungat na hangin sa bawat hakbang ko.
Napahinto ako nang makitang may tumatakbo papalapit sa akin. Si Spike, siguro nagka-intensiyon siya na lapitan ako matapos magkasalubong ang aming mga tingin.
"O, Spike!" ani ko nang makalapit na siya sa akin. Ngumiti naman ito ng pilit kahit na bakas sa kanyang ikinikilos na may iniinda siyang iba.
"Huy, ano'ng problema mo? Bakit parang balisa ka diyan?" usisa ko sa kanya na ngayo'y parang natauhan na.
"Here, tingnan mo, nagkalat 'yan sa room. May naiwan kasi ako kaya bumalik ako sa room natin, at nakita ko puro kalat-kalat na papel ang nasa sahig. Pumulot lang ako ng isa since puro ganito naman ang nakasulat. Then v-in-acuum ko na lang 'yung iba." inabot niya sa akin ang papel na hawak niya kanina at binasa ko naman ito.
Fatality Gore and Hell. Hi! F, G, & H!
Sunod-sunod na iling ang napakawalan ko, nagsimula na ring tumulo ang mga pawis ko.
Hindi 'to pwedeng mangyari. Si--Aira!