Letter P - Fatality, Gore, & Hell

1005 Words
Letter P - Fatality, Gore, & Hell Third Person Halos ilang minuto pa lang na nakagapos ang kamay ni Aira sa lumang silya ay nagsimula nang magbalik-tanaw ang isip niya. Bago pa man siya mapadpad sa kalagayan niya ngayon, ay kanina lang siyang naglalakad papunta sa kinaroroonan ng kanyang kotse. Nawalan ito ng malay ng biglang may nagtakip sa kanyang ilong na may nakakahilong sensasyon. Dahilan kung bakit ito natumba at bumagsak ng ganun-ganon lang. Natigil ang pagbabalik-tanaw niya sa pangyayaring naganap kanina nang makarinig siya ng isang pagsipa sa pintuan dahilan upang bumukas ito. Habang papalapit pa lang ang salarin, ibinulsa na ni Aira ang isang papel na abala niyang ginawa kanina. "Kawawa naman kayong tatlo. Charlize, Austin, at ikaw Aira." ani ng dalaga habang naglalakad paikot sa mga biktima niya. Lumapit ito kay Aira at nagpadapo ng isang malakas na sampal sa pisngi nito. Tangan-tangan nito sa kabilang kamay ang chainsaw at kanyang pinaandar. "Buti nang mamatay ka!" winilda nito ang chainsaw at hinati ang katawan ng walang kalaban-labang si Aira. "Sagabal," dagdag pa nito. Hindi lubos maisip ng dalawang natitirang biktima kung papaano kumalag sa kalagayan nila, sapagkat batid nilang nalalapit na ang kanilang katapusan. Gaya ng nasa naisip nila, nilapitan sila isa-isa at pinaghahati sa dalawa. Someone Aalis na sana ako sa naturang lugar kung saan ko pinaghahati ang mga mangmang, nang makapansin ako ng nakausling papel sa bulsa ni Aira. Aba! mukhang may last words pa ang gaga. Ibinuklat ko naman ito upang mabasa. - Nakangiti ako nang matapos kong mabasa ang walang kwentang death note niya. Pinilas ko ang bahaging nakasulat na pangalan ko sa papel. Dahil wala namang saysay iyon, ibinalik ko ito muli sa kanyang bulsa, hinubad ko na rin ang gwantes na suot ko at lumisan sa lugar na iyon. Another succesed mission. Kate Nakakailang linggo pa lang ako dito, hindi ko akalaing sa maikling panahon na iyon ay marami ng nangyari, at mangyayari pa. Heto ako ngayon na kanina pa aligaga sa kakahanap kay Aira, gusto ko lang sana na ipakita sa kanya ang natanggap kong papel mula kay Spike. Nakailang tawag at text na 'ko sa kanya ngunit 'di siya kumikibo't nagpaparamdam. Nasaan na kasi siya? Balak ko pa sanang umidlip ng panandalian nang makarinig ako ng agam-agam ukol kay Aira, napabangon bigla ang ulo ko. "Totoo ba 'to? Tingnan mo! May nag-post sa sss group ng section natin." "God! Bangkay 'to nila Aira a!" Naikuyom ko ang aking palad dahil sa inis na kumukubli sa dibdib ko. Naging manhid na ang tainga ko at hindi ko na pinakinggan ang mga pinagsasabi nila. Matamlay akong napaupo sa aking silya nang makita ko sir Xial na pumasok sa loob ng room. May tatlo siyang kasama na bago sa aking paningin. Tatlong lalaki, na may mga angking hitsura. Naka-black hat at black suit ang mga ito at nakakakilabot tingnan ang mga hitsura nila, kapag sila'y nagseryoso. Nagsalita si sir bilang panimula. "Sila ang mga h-in-ire ni Mr. Lee Gregorio para sulbahin ang nangyayari dito." ani sir at ipinresinta sa 'min isa-isa ang mga detectives. "I'm Joshua Yuzon, 26 years old. Ako ang head ng grupo namin. Kami ang mag-iimbestiga sa mga mangyayari dito." he paused. "Then here's Jason, 24 years old." ani Joshua kasabay ang pagpapakilala sa kanyang kasamahan. "And last, it's Jayvee. 23 years old." malamlam naman nitong tinitigan ang dalawang babae sa likuran ko, sina Jilea at Francis Anne. "We're their cousins," Nakita kong parang may kinakausap si sir na mga lalaki sa labas ng room. Ilang sandali pa'y biglang may pumasok sa room na mga lalaki. May dala-dala silang mga kabaong. Ang sabi ni sir ay laman daw nito ang mga bangkay ng kaklase ko, magmula kay Jenna Atienza hanggang kay Aira. Maliban lang daw kay John Rey Dela Vega at kay Kyle Aris Bannha na sinabing nilibing na raw. Napatayo si Justin nang makita niya ang mga bangkay. Inilibot niya ang kanyang paningin sa bawat kabaong, napako naman ang kanyang mga mata nang mahagilap niya ang bangkay ni Aira. Kumuyom ang mga kamay nito. "Sit down, mamaya na tignan." wika ni sir, "Proceed now, detectives." Humakbang paabante ang isa sa mga ito. Si Joshua. "Who is the closest friend of this girl?" then he point out Aira. Itinaas ko ang aking kanang kamay. "Ako." sagot ko. As I expect, ako na naman ang sentro ng atraksiyon sa mga mata ng mga kaklase ko. "Saan kayo huling nagkita? How's that scenario?" wika 'nung Joshua. Naging blangko ang utak ko na walang natatandaan at hindi man lang gumagana. Napa-iling na lamang ako. "I only remember, nagkahiwaly na kami ng dadaanan." lost for words kong turan. Napatango-tango nalang si Joshua habang nagsusulat ng mga detalye sa isang notepad. Umabante naman si Jason. "I got a note sa bulsa ni Aira..." Binuklat niya ito at binasa. "Hindi ko inakalang ikaw ang nasa likod nito, magaling ka mag-ibang anyo. Sana magbago kana--" kumunot ang noo ni Jason ng makitang may punit ang papel, "May pilas ang papel, but there's a clue sa likod." "The alphabet killer is behind the alphabet letter." parang narinig ko na ito kung saan, 'di ko lang matandaan. Mayamaya'y nag-bell na rin. Recess na, ako lang ang kakain mag-isa. Wala na akong kasama. "We got to go," wika ni Jayvee "Bye students." Matapos nilang magpaalam, isa-isang lumapit ang mga kaklase ko sa mga yumao naming kaklase. Yung iba'y nauna nang kumain dahil sila raw ay nandidiri kung ito ang kanilang madadatnan bago kumain, yung iba naman ay hindi na ito tinignan pa dahil sa takot. Una kong nilapitan ang bangkay ni Aira, napaatras ako nang makita ang katawan nito. Muling nag-init ang ulo ko. Hati siya sa dalawa, bakas din sa mukha niya ang gulat at pamimiglas. Naikuyom ko ang aking palad, saka bumuntong-hininga. I must change myself in a new one. Tougher, stronger, and an independent person. Kailangan kong tumayo sa sarili kong mga paa. Hindi yung aasa-asa sa ibang tao upang makagawa ng desisyon. Galit ako kung sino man ang gumawa nito kay Aira. She's kind. Kaya wala siyang katanggap-tanggap na rason upang gawin niya ito sa kanya. Hindi sapat ang kamatayan para sa kanya, dahil sa dinami-dami ng kanyang kinitil na buhay, at kikitilin pa. Nararapat sa kanya ang matusta at malunod sa impiyerno. Isang misyon lang ang kailangan ko hanggang sa dulo. Ang manatiling nakatayo at manatiling humihinga. Salamat at nabago mo ako, Aira. "Aaahh!" sigaw ng isa kong kaklase matapos niyang buksan ang bodega. Pumalibot sa room ang isang masangsang na amoy. Another crime. Wala na si Aira, ako nalang ang mag-isa. Mag-isa ko 'tong susolusyonan. Sana magawa ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD