Letter Q - Too Much Love Will Kill You

762 Words
Letter Q - Too much love will kill you Kate Pinuntahan ko kung saan nanggaling ang sigaw. Isang pamilyar na babae ang nadatnan ko, Clarisse was murdered. Hiwa ang tiyan nito at makikita mo ang kanyang mga bituka. May butas din ang kanyang dibdib at nakalabas ang kanyang puso. Nakakadiri, isang demonyo lang ang kayang gumawa ng bagay na ito. Inakala ko dati na isa siya sa murderer, ngunit mali ako. Pinagmasdan ko siyang mabuti, bakas sa ekspresiyon ng kanyang mukha ang lungkot at gulat. Tila ba'y nakakita ng multo. Naninibago ako sapagkat parang kani-kanina lang e, seryoso ang lahat sa pag iinspeksiyon sa amin, tapos ngayon ganito na. Nahinto ako ng may nagkukubling duda sa isipan ko. Sinilip ko ang relos ko. 12:03 pm Kaduda-duda ang pagpatay kay Clarisse, masyadong mabilis ang pagpaslang sa kanya. Tatlong minuto pa lamang ang nakakalipas noong nag-bell, at imposibleng magawa ang bagay na iyon in less than five-minutes. Muli kong kinalikot ang utak ko. Hindi naman kaya, habang nag iimbistiga ang mga detectives e, pinapatay ng salarin si Clarisse? Someone Marahan akong umalis sa bodegang iyon noong nagsi-alisan na sila. Hahaha my plan worked! Isa lang naman kasing malaking bobo iyang si Clarisse. Alam kong may gusto siya sa akin noong una palang, kaya ginawa ko na itong pagkakataon kung sakali mang letra niya na ang kikitil sa buhay niya. Muli ko namang natandaan ang ginawa niyang katangahan. Nasa school kaming dalawa ni Clarisse, its 2:00 am to be exact. Mukhang kami palang yata ang estudyanteng narito. Wala rin siyang kaalam-alam sa malagim kong plano. "Kailan mo ba ako mamahalin?" wika ni Clarisse na nangingilid na ang kanyang luha. "Mahal kita, alam mo 'yun," dagdag pa niya. "Pero----" itinigil niya ang pag sasalita ko. "Pero ano? Na 'di ka pa ready, sawang-sawa na ako sa rason mo! Kailan mo ba akong matututunang mahalin?" she paused, "Ginawa ko naman lahat ng gusto mo diba? Ang maging masungit, suplada, maarte at kung anu-ano pang kawirdohan mo." kumawala ang kanyang luha at patuloy na bumuhos. Sinabi ko 'yon sa kanya para isa siya sa mapagbintangan na pumapatay. Baliw na baliw talaga ito sa akin. "Patapusin mo muna kasi ako," huminga muna ako ng malalim."I love you." nginitian ko siya ng malapad, at 'ayun ang mokong paniwalang-paniwala sa sinabi ko. Dinala ko siya sa isang bodega habang siya'y nakapiring, surprise kumbaga. Itinali ko ang kanyang kamay at paa sa silya. "Kailangan pa ba talagang gawin ito? Bakit pati paa tinali mo." singhal niya ngunit mababakas mo sa kanya ang saya. "Oo, mag tiwala ka lang sa akin." wika ko sa kaniya, ngumiti naman siya. "Okay," ani niya, tinanggal ko ang nakapiring sa kanyang mga mata. "Dito? Bakit naman dito?" inikot niya ang kaniyang paningin, "Sa bodega pa talaga, kaya pala ang init! Haha." "Alam mo ba kung bakit kita dinala dito?" nginisian ko siya. "Para sa surprise mo!" nakangiting wika niya. "Tama, at ito ang hindi mo makakalimutang supresa sa buhay mo." I paused, "Ang mamatay!" Itinuon ko ang kutsilyo sa tiyan niya at hiniwa. "B-bakit? M-mahal na--" aniya at bumagsak ang kanyang ulo patagilid, palatandaan na patay na ito. Kate Hindi na bumalik ang mga detectives dahil lulan na sila ng kanilang mga sasakyan na naka-arangkada na, maghihintay na lang kami ng dalawang araw bago muli silang bumalik, sapagkat bukas ay walang pasok. Ito'y sabado. Pinag-usapan nila sir Xial na i-move si Xavier Jherwin Mendoza bilang Vice President. Bagama't patay na ang Secretary at ang Auditor, ang Treasurer na lang ang pinakamalapit na puwesto para sa Vice President. Mas importante pa ba ang posisyon kaysa sa pinag-samantalahang buhay ni Clarisse. Kahit hindi maganda ang ipinakitang ugali sa akin ni Clarisse, nararapat ko pa rin siyang respetuhin, at mabigyan ng hustisya sa pagkamatay niya. Mayamaya pa ay nagsalita agad si Tess, heto na yata ang iaanuns'yo niya sa planong binuo nila Xavier kanina. Sinilip ko ang board sa nakasulat. Operation: "Stop The Curse" - Naanuns'yo na nila Tess at Xavier ang gusto nilang sabihin. Sinulatan nila ang buong blackboard ng mga letra, Consecutive alphabet from A-Z. Sa kada letra may larawan namin na nakadikit. From A-I nilagyan nila ito ng ekis, dahil sila'y mga namayapa na. "As we notice guys, alphabetically ang pagpatay sa klase natin based on our surname." Tess paused. "E bakit kay Charlize Cabanag. Hindi umakma ang pagpatay sa kanya? It's almost on letter F-H, ang layo sa letter C," tanong ng isa kong kaklase. "Pati kami naguguluhan din doon, but don't worry we will investigate for that." wika ni Xavier at ngumiti ng malapad. - Marami pang katanungan ang ibinato ng mga kaklase ko. Gayonpaman, naliwanagan naman sila matapos ang mahaba-habang diskusyon. Papauwi na sana ako ng may makitang nakatiklop na puting sobre sa bulsa ng bag ko. Binasa ko naman kung kanino galing ito. Ngunit isang pa-unang mensahe lang ang nakita ko. Foreign language. Au Revoir
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD