Letter R - Relationship

758 Words
Letter R - Relationship Kate Au revoir Parang narinig ko na ang ganitong uri ng salita sa previous school ko, may kaklase kasi ako dati na nagfe-French, at lagi ko itong naririnig tuwing umaalis siya. Dinukot ko ang aking cellphone mula sa aking bulsa, and then I search for google. Nilagay ko ang paunang-mensahe na nasa sobre at tr-in-anslate ito sa wikang Ingles. Goodbye Huminga ako ng malalim sa aking nabasa, another crime note. Malakas ang hinala ko na pakana ito ng killer. Natatakot akong buksan ang sobre sapagkat ayaw kong malaman ang gagawing hakbang ng nasa likod ng lahat ng ito. Hindi ko kung ito ba ay totoo o isa na namang kasinungalingan. Ngunit nanatili sa utak ko ang kyuryusidad. Nanginginig ang mga kamay ko habang unti-unting binubuksan ang sobre, nakadagdag pa sa tensyon nang biglang may humawak sa likod ko. Nilingon ko ito, si Spike lang pala. Agaran kong itinago sa aking likod ang sobre at napakamot sa ulo. "O, ikaw lang pala. Anong kailangan mo?" tanong ko sa kanya, nagtataka ako dahil lagi nalang siyang sumusulpot na parang kabute. "Ito, naiwan mo." wika niya sabay bigay sa akin ng notebook ko, nginitian niya ako ng malapad. Inabot ko naman ito isinilid sa bag ko. "S-salamat," gumanti rin ako ng ngiti, "Una na ako, may gagawin pa kasi ako e." wika ko at nagmamadaling pumunta sa aking kotse. Masyado akong nai-stress sa nangyayari, bagama't hanggang ngayon ay hindi ko pa rin tanggap ang pagkamatay ni Aira. Hindi ko rin alam kung sino-sino ang dapat na pakikisamahan at pagkakatiwalaan ko. Bubuksan ko na sana pinto nang makarinig ng sitsit sa paligid ko, luminga-linga ako upang malaman kung saan ito nanggagaling. "Nandito ako," napalingon ako sa gawing likuran kung saan ko narinig ang boses na 'yon. "Its Justin," malamyang wika niya. Mukhang may kakaiba rin sa isang 'to dahil hindi siya palakausap. Dati'y lagi lang siyang seryoso at tahimik. Kapansin-pansin din ang malungkot na hilatsa ng mukha nito. Napahilamos ko nalang ang aking palad sa mukha ko dahil ang wiwirdo ng mga nangyayari. "Ikaw lang pala," kaswal kong sabi, "Ano namang kailangan mo?" Nakita ko namang may dinukot siya sa kanyang bulsa. "Do you still remember this?" isang black envelope ang kanyang inilabas. Iyan 'ata yung itim na sobre na nakita naming su-sway pababa noong pinuntahan namin yung bangkay nila Gemryll at ni Sean. Tumango na lamang ako biglang pagtugon. "Buksan natin?" wika niya na akmang bubuksan nga ang itim na sobre. "Tutal, wala na si Clarisse." napayuko pa ito ng mabanggit ang huli niyang sinabi. "S-sige," Dahan-dahan niyang tinuklap ang bahaging nagdidikit sa sobre, at tuluyang binuksan ito. Binasa niya naman ang nakalakip na sulat, pinakita niya rin ito sa akin. A - B - C - D - E- F- G- H- I- () U - V- W - X - Y and Z. Mukhang may naiisip na namang gawin ang salarin sa amin. Hindi pa ba siya tapos?! Nakita kong hinalughog niya nang mabuti ang sulat. "May note pa pala," nakangising wika niya at muli itong pinakita sa akin. 'NOTE: Alam mo ba kung bakit ko pinatay ang ibang letra? hinahadlangan kasi nila ang I at U.' Tumaas ang mga balahibo ko sa binasa niya. Sabi na nga ba, papatayin ng salarin ang mga letrang nilaktawan sa sulat. Nakita ko namang nag-init ang ulo ni Justin. "Damn! Hindi pa ba siya nakukuntento?" huminga siya ng malalim. "Kapag nalaman ko lang talaga kung sino ang may pakana nito, I will kill him or her too." Tinitigan ko nang mabuti si Justin. "Anong meron? Ba't parang beastmode ka masyado."  Nanlisik ang kanyang mga mata at pinangigilan niya ang kanyang palad. "They. Killed. Aira!" "Naiinis din naman ako dahil walang awa nilang pinaslang si Aira." mukhang natigilan siya matapos kong sabihin iyon. Pero may nagkukubli pa rin sa loob niya, at nangingilid ang kanyang mga luha sa mapupungay niyang mga mata. "She's my girlfriend," napanga-nga na lamang ako sa sinabi niya. "Aira is my girlfriend..." he added then his tears fell down. "S-sorry," nakayukong wika ko. "Hindi ko naman alam na gan'on pala," Nanitili pa rin siyang nakayuko habang pinupunasan ang mga tumutulong luha galing sa mga mata niya. "O-ok lang, nagmukha pa tuloy akong bakla sa paningin mo." ani niya atsaka ngumiti ng peke. "Alam mo, mas nagmumukha kang lalaki kapag inilalabas mo iyang emosyon mo," wika ko sa kanya. "Kaysa sa tinatago mo iyan, na parang duwag." "S-salamat," nginitian niya ako. Nagkaroon pa kami ng mahabang kuwentuhan hanggang sa pagkagat ng dilim. Marami rin kaming pinag-usapan tungkol sa mga bagay-bagay. Nagakagaanan at nagkapalagayan na rin kaming dalawa ni Justin ng loob. Hindi naman pala siya ganoong kasungit. Napatigil naman kami sa pagkukwentuhan ng sabay na may mag-text sa amin. From: Sir. Xial Students, huwag kakalimutan ang 2-day field trip bukas. Magkita-kita nalang tayo sa gymnasium. 3:30AM. Magkakaroon tayo ng camping sa Evertrame campsite. Ihanda niyo na ang mga gamit niyo. Bye students, bawal ang ma-late kung ayaw niyong maiwanan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD