Letter S - Field Trip: 1.0

1024 Words
Letter S - Field Trip: 1.0 Kate Alas-tres na ng umaga, nang makarating ako sa gymnasium. Naka-ready na rin ang bus na sasakyan namin. Nakabalandra ito sa harap ng gymnasium na animo'y nagtatawag ng pasahero. Marahan kong binuksan ang pinto ng bus, at ipinatong ang aking paa sa hagdan nito pa-akyat sa loob. Nakatingin na naman ang mga mapakantyaw na mata ng aking mga kaklase, tila ba'y 'di ako welcome sa trip nila dahil baka daw malas ang presensiyang idinudulot ko. Inirapan ko naman ang mga ito at tumuloy papasok sa loob. Mukhang ako na nga lang yata ang kulang. Napukaw naman ng aking paningin si Justin na sinesenyan ako na umupo sa tabi niya. Nakayuko akong tumabi sa kinaroroonan ni Justin. Nasa ikatlo sa unahan ang upuan niya, kaya masasabi kong magandang puwesto ang kinalalagyan ko. Bigla nalang um-audio ang speaker. "Okay class, aandar na tayo, wear your seatbelts properly." may awtoridad na sabi ni sir. Xial sa amin. Sinunod ko naman ito, pati na rin ng mga kaklase ko. Justin Nagsimula nang umandar ang bus na sinasakyan namin. Isinalampak ko ang earphones ko sa aking tainga dahil nakaka-bored naman kung titingin-tingin lang ako sa bawat lugar na madaraanan ng bus na 'to. I always needed time on my own I never tought I'd  Need you when where I cry And then the days feel like years when I'm alone And the bed where you lie Is made up on your side. Naputol ang diwa ko sa kanta nang may nagtanggal ng isa sa mga earphones ko. "Uso mag-share," asik ni Kate. Lately, lalo kaming naging mag-close. Dahilan upang matulungan niya akong maka-move on kay Aira. "May earphones ka kaya!" pabulong na sigaw ko sa kanya. "Ang daya!" aniya, saka nginitian niya ako ng nakakaloko. Ibinaling ko na lang ang aking tingin sa ibang direksiyon kahit na sa loob-loob ko, 'di na nito kinakayanan ang mga nagsisigabong ngiti ng mokong na ito. Muli kong inilagay ang earphones sa tainga ko. When you walk away  I count the steps that you take  Do you see how much I need you right now? Naiisip ko ang bawat sandali na kasama ko si Aira, kahit na kailangan ko pa rin siya magpasa ngayon, gusto ko lang magpasalamat sa mga tulong at pagmamahal na ibinigay niya sa akin noon. When you're gone The pieces of my heart are missin' you When you're gone The face I came to know is missin', too. Nagulat ako noong pinadalhan niya ako ng sulat 'nung una pa lang, dahil alam niyang dadaan din daw ang pangyayaring pagkawala niya. Kaya tutuparin ko ang huling habilin niya sa akin, ang protektahan si Kate. When you're gone All the words I need to hear To always get me through the day And make it okay... I miss you... Hindi kita bibiguin Aira. Muling napatilapon ang aking diwa nang maramdamang nakatulog si Kate sa aking lap. Dahan-dahan ko namang hinubad ang aking jacket at itinapal sa kanyang likuran. "Sleep well, Kate." mahinang banggit ko. Kate Napabangon ako nang makitang lumaon ang aking pagtulog sa hita ni Justin. Napansin ko rin ang jacket na suut-suot niya kanina na ngayo'y nakatapal na sa likod ko. Marahan ko namang ibinalik ito sa kanya. Sinampal ko nang mahina ang aking pisngi. Is it a dream? Seriously? Humiga ako sa hita niya at tinapalan niya pa ako ng jacket. Muli kong sinampal nang mahina ang aking magkabilaang pisngi, na ngayo'y namumula na. Kung totoo man ang milagrong ito... ano naman ang nakain nitong lalaking 'to? Pinagmasdan ko siyang mabuti. Kayakap niya ang kanyang sarili na halatang giniginaw. Tulog pa rin ito ngunit bahagyang nakangiti ang kanyang mapulang labi, na tinernohan ng maamo niyang mukha. Um-audio muli ang speaker dahilan ng pagka-alimpungat ng lahat. Dahilan din ng pagkagising ni Justin. "Students," ani ni sir 'tsaka tina-tap ang microphone, para makakuha ng pansin. "'Andito na tayo sa Evertrame campsite. Prepare your things now." Tumingin kami lahat sa bintana, halos lumuwa ang aking mga mata dahil sa napakagandang lokasyon na tinahak namin. Malawak ang damuhan nito, na nagmistulang ube at keso dahil sa kulay lila at dilaw ng mga damo. Matapos naming mag-impake ng mga gamit, pinababa agad kami ni sir para sa diskusyon. - Marahan akong umupo sa mga damo, ramdam ko ang pag dampi ng malalambot na damo sa aking binti na nagmistulang mga bulak. Para din itong bermuda grass ngunit mas malambot ito at kakaiba ang kulay. "Students," wika ni sir atsaka iniikot ang kanyang paningin. "This camping was already paid. Bayad na ito sa pamamagitan ng inyong tuition fee." He paused. "Itong activity na'to ay ni-launch para ma-enhance ang inyong pagiging self-independent." Itinaas ni sir Xial ang kanyang kanang kamay at saka w-in-ave ito. "Bye students! Don't worry babalik kami diyan after 2 days." ani sir habang lulan na siya ng kanyang kotse. Natuod nalang kami sa aming kinatatayuan, habang pinagmamasdan na makalayo ang kotse ni sir Xial. Napa-face palm nalang si Tess at si Xavier pati si Justin. Hindi naman kasi kami inabisuhan na ganito pala ang kahihinatnan. "But, look oh, iniwan naman sa atin yung bus." sabi nung isa kong kaklase, si Irish Javier. "Ok classmates, sabi sa akin ni sir kanina na may nakahanda na diyan na camping tent. Paki-check niyo na lang kung saan ang tent niyo, may pangalan naman diyan na nakasulat." wika sa amin ni Tess. Dumayo naman ako sa lugar ng mga camping tent at ch-in-eck ang akin. Irish Iche-check ko na sana yung tent ko ng matandaan kong may naiwan pala akong gamit sa bus. Nasa loob na ako ng bus at kasalukuyang hinahanap ang gamit ko. Bandang likod ang aking puwesto kaya medyo nahihirapan akong maghanap. Nakita ko ang naka-usling gamit ko na kanina ko pa hinahanap, hinablot ko naman ito. "Finally nakita rin kita earphones ko!" wika ko sabay pakawala ng isang matamis na halik sa aking earphones. 'Di kasi ako nakakatulog pag hindi ko 'to suot, "Music is my stress reliever--" Nakaramdam ako ng saksak sa aking likuran. "Gano'n ba? Go to sleep," ramdam kong wika niya. "Then killing is mine." Someone Nagpadapo ako ng isang saksak sa likuran ni Irish at pinilit na ibaon ito sa kasukdol-sukdulan. Alam kong earphones ang bumubuhay sa kanya, at napansin kong naiwanan niya iyon. "Gano'n ba? Go to sleep," mahinang wika ko, "Then killing is mine," Tinanggal ko ang buton ng blouse niya bahagya at marahang hinawakan ang kanyang dibdib. Itinutok ko ang kutsilyo sa dibdib niya at binaon ng dahan-dahan, nang makagawa ako ng butas, agaran kong dinukot ang kanyang puso na kasalukuyang tumitibok pa. Umaagos sa kamay ko ang masaganang dugo nito. "And blood is my happiness..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD