Epilogue ½ - Flashback Jane (Kate's mother) Umuwi agad kami matapos ang nagyari... naka-upo kami ni Kate sa sofa ng bigla siyang nagsalita. "Ma, totoo bang may kapatid ako?" Napayuko na lamang ako sa tinanong niya. Alam kong matagal ko nang itinago ito sa kanya, at nalaman niya pa ito sa ganoong sitwasyon, "Oo, si Tess," "Paano naman iyon nangyari?" bakas sa kanyang mukha ang labis na pagtataka, huminga muna ako ng malalim saka sinubukang ikuwento sa kanya. "Isa akong transferee noong fourth year ako, napunta ako sa star section. Section namin lagi ang tinitingala, bukod sa may mga hitsura ang mga estudyante rito, mayroon din silang angking talino. Pero mga ilang araw lang 'nung nagtransfer ako 'dun, sunod-sunod na agad ang pagkamatay namin sa klase. Alphabetical ang pagpatay sa amin,

