Final letter Z - Relation Kate "Hahaha..." Nagtinginan kami nila Justin at Spike, nagtataka kung bakit siya tumatawa gayong napapalibutan na siya ng mga baril. "Do it," nakangising turan ni Tess, akmang kakalabitin na nila Jason ang trigger ng baril ng biglang may naunang nagpaulan sa kanila ng bala kaya sila ang natumba. May nahagip naman akong anino malapit sa pintuan, siya siguro ang bumaril sa mga detectives. Siya rin siguro ang kanina pang hinihintay ni Tess. Napansin kong lumuluha sina Jilea at Francis Anne habang pinagmamasdan ang duguan nilang mga pinsan. Kuyom ang mga kamay nito at rinig ang kanilang paghikbi kahit na may tape pang nakatapal sa kanilang bibig. Mayamaya isang lalaki ang lumapit kay Tess. Tangan-tangan niya ang isang baril na tumapos sa buhay nila Jason. Sinili

