Letter Y - The killer/s Kate Nakatitig pa rin ako sa pugot na ulo nina Karen at Bench. Kitang-kita ko ng malinaw ang buong nangyari dahil katabi ko lang sila. Hindi ako makapaniwala na si Tess ang may pakana nito. Yung mga ngiti niya kanina, tuwang-tuwa siya habang dinadama ang mga mapupulang dugo na umaagos sa kamay niya. Malayong-malayo sa Tess na kilala ko noon. Nararapat na rin yata na kalimutan ang mga ginagawa niyang pagkukubli noon. Kailangan kong harapin ang kasalukuyan, kasalukuyang papatay sa amin. Nagpakawala na naman siya ng matatalim na ngiti at nilingon niya si John Rey. Nagulantang na lamang kami ng dinukot niya ang kutsilyo sa kanyang bulsa saka pinagsasaksak si John Rey. Hindi ba't kakampi niya ito? Bakit niya 'yun nagawa? Paano? Sa paanong dahilan? Nasaksihan ko ang

