Letter W - We got them Spike Nag-aalangan akong sabihin sa kanila yung nalalaman ko baka hindi nila ako paniwalaan at baka ako pa ang pagbintangan nila. Hindi mapapatunayan ng mga salita ko kung sino talaga ang napatay, kailangan ko ng ebidensiya. Marami pang ebidensiya. "Sino?" nakatingin sila lahat sa akin nag-hihintay sa pangalan na sasabihin ko. "W-wala-," Biglang nalukot ang kanilang mga mukha sa sinabi ko. "Sorry.." Napa-iling nalang sila sa sinabi ko, pero kung ako ang tatanungin kung sino ang isa sa killer? Masasabi kong si Louie 'to. Dahil ang singsing na napulot ko ay alam kong kan'ya, at bago ko mapansin na nawawala si Xavier ay may naririnig ako sa tent niya ng alitan at tunog ng pakikipagsuntukan. Sa sinabi ko ay napahupa ko ang komosyon at tensiyon. Matapos noon pinapas

