Letter V - Servings Kate 10:48 AM "Waaah!" napabalikwas agad ako ng tingin, sina Jilea at Francis Anne lang pala. Tuwang-tuwa habang kinakalikot ang Cellphone nila. "Anong meron?" tanong ng isa kong kaklase si Bench. "May signal na!" Wika ni Jilea habang patuloy pa ring kinakalikot ang kanyang cellphone. Kaya agad namang nagsilapitan ang mga iba pa naming kaklase, mukhang gayon na lamang ang pananabik nilang maka-uwi. Biglang namang sumingit si Francis Anne, "May na-receive akong message susunduin na raw tayo mamayang hapon nila kuya Jayvee!" Bigla kong naalala pinsan pala nila yung mga detectives. Kani-kanilang hiyawan at pasalamat sa Diyos ang mga kaklase ko, nagmasid akong maiigi wala akong nakikitang nagagalit, walang bakas ng pagkainis. Kahit kailan talaga ang galing niya magkub

