Nakatulog na si Joshua dahil sa pag iyak. Umuwi narin naman na sila dahil ayaw na nitong gumala pa.
“Sir ito po yung kape na pinatimpla mo.”
Inilapag ito ni Amelia sa table.
“Tulog parin ba si Joshua?”
Tumango siya bago sumagot. “Oo sir, baka napagod din po. Paniguradong mamaya maaayos na ulit si Joshua. Nasaktan lang talaga yung bata sa nangyari kanina.”
“Siguro kapag hindi ako nakakadalo sa mga school activities niya ay tinutukso rin siya.” Pagak na natawa si Jace. “Hindi ko naisip na baka na bu-bully siya sa school.”
“Sir pwede pa naman bumawi hindi pa huli ang lahat. Ngayon na alam mo na sana maging supportive kana kay Joshua, at sana active kana sa pakikipag bonding sakaniya. Kasi sir ikaw nalang naman ang inaasahan niya.”
“Yeah, tama ka Amelia.” Napabuntong hininga pa si Jace. “Mabuti nalang talaga at nandiyan ka para sa anak ko. Salamat sa pag pa-pagaan mo sa loob niya.”
“Sir mahal ko po si Joshua. Napalapit na po s'ya sa akin kaya palagi po akong nasa tabi n'ya.”
“Amelia, pwede bang pabayaan mo nalang muna si Joshua na ituring kang pangalawa niyang ina? Kung saan mas ga-gaan ang pakiramdam niya sana wag mong ipagkait sakaniya.” Pakiusap ni Jace sakaniya.
“Oo naman sir, parang ang unique nga po kung Mommy ya ang itatawag n'ya sa akin.”
********************
Bandang Hapon ay tumawag si Natasha kay Jace. Wala sana siyang balak na umalis ngunit nakiusap si Natasha na baka pwede siyang makasama mag shopping.
“Pansin ko kanina ka pa tahimik may problema ba?” Nag walalang tanong ni Natasha.
“Yeah, na bully kasi si Joshua kanina sa park.”
“What? Hindi pwede ang pambu-bully kahit kapwa bata! Gusto mo bang i-report natin? May kilala akong lawyer, pwede natin na ipatawag ang parents ng mga batang iyon.”
“Ayos na, maayos naman nai-handle ni Amelia. Nasa bahay na si Joshua nag pa-pahinga. Salamat nalang at talagang malapit si Joshua kay Amelia kaya kahit paano gumaan ang pakiramdam ni Joshua.”
“You mean, the Yaya?”
“Oo, bakit?”
Oo nga pala may hindi pagkakaunawaan ang dalawa.
“Kalimutan mo nalang ang tungkol sa nangyari nung lasing ako. Binilin ko kasi si Amelia na ako lang ang susundin niya dahil ako ang nag pa-pasahod sakaniya.”
Napairap si Natasha. “I know, pero still I don't like her attitude Jace. Napakawalang galang samatalang Yaya lang naman.”
“At ang Yaya na minamaliit mo ay malaki ang naging tulong sa anak ko Natasha,” umiba ang tono ni Jace. “Kaya sana careful sa mga binibitawang salita.”
“Sorry, pero nakakainis kasi eh. Nga pala pwede ko bang madalaw si Joshua? Bilhan ko sana siya ng gifts ngayon. Gusto ko rin naman maging close sa anak mo Jace. Nag aalala din ako para kay Joshua.”
“Sure,” tipid niyang sagot.
Kaya matapos ang shopping ni Natasha ay dumiretso na sila sa bahay niya.
Dinatnan nila si Joshua at Amelia na naglalaro ng video game sa sala. Inilipat pala ito ni Amelia sa sala. Napangiti siya bago nilapitan ang anak. “Son, kamusta ang pakiramdam mo?”
“Ayos na Dad.”
“Hello,” lumapit din si Natasha.
*************
Samantala si Amelia ay hindi inaasahan na kasama pala ni Jace si Natasha.
Inirapan siya nito ng pasimpleng ng mag tama ang mata nila.
Naamoy na naman tuloy niya ang pagmamaldita nito.