“Dad sino po s'ya?” Takang tanong ni Joshua sa ama nito.
“Si tita Natasha mo.”
Ipapakilala na ba ito ni Jace? Pinopormahan ba talaga ni Jace ang babaeng ito?
Madaming tanong si Amelia sa isipan niya. Napailing na lamang siya bago tumayo at nag paalam na ku-kuha ng maaaring mainom ni Natasha.
“Mommy ya,” sumunod si Joshua. “Sama ako.” Nakahawak ito sa laylayan ng damit niya.
“Pero ku-kuha lang ako ng maiinom ni ma'am Natasha dito kana lang muna Joshua.” Nakangiti niyang sabi.
“Joshua dito kana muna may gift akong binili para sa'yo. Hayaan mo muna ang Yaya mo,” sabat ni Natasha.
“I don't like gifts po, sorry.”
“Sayang naman itong binili ko.” Nalungkot si Natasha habang nilalabas ang laruan.
“Joshua, sayang naman binili ni ma'am. Bakit kaya 'di mo muna tignan? Dapat mag pasalamat ka kasi may taong naisip kang regaluhan.”
Napangiti si Amelia ng sumunod naman ito. Dumiretso na siya sa kusina. Juice nalang ang tinimpla niya kay Natasha, at habang nag ti-timpla ay hindi mapigilan ni Amelia na isipin kung may relasyon na nga ba ang dalawa.
E, ano bang pake n'ya? Wala dapat siyang pake kung may relasyon na ang dalawa. Napailing-iling si Amelia sabay buntong hininga. Bumigat bigla ang pakiramdam niya sa 'di niya malaman na dahilan.
“Where's my juice? Kupad mo naman.”
Napasulyap siya kay Natasha na sinundan pala siya sa kusina.
“Ito po ma'am,” inabot niya ito.
Ngunit hindi niya inaasahan na isasaboy ito sakaniya ni Natasha. “Ano nagising kana ba sa imagination mo?”
“Ano bang problema mo sa akin ma'am?” Pigil na pigil si Amelia na masaktan si Natasha.
“Problema ko? Problema ko sa'yo masyado kang malapit sa mag ama, baka nakakalimutan mo Yaya kalang? At isa pa, bakit Mommy ya ang tawag ni Joshua sa'yo? Mahiya ka naman. Boss mo si Jace kaya umakto kang katulong pati sa anak n'ya. Naiirita talaga ako sa'yo nung gabing nakipag matigasan ka sa akin. Sinabihan na kita na kilalanin mo ang binabangga mo. Ngayon na hindi ka nakinig. Ako mismo ang mag lalagay sa'yo sa kung ano lang dapat ang puwang mo sa bahay na ito.”
“Pinagseselosan mo ako kay sir Jace? Minamaliit mo ako pero pinagseselosan mo din ako? Sobrang bother ka siguro noh? Kasi nga hindi ka pa naman talaga totally nakakasiguro kay sir Jace. Ma'am Natasha, sa ugali mong iyan lumalabas na si sir Jace lang naman ang gusto mo. Sana pati kay Joshua may care ka din. At imbis na atupagin mo ang pagseselos bakit 'di mo nalang isipin paano ka mapapalapit sa bata?”
“Ayaw kong may asungot na umaaligid sa magiging asawa ko.”
“Goodluck po ma'am.” Nakangiting sagot na lamang ni Amelia bago ito akmang la-lagpasan dahil malagkit na ang damit niya sa isinaboy nitong juice.
Ngunit hinawakan siya ni sa braso. “Hindi mo anak si Joshua kaya tigilan mo ang pagiging ganap na ganap mo. Kahit pa lola n'ya matatawa kapag nalaman na masyado kang pabida.”
“Hindi ko nga s'ya anak, pero totoo ang care ko sa bata. Habang ikaw si sir Jace lang naman ang habol mo kaya pinagtiisan mo si Joshua. Mapag balatkayo ka masyado ma'am Natasha,” inalis niya ang kamay nito sakaniyang braso bago ito iniwan sa kusina.