CHAPTER 18

613 Words
Ilang araw ang lumipas simula ng mag punta si Natasha sa bahay ni Jace at makompronta siya nito ay tahimik lang siya palagi. Hindi parin naman nag bago ang pagmamahal niya sa bata pero iniiwas na niya ang kaniyang sarili kay Jace. Mas magandang umiwas nalang siya upang 'di na siya pag initan pa ni Natasha. “May party kaming pu-puntahan ni Joshua at gusto niyang sumama ka.“ “Ah, sir Jace may mga gawain pa po ako. Kausapin ko nalang si Joshua na kayo nalang at sana makapag enjoy kayo sir.” Agad na nag dahilan si Amelia. Napakunot ang noo ni Jace bago siya nito tinitigan. “Pansin kong umiiwas ka. Kahit sa pagkain nahuhuli ka, at nag simula lang ito nung nag punta dito si Natasha. May hindi kaba sinasabi sa akin Amelia?” “Wala sir, baka guni-guni mo lang po sir hehe. Sige sir may ginagawa pa po kasi—” Pinutol siya ni Jace sa sinasabi niya. “Sumama ka.” “Sorry talaga sir pero hindi po ako makakasama.” Tinalikuran na siya nito at hindi na nag pilit pa kaya naman nakahinga na siya ng maluwag. ***************** “Mommy ya, bakit hindi ka sasama?” Malungkot na tanong ni Joshua kay Amelia. Paalis na sila at ihinatid nito si Joshua sa kotse. “Pasensya na Joshua, bawi nalang si Yaya Amelia kapag hindi na masama ang pakiramdam ko.” Masama ba pakiramdam nito? Napairao si Jace. Kasi sa tingin niya hindi naman masama pakiramdam nito, parang ayaw lang talagang sumama. Napansin rin niya na halos ayaw siya nitong kausapin. Naiinis siya kasi 'di naman niya alam ang dahilan at wala rin naman siyang ginawa kay Amelia. Birthday ngayon ni Natasha pero wala siyang gana dahil hanggang ngayon si Amelia parin ang iniisip niya. “Thanks for coming Jace.“ Nakipag beso si Natasha sakaniya. “Joshua, enjoy ka sa food and kapag may gusto ka sabihan mo lang si tita Natasha.” “Okay po.” ***************** Napabuntong hininga si Amelia. Bakit ba iniisip niya nararamdaman ni Jace? Dapat nga nararamdaman niya ang isipin niya kasi nilait-lait lang naman siya ni Natasha! Gabi na ng dumating ang mag ama. Pinadiretso na niya si Joshua sa silid upang makapag bihis na ito at makapag pahinga na. Si Jace naman ay nakainom daw at dumiretso na sa silid nito. “Nag enjoy ba kayo doon Joshua?” “Si Daddy po tahimik lang eh. Nakakaenjoy po ang foods, pero sana kasama ka namin Mommy ya.” “Sus! Bonding ninyo nila tita Natasha iyon eh. Ayaw ko naman na makisali pa ako Joshua.” “Pero mas masaya kami ni Dad kapag kasama ka. Ikaw kaya ang gusto kong Mommy at hindi si tita Natasha. Mommy ya, paano ba kita magiging Mommy?” “Joshua Yaya mo ako. Hindi mo ako magiging Mommy kasi hindi naman kami kasal ng Daddy mo at wala din kaming relasyon.” “Bakit hindi nalang kayo mag pakasal Mommy ya?” “Kasi hindi naman n'ya ako gusto. Ang nag pa-pakasal lang Joshua e, yung may relasyon at nagmamahalan. Si ma'am Natasha s'ya ang pwedeng maging Mommy mo.” “Ikaw ang gusto kong Mommy. Sana ikaw nalang magustuhan ni Daddy ko.” Pinatulog na ni Amelia si Joshua. Lumabas na muna siya dahil hindi pa siya inaantok, pero pag sarado palang niya sa pinto ng silid nila ni Joshua ay may humila na sakaniya sa silid ni Jace. “Sir J-Jace?” “Kanina pa kita gustong makita. Hinihintay kitang lumabas Amelia.” Malakas ang t***k ng puso ni Amelia. Ito na naman siya sa abnormal na heartbeat n'ya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD