CHAPTER 19

593 Words
“Ssssh, don't be scared Amelia.” “Sir hindi po tama ang ginagawa mo. Yaya po ako ng anak mo at hanggang doon lang po.” “Bakit ba minamaliit mo ang sarili mo? Bakit mo ako iniiwasan? Naiinis ako Amelia, nag o-overthink ako kung may nasabi ba ako o may nagawa ba ako?” “Sir bakit ba mahalaga pa sa'yo na malaman kung iniiwasan kita? Gusto ko lang po dumistansya dahil inilulugar ko lang po ang sarili ko.” Iniwas ni Amelia ang kaniyang mata dahil tila ba napapaso siya sa tingin ni Jace. “Mahalang malaman ko para alam ko kung ano ang nagawa ko sa'yo. Bakit ka biglang umiwas?” “Sir pinag tri-tripan mo ba ako? Kasi kung oo sana naman itigil mo. Kasi hindi ako gaya ng ibang babae na nakakasalamuha mo. Igalang mo naman ako sir kasi ginagalang kita bilang amo ko.” “Pinag tri-tripan? Iniisip mong trip lang kita?” Pagak itong tumawa. “Gusto na nga yata kita. Kanina pa ako parang mababaliw ka-kaisip kung bakit bigla kang lumalayo, baka isang araw gumising nalang ako na ayaw mo na sa amin. Ikaw naman may kasalanan nito eh. Bakit ba naging malapit ka sa amin? Pinaramdam mo na mahalaga kami sa'yo ng anak ko that's why—” Pinutol na ito ni Amelia. “Sir gusto mo ako? Gusto mo ang Yaya ng anak mo? Sir katulong lang ako dito. Si ma'am Natasha po. Bakit po hindi nalang si ma'am Natasha?” “Hindi ko alam,” napabuntong hininga si Jace. Nakatitig parin ito sakaniya. “Hindi ko alam bakit biglang ikaw na ang tinitibok ng puso ko. Dahil sa'yo nagulo ang puso't isipan ko.” “Lasing kalang sir.” Kagaya lang din ito nung una tapos kinabukasan wala na, limot na ulit ni Jace. “That night when I kissed you Amelia. Tandang-tanda ko pa iyon. Hindi ko lang masabi kasi pinaniniwala ko sarili ko na wala lang iyon, baka naakit lang talaga ako.” Nanlaki ang mata ni Amelia. Hinayaan lang niya si Jace na mag salita dahil wala rin naman siyang masabi. “Pero sabi mo—” “Dahil hindi ko alam kung ano ba talagang sumapi sa akin nun kaya kita hinalikan, pero ngayon alam ko na.” Akmang ha-halikan siya ni Jace ng pigilan niya ito dahil nag da-dalawang isip si Amelia. “Ngayong umamin ako wala na akong pag-asa?” Pero paano si Natasha? “Tingin mo na napakadali lang ng lahat na pag amin mo, okay na? Pasensya na pero hindi ganun kadali ang lahat.” “Rejected ba ako?” “Kung sa ganitong paraan mo ako ku-kuhanin sir oo, pasensya na pero oo rejected ka sir. Sir si Natasha umaasa s'ya kaya dapat siguro ayusin mo muna. Dahil hindi ako bantay salakay sir, at lalong hindi ako opurtunista.” “Sorry,” niyakap siya ni Jace. “Hindi ka naman aalis di'ba?” “Hindi ako aalis,” hinaplos niya ang buhok ni Jace. “Pahinga kana sir.” Sumunod naman ito sakaniya. Bumalik na si Amelia sa silid nila ni Joshua. Kinabukasan ay normal na araw parin para sakaniya kahit na wala talaga siyang tulog. Pinaghanda niya ng almusal ang mag ama. “Good morning.” Napasulyap siya kay Jace. “Morning sir, breakfast ready na po.” “Can you call me Jace? Amelia,” napabuntong hininga pa ito. “I just want you to know that I'm dead serious.” Nasamid si Amelia dahil saktong umiinom siya ng tubig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD