Simula
Simula
If there's a law that governs love, will the supreme being that created the universe, find us guilty of being a fool for believing that love only comes once in a lifetime?
Siguro ako, oo. Siya? Hindi ko na sigurado.
With my five-year-old son sitting on my lap, holding his piggy bank he wanted to give to his Dad once they meet, I bit my lower lip to hold back my tears. Konnar thought his father just went abroad to earn money, so he saved up every coin he receives.
My son who looks completely like his Dad, saved his treats money so his Dad wouldn't have to work hard abroad anymore to earn a living. Sa isip ng isang paslit, sapat na ang isandaang piso para mabuhay sa mundo. If only he knew it's not money that took away his father from us.
Kung kailan ko ba mahahanap ang lakas ng loob upang ipagtapat sa anak ko ang katotohanang hindi nag-abroad ang tatay niya para magtrabaho, hindi ko pa alam. Kung masakit na sa akin ang nalaman ko ay siguradong mas masasaktan siya.
I cannot break my son's heart just because his father broke mine.
Humugot ako ng hininga't kinuha ang remote upang patayin ang TV. Kaagad niya naman akong nilingon habang matindi ang pagsasalubong ng mga kilay. "Mama! Watch pa, eh!"
I don't know what's so interesting with the news about a business tycoon who just came home to the Philippines to inherit his father's company that Konnar got upset when I turned the TV off. Siguro ay dahil naroon ang lukso ng dugo kaya kahit hindi ko sabihin kay Konnar na iyon mismo ang tatay niya, masyado siyang nahuhumaling sa mga balita tungkol kay Khalil.
Pilit akong ngumiti at hinaplos ang buhok ni Konnar. "Samahan mo na lang ang Mama, anak. Bibili tayo ng bago mong damit para sa school."
"Bigay mo ko bente pag-uwi?" he asked, nakikipag-negotiate na naman para may mailagay siya sa alkansya.
I swallowed the lump in my throat, knowing so well that my son is saving up for nothing.
"Sige, anak." Ibinaba ko siya mula sa pagkakakandong sa akin. "Bihis na tayo, ha?"
Konnar nodded in an excited way, not because we're going to the mall but because he knew I'd give him money once we're home.
I let him wear his best attire. Nang lumabas kami ng kwarto ay kadarating lang ng Tatay galing sa pamamasada ng pedicab niya. Nagmano ako't ganoon din si Konnar.
"Lisa, napanood mo ba--"
"Oho," agap ko bago ko siya basag na nginitian. Baka kung mapag-usapan namin sa harap ni Konnar ay humagulgol lamang ako. Hindi pa ako handang ipagtapat sa anak ko ang katotohanan.
Gumuhit ang lungkot at awa sa mga mata ng Tatay, ngunit imbes na ituloy ang sinasabi niya kanina ay tumingin siya sa anak ko.
"Saan ang punta ng apo kong pogi?" biro niya kay Konnar kahit na alam kong naaawa siya sa aming mag-ina.
My son showed a proud grin. "Mag-bodyguard sa Mama, Lolo para pag-uwi may bente!"
Parehas kaming natawa ng Tatay dahil sa sagot ni Konnar. Ginulo naman ng Tatay ang buhok ni Konnar saka siya dumukot ng bente sa kanyang bulsa. "Oh. Ambag ng Lolo sa baboy mo."
Walang pagdadalawang-isip na tinanggap ni Konnar ang pera. Nang matapos yumakap sa baywang ng Lolo niya ay sandali itong pumasok ng kwarto para ilagay sa alkansya ang bente pesos. Nagkatinginan naman kami ng Tatay saka sabay na basag na ngumiti.
"Hayaan mo na, anak. Ganoon siguro talaga ang buhay. Nandito naman ang Tatay para sa inyo ni Konnar."
Kaagad akong suminghot at pinunasan ang namuo kong mga luha nang lumabas si Konnar ng kwarto. "Alis na kami, Tay ha? Nakaluto naman na ho ako ng pagkain."
"Ihahatid ko na kayo sa sakayan ng jeep," aniya bago inakay si Konnar palabas.
Hinatid kami ng Tatay hanggang sa sakayan. Nang makarating ng mall ay panay ang ikot ng mga mata ni Konnar sa paligid, namamangha sa rami ng mamahaling gamit na nakikita. Nang mapadaan kami sa bilihan ng mga laruan, nabakas ko sa mukha niya ang kagustuhang pumasok. May naitabi naman akong pera para kung sakaling magturo siya ay maibibili ko, kaya nang tumagal pa ang titig niya sa bilihan ng laruan ay tumalungko na ako sa kanyang harap.
"Gusto mo bang bumili ng laruan, 'nak? Ibibili ka ng Mama."
Bumuntong hininga siya. "Sa palengke na lang, Mama. Tingin mo, mahal. Madaming bente dapat."
I laughed softly. OH, my clever boy. Manang-mana talaga sa Tatay niya.
"Ano na lang ang bibilihin ng Mama sayo maliban sa gamit sa school?"
"Ice cream," sagot niya bago itinaas ang kanyang hintuturo. "'Yong bente lang."
Napailing na lamang ako't tumayo na, ngunit nang akmang maglalakad na kami ulit ay nagawi sa loob ng bilihan ng laruan ang tingin ko. My eyes widened and my lips parted when I realized who's the man with a baby carrier, smiling ear to ear to a little boy while showing a huge box of leggo.
Khalil...
Natulala ako nang makita ang napakatamis niyang ngiti habang kausap ang batang lalake, at nang lumapit sa kanya ang pamilyar na babaeng may tulak na stroller, pakiramdam ko ay may sumuntok sa aking dibdib. The woman pecked a kiss on his cheek before he whispered something to her that made her giggle.
Hindi ko na namalayan pa ang pagpatak ng aking mga luha habang nakatitig sa kanila. Konnar was already getting worried, ngunit hindi ko magawang tignan ang anak ko. Tila napako ako sa kinatatayuan ko't hindi maialis ang pagkakatitig sa ama ng anak ko.
Look at him being a good father to those kids while my son waits every single day outside our house with his piggy bank on his lap?
How could he betray us when he promised me nothing but forever?
My tears streamed down my cheeks, and when he accidentally caught my gaze, my lips pursed as I immediately lifted Konnar so we can leave. Binilisan ko ang hakbang hanggang sa makapasok kami ng banyo. Bitbit ang anak ko ay isinara ko ang pinto saka ako lumuhod sa harap ni Konnar para mayakap siya.
I cried in my clueless son's shoulder, and when I lifted my head to meet Konnar's gaze, I felt like I just stared at his father's wild obsidian eyes.
The eyes I wish I never looked back at on that cold December night...