Kabanata 34 Khallisa "Salamat po, Mrs. Navales. Balik po ako ulit sa Sabado," nakangiti kong sabi sa isang pinaglalabadahan ko matapos niyang ibigay ang bayad sa akin. "Na-recommend kita sa pinsan ko. Pumayag naman siya. Baka tuwing Friday naman 'yon magpapalaba," ani Mrs. Navales. I smiled. "Thank you po. Sabihin ho ninyo, pwede rin ako bilang tagaluto at tagalinis. Huwag lang hong stay in at si Konnar ko naghihintay palagi. May trabaho rin ho kasi ako kapag gabi sa hotel." Tumango siya. Mayamaya ay dumukot ng dalawandaan sa bulsa at ibinigay sa akin. "Para kay Kon. Sabihin mo mag-aral nang mabuti." I nodded and finally bid my goodbye. Sakto namang nasa labas na ng subdivision si Gio at hinihintay ako. Tuwing galing ako kina Mrs. Navales ay isinasabay na niya ako pauwi nang makatipi

