Kabanata 36 Khallisa He's home. He's finally home, but he's already with someone else... at ang sakit-sakit ngayong panoorin si Konnar na matulog nang mahimbing, dahil alam kong darating ang araw na kakailanganin kong ipagtapat sa kanya ang masakit na katotohanan. May iba nang pamilya ang tatay na araw-araw niyang hinihintay na umuwi sa amin. I caressed Konnar's head while my tears are trailing down my face. Paulit-ulit na nagpi-play sa isip ko ang nasaksihan ko kanina sa mall, at kahit na anong sabi ko sa sarili na baka namalikmata lamang ako, alam ko sa sarili kong si Khalil at Cornelia mismo ang nakita ko kanina. Napahikbi na ako nang tuluyan, kaya bago ko pa magising ang anak ko, maingat na akong umalis ng higaan at lumabas. I stood outside and stared at the starry sky, wondering

