Kabanata 41 Khallisa "Bakit parang mas marami yata iyang isang supot, anak?" tanong ni Tatay nang inaayos ko sa backpack ang mga paninda kong ulam. Payak akong ngumiti. "Kay... kay Khalil ho kasi 'yong maraming laman, 'Tay. Palagi ho siyang bumibili ng kare-kare." Sumigla ang mukha ni Tatay. "Naku, maganda 'yan. Sigurado ako na kahit hindi pa siya nakakaalala, kilala ng katawan niya ang luto mo, anak." "Sana nga ho." "Eh, kumusta naman ba ang trabaho mo roon? Mabuti at hindi kayo nagpapanagpo nina Kamino at Cornelia?" tanong niya matapos maupo sa monobloc. "Wala raw pong hilig si Lia na pumunta sa opisina ni Khalil sabi ni Secretary Beun. Puro nga raw ho iyon shopping at panay lang ang labas kasama ang mga kaibigan kaya nagtatalo raw sila madalas ni Khalil. Si Tito Kamino naman po,

