Kabanata 25 "Mahal, anong ginagawa mo sa labas?" nag-aalalang tanong ni Khalil nang maabutan akong nakaupo sa monobloc na nasa labas ng bahay. Payak akong ngumiti. "Hinihintay kita, eh. Gusto kitang kasabay kumain." As if my words washed away his tiredness, Khalil held me on the back of my head and planted a gentle kiss on my forehead. "Sa susunod sa loob ka na maghintay. Malamok dito. Baka mapa'no kayo ni baby." Itinaas niya ang bitbit na supot. "Binili kita ng paborito mong lugaw." I smiled and took the plastic bag from him. Inakbayan niya naman ako saka kami pumasok. "Si Tatay, tulog na?" tanong niya. Umiling ako habang isinasalin ang lugaw sa bowl. "Umalis, mahal. Nayaya sa isang raket ni Mang Rolly. May ginawa yata silang makina ng van kaso si Tatay lang ang may kayang mag-repa

